(ITHOJM) CHAPTER 54🌺

83 6 1
                                    

INSIDE THAT HEART OF JACK MONTEVERDE (BOOK 1)
by: Seyeee047💚





CHAPTER 54🌺

JACK'S POV

'Damn it! Stop this stupidity Jack!

Hindi nga siya si Maureen!', inis na saway niya sa sarili.

Pilit niyang kinukimbinsi ang sarili na buhay si Maureen ngunit pilit ding pinapaalala ng puso niya na wala na si Maureen at walang sinuman ang makakapalit dito.

Ngunit sa bawat kilos at galaw ni Sandra ay naalala niya si Maureen.
Pati na sa simpleng paghawi lang ng buhok neto.

Pati na sa bawat ngiti ni Sandra kapag kausap neto si Gab, ay si Maureen ang nakikita niya.

Kung paano neto tratuhin ang anak niya at ang labis na pag-aalala at pag-aalaga neto kay Gab, si Maureen ang nakikita niya.

Ngunit mali, hindi siya maaaring maakit at mahulog ng tuluyan kay Sandra dahil lang sa naaalala niya si Maureen dito.

'Sa lahat ng nagawa ko sa iyo Maureen, sa lahat ng ginawa kong pananakit sa damdamin mo.

Wala akong ibang ginawa kundi ang saktan ka at linlangin ka pero minahal mo pa din ako ng sobra.

Sobra pa sa nararapat!

Sobra pa sa deserve ko!

Kung hindi mo sana ako minahal, kung hindi ko na sana ginulo pa ang buhay mo, maaring..-

baka buhay ka pa sana ngayun!

Kasalanan ko lahat!

Kasalanan ko kung bakit ka nawala.

Ako dapat yung nawala.

Patawad!

Patawad Maureen.', puno ng pagsisising saad ni Jack habang kinakausap ang larawan ni Maureen.

Animo'y may napakalaking tinik na nakabara sa kanyang lalamunan dahilan ng tila basag niyang boses sa pagsambit ng bawat salita at ang kanyang mga mata na mistulang mga ilog na nagpakawala ng sandamakmak na mga luha na nag-uunahan sa pag-agos, habang kinakausap ang larawan ng minamahal na alam niyang hindi na makakarinig ng pagsisisi niya at paghingi ng tawad.

----------

Pagbalik ni Sandra ay agad siyang sinalubong na Gab na nagtatatakbo pa patungo sa kanya.

"Ate, are you fine na? Did you sleep well?", inosenteng agarang tanung ng bata na bakas sa boses ang labis na pag-aalala.

Napangiti naman si Sandra sa sinabi ng bata at ang pag-aalalang nakikita niya sa mga mata neto.

"Of course Gab, ate Sandra's a little bit tired lang! Sorry ha if ate Sandra makes you worry",nakangiting tugon niya sa bata habang hinahaplos-haplos ang buhok neto.

"Don't be sorry po ate! You should eat na po, baka nagutom po kayo", ani Gab at hinawakan pa ang kamay niya na animo'y sasamahan pa siya para kumuha ng makakain.

"Ahm ok, but before that may ibibigay pala ako sa'yo. Syempre hindi maaaring makalimutan ni ate Sandra ang gift para sa birthday boy"

At kinuha niya ang isang maliit na kahon na nasa bulsa niya. Binigay niya eto kay Gab na tuwang-tuwa namang tinanggap ang regalo niya.

Kaagad etong binuksan ni Gab at halos kumislap ang mga mata ng bata sa natanggap na regalo mula sa kanya.

Inside That Heart of JACK MONTEVERDE (1) (Completed)Where stories live. Discover now