(ITHOJM) CHAPTER 59🌺

125 10 1
                                    

INSIDE THAT HEART OF JACK MONTEVERDE (BOOK 1)
by: Seyeee047💚




CHAPTER 59🌺


Panay ang inom ni Jack. Halos gabi-gabi etong lango sa alak habang palaging nasa malayo ang tingin.

Masaya siya ng malamang si Sandra at si Maureen ay iisa.

Masaya sila dahil nagbalik na si Maureen. Buhay si Maureen! Buhay ang babaeng mahal niya. Ang kaisa-isang babaeng minahal niya!

Masaya siya. Sobrang saya! Ngunit sa hindi niya maitagong dahilan ay kumikirot ang dibdib niya. Hanggang ngayon ay mahal pa rin niya si Maureen.

Noong unang pagkikita pa lang nila ni Sandra ay pakiramdam niya ay tila tumitigil sa pagtibok ang puso niya. Ngunit pinipigilan niya ang kanyang sarili. Pilit niyang itinatak sa isipan niya na kamukha lang eto ni Maureen.

Na walang ibang babaeng makakapantay kay Maureen. Na wala na siyang ibang babaeng mamahalin, maliban kay Maureen. At dahil nawala si Maureen dahil sa kanya ay tinatanggalan na din niya ang kanyanf sarili ng karapatang umibig pa sa iba.

Tinatanggalan niya ang kanyang sarili ng karapatang sumaya!

Napapatulala siya sa mga simpleng bagay na ginagawa ni Sandra dahil naaalala niya si Maureen. Ngunit pilit niyang pinapaalala sa sarili na walang ibang babaeng makakatumbas kay Maureen.

Walang ibang babae ang makakapantay kay Maureen!

Kaya pilit niyang kinandado ang puso niya at pilit na sinusungitan at iniiwasan si Sandra.

Ayaw niyang mapalapit dito. Bukod sa kamukha eto ni Maureen, sa kabutihan ng kalooban ni Sandra ay si Maureen pa din ang naaalala niya.

Lalong-lalo na sa pagmamahal neto sa anak niya. Si Maureen ang nakikita niya.

Ngunit mali. Maling-mali! Alam niyang hindi tama na ikumpara si Maureen sa katauhan ng iba.

Kung hindi niya sana ginago at sinaktan ang babaeng walang ibang ginawa kundi ang mahalin siya, edi sana buhay pa si Maureen hanggang ngayon, kasama ang anak niya.

Mas may karapatang sumaya si Maureen, kesa sa kanya na hindi man lang alam kung paano pahalagahan ang nararamdaman ng iba.

At ngayung nagbalik na si Maureen at tila nagdiriwang ang puso niya sa tuwa. Ngunit kasabay 'nun ay ang labis na pagsisisi dahil sa mga pagkakamali niya dati.

'Masaya ako na nandito ka na ulit Mawee!  Masayang-masaya dahil buhay ka! Gustong-gusto kitang yakapin ngunit hindi maaari. Gusto kong kalimutan mo na ako!Kalimutan mo na mga kagaguhan ko! Gusto kong maging masaya ka Mawee. Kahit pa, hindi na ako ang magiging dahilan ng sayang iyon', sa isip niya sabay lagok ng isang bote ng alak kasabay ng pagdaloy ng mga luha sa kanyang mga mata.

Mga luha ng pagkasabik at saya ng kanyang puso dahil sa pagbabalik ng babaeng pinakamamahal niya.

Mga luha ng pangungulila dahil sa tagal ng panahong nawalay sila sa isa't-isa.

Nawalay na tila pinaglalaruan ng pagkakataon dahil sa mahaba-habang panahong sila'y magkasama at palaging nagkikita ngunit hindi nila nakikilala ang isa't-isa.

Mga luha ng sakit at pagsisisi dahil alam niyang hindi na niya maibabalik pa ang dati nilang saya. Dating saya ng pagmamahalan nilang dalawa. Pagmamahalan na sinayang lang niya.

'Masaya ako na naging malapit tayo kahit na hindi natin nakikilala ang isa't-isa.

Kahit na hindi mo ako nakikilala at ang pinanghahawakan ko ay puro lang hinala.

Inside That Heart of JACK MONTEVERDE (1) (Completed)Where stories live. Discover now