(ITHOJM) CHAPTER 8🌺

168 7 2
                                    

INSIDE THAT HEART OF JACK MONTEVERDE (BOOK 1)
by: Seyeee047💚


CHAPTER 8🌺

  
"Aba-aba mukhang malala talaga yata ang tama mo kay Maureen pare ah.

Isipin mo yun ha, si Mr. Playboy na walang pake kahit kanino.


Pinagtitripan kahit sino.

Walang pake sa nararamdaman ng kahit sino, kahit na pati kami eh naging Mr. Goodboy?

Ang malala eh naging top 1 pa!

Eh dati wala ka ngang interes sa academics at  halos ayaw mo nga humawak ng libro na parang diring-diri ka sa mga eto, di'ba?

Hanep!"   di makapaniwalang sambit ni Patrik na napapailing-iling pa.

"At  eto pa ah.

Naging close pa kayo ulit ng mommy mo.

Wow!

Maniniwala na talaga ako sa himala.

Sana dumating na din yung Maureen ng buhay ko"  dagdag na saad ni Jake na animo'y biglaang naging lutang sa alapaap ang isip.

Napangiti na lang si Jack sa panunukso ng mga kaibigan.

Mula kasi 'nung maging sila ulit ni Maureen ay sinisikap na niyang baguhin ang sarili niya.

Baguhin for the better!

Palagi na siyang nagsusumikap na iimprove pa ang sarili niya.

"Wala eh, ganun talaga siguro 'pag tinamaan ka.

Babaguhin mo lahat.

Kokontrolin mo lahat kahit na yung mga bagay na dati ay akala mo walang pakinabang o walang silbi, magiging importante sa'yo.

Magiging alipin mo ang sarili mo!

Kahit na may mga bagay na hindi mo gusto, gugustuhin mo.

Para sa kasiyahan ng taong mahal mo at syempre para na din sa ikauunlad ng sarili mo" makahulugang sambit ni Jack na nagpanganga naman sa dalawa.

Natatawa na lang siya sa dalawa na tila natutulala at pinapagana na lahat ng brain cells  sa utak nila para intindihin at iproseso ang mga sinabi niya.

"Naks!

Ang lalim nun ah hindi kinaya ng kahuli-hulihang braincell ko.

Palibhasa may pinaghuhugutan.

Sanaol na lang!

Edi tapos ang usapan" saad ni Jake na halatang tinamad na intindihin ang sinabi niya.

Napailing-iling na lang siya at natatawa lalo na si Patrik na napahalakhak pa at napapalakpak.

"Baliw!

Ang sabihin mo nagresign at nagsilayas na layas ng braincells mo kakaintindi sa'yo"  panunukso naman ni Patrik kay Jake.

"Aba, wow!

Hiyang-hiya naman ako sa nagsalita.

Eh di'ba sinabihan pa nga tayo ni Jack dati na mag-aral para magkalaaman ang utak natin"   usal naman ni Jake na inaalala ang unang beses na nagsalita si Jack ng seryoso tungkol sa pag-aaral.

Inside That Heart of JACK MONTEVERDE (1) (Completed)Where stories live. Discover now