(ITHOJM) CHAPTER 20🌺

109 5 0
                                    

INSIDE THAT HEART OF JACK MONTEVERDE (BOOK 1)
by: Seyeee047💚

CHAPTER 20🌺

  Nang marinig ni Sam ang suhestyon ni Joy ay animo'y kaagad na lumiwanag ang bombilya sa isipan niya.

  Bigla niyang naalala ang mga kaibigan nj Jack na nakita niya sa isang bar 'nung mga araw na halos halughugin niya lahat ng bar para matyempohan si Jack.

Napangiti siya at alam niyang paniguradong maaabotan niya ulit doon ang mga iyon. Kaya dali-dali na siyang tumayo at nagpagdesisyunang kaagad na magtungon doon.

Kasunod niya si Joy na tila naguguluhan kung ano na naman ang sumagi sa isip niya, ngunit lihim na lang na sumunod sa kanya ng wala ng tanung-tanong, hanggang sa makarating na sila sa isang bar na naiisip niya.

"Bar na naman? Bakit tayo nandito Miss Sam? Nako pagagalitan na naman ako neto ng nanay mo", bulyaw ni Joy ng huminto sila at napansing nakarating sila sa isang bar.

Tiningnan lang siya ni Samantha at ngumiti sa kanya na hindi na pina-numbalingan ang mga sinabi niya.

"Suggestion mo 'to, remember?", nakangiting sagot naman ni Samantha na mas lalong nagpakunot ng noo ni Joy.

Wala kasi siyang naaalala na sinabi niyang pumunta sila sa bar.

Kaagad  namang bumaba si Sam ng sasakyan at diri-diritso ng naglakad papasok sa bar. Kahit na naguguluhan ay kaagad namang sumunod si Joy.

Kung balak man lang ulit na maglalasing ni Samantha ay kailangang nandun siya para mapigilan eto.

Lalo pa't pinangako niya sa ina neto na gagawin niya ang lahat para tulungang tumino kahit kaunti ang anak neto.

Hindi naman niya etong pipigilan na pumunta sa mga bar o mag-iinom. Ang gusto lang niya ay kung mag-iinom man eto, hindi naman 'yung maglalalasing lang eto ng sobra lalo't kinakailangan din netong mag-aral.

Pagkapasok ay kaagad na hinagilap ni Samantha ang mga taong pakay niya at napangiti naman siya ng kaagad na  makita ang mga ito.

  Kaagad na siyang naglakad papunta sa mesang kinauupuan ng mga ito at kahit na nagtataka ay walang imik at walang tanung-tanong namang sumunod si Joy sa kanya.

"See? Hindi ba eto ang suggestion mo? O ayan, tignan mo kung sino ang nasa mesang 'yan. Sabi ko na nga ba't dito ko sila makikita eh", nakangiting tugon ni Sam kay Joy na nuon lang naintindihan kung ano ang ginagawa nila doon habang papalapit sila sa table na kinaroroonan nina Patrik at Jake.

"Hi boys!", bati ni Samantha sa dalawa na kumunot ang mga noo ng makita siya.

At kaagad naman siyang umupo sa tapat nila.

"Uy, hi miss- ?", nakangiti ngunit nag-aalangang ganti ni Jake na halatang hindi kilala ang babaeng bigla-bigla na lang lumapit at naupo sa tapat nila.

Napangiti naman si Samantha sa tila naguguluhang itsura ng dalawa.

"Sam!", saad ni Samantha sabay lahad ng kanyang kamay na tinanggap naman ng dalawa na isa-isa namang nagpakilala.

Nilingon naman ni Sam ang kasama niya na nakatayo lang sa likuran niya.

"Ah, and this is my friend, Joy", pagpapakilala ni Sam kay Joy na sinisenyasan niya na umupo sa tabi niya.

Sinulyapan lang ni Joy ang dalawa at kaagad namang naupo sa tabi ni Samantha.

"Hi Joy!", sabay na bati ng dalawa.

Tumango lang si Joy at tipid na nginitian ang dalawa.
   
"So anyways, sinadya ko talagang puntahan kayo dito. I know hindi nyo pa ako kilala pero I am here because I want to ask you guys something", direktang saad ni Sam sa dalawa.

"I think I saw you somewhere before na, pero hindi ko lang maalala kong saan", kunot-noong saad ni Jake habang tila inaalala kung saan niya unang nakita si Samantha.

"Ok shoot", saad ni Patrik sabay lagok ng alak.

Tiningnan lang ni Jake si Sam at inaantay kung ano man ang katanungan neto.

"You're Jack Monteverde's friends, right?", panimula ni Samantha at kaagad namang tumango-tango ang dalawa.

"Yeah", tipid na sagot ni Jake bago damputin ang basong nasa harap at nakipagtoss kay Patrik habang tahimik lang si Joy na nakikinig sa tatlo.

"So you know someone named, Muareen?", direktang tanong ni Sam na tila sabay namang nasamid ang dalawa.
  
"W-who?", paubo-ubo pang saad ni Jake at habang si Patrik naman na pinunasan pa ang bibig habang kunot-noong tiningnan si Samantha.

" Ahm narinig ko kasi yung name na yun na tinawag sa 'kin onetime nung Jack na yun,so since friends naman kayo, so I think maybe you know her too", paliwanag ni Sam at napansing makahulugang nagkatinginan naman ang dalawa.

"Chill, I don't mean any harm, I just really want to meet her. I really, really need to see her. I mean, for personal reasons, but I just have to meet her", paliwanag ni Sam at napansing tila iniiwasan siya ng dalawa na sabay nagsitayuan.

Nagmamakaawa ang mukhang tiningnan niya ang dalawa na pilit na iniiwasang makasalubong ang mga mata niya.

  "Ahm, I feel like dancing", sambit ni Jake na kaagad ng lumakad papuntang dancefloor.

"Yeah,  haha- me too", ani Patrik na tila nag-aalangang ngumiti at kaagad na sumunod naman kay Jake.

Kunot-noong napabuntong-hininga na lang si Samantha sa biglang inasal ng dalawa na tila iniiwasan ang tanung niya habang sinundan ng tingin ang mga ito na tila nag-aalangang sumulyap sa kanya.

"Tsss, nangyari sa mga yun?", naguguluhang bulong ni Sam habang pinagmasdan ang dalawa na tila nagtatago na kaagad na humalo sa mga taong nagsipagsayawan.

"Ayaw ata magpa-interview miss", sambit ni Joy na kanina pa tahimik at nun lang napansin ang tila inis na inis na itsura ni Samantha.

"Shut up!", bulyaw ni Sam na napabuntong-hininga na animo'y pinapakalma ang sarili sabay lagok ng alak na naiwan ng dalawa.

  Napapikit na lang ito sa tapang ng alak na pumasok sa lalamunan nya habang si Joy ay marahan namang nagsara ng bibig niya.

"Haysss, kainis, ba't ba ang ilap ng Maureen na yan?", bulyaw ni Sam habang muling hinahagilap ang dalawa na hindi na niya nakita.

"Kalma lang po miss, baka maglalasing na naman po kayo", mahinang saad ni Joy.

"Tsss, kalma? Paano ako kakalma kung simpleng tanung lang, ayaw pa nilang sagutin. Ano ba kasing meron sa Maureen na yan para umiwas sila ng ganun? Isa pa 'yung freezer na 'yun ang hirap kausapin", dagdag niya bago lumagok muli ng alak.

Inside That Heart of JACK MONTEVERDE (1) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon