CHAPTER 37

33 5 0
                                    

Chapter 37

Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko nang makitang palapit na sa 'min ang mga Trevoz. Nagkatinginan kaming dalawa at parehas na napangiti.

Nang makarating sa harapan namin ang mag-asawang Trevoz ay sabay kaming tumayo ni Reese. I nodded at them but they just ignored us. Mr. Trevoz pulled a chair for his wife. Nang makaupo sila ay umupo na kaming muli ni Reese.

Hindi ko alam paano sisimulan lalo na ngayong masama ang tingin ng dalawang Trevoz kay Reese. Tumikhim ako para kuhanin ang atensyon nila. I was about to speak when Mrs. Trevoz started.

"You can't back out, Sheldon Reese," aniya habang masama na ang tingin sa 'kin. Humigpit pa lalo ang hawak ni Reese sa kamay ko.

"I'm sorry to disappoint you, Ma'am, but you can't fool me anymore," mariin na sagot ni Reese. I bit my lower lip as I tighten my hold on his hand. I want him to calm down.

"You will marry my daughter! 'Yon na ang napag-usapan ilang taon na ang nakakalipas hanggang ngayon! Kung hindi lang dumating itong mga Arellano na 'to—"

"I'm the one he's going to marry, Ma'am. No one but me," putol ko sakaniya. Her eyes widened because of what I've said. Lumingon siya sa kaniyang asawa na para bang nahingi ng tulong. Mr. Trevoz sighed heavily.

"Let them—"

"No! I'm not going to let them!" mabilis na sabi ni Mrs. Trevoz sa asawa. "You will marry Olivia!" baling niya kay Reese. "And, you! Get out of our life! Ikaw ang sumisira sa napagkasunduan namin!" aniya naman sa 'kin.

I smiled. "No..." I uttered.

"What?!"

"You're the one who ruined everything... It's your family." Sinabi ko 'yon sakaniya habang mariin na nakatitig sakaniyang mga mata. It's true... Sila ang may pasimuno kung bakit naging ganito ang lahat. Kung hindi lang sana nila pinaglaruan ang mga Cavallero.

"You're crazy!" sigaw niya sa 'kin.

"I was left behind, Mrs. Trevoz, do you know that? Since I was kid, palagi akong iniiwan..." I smirked. "... sa paulit-ulit na dahilan." And they're the reason why. Tinaasan ko siya ng kilay nang mag-iwas siya ng tingin sa 'kin. Bumaling ako sakaniyang asawa. "Ask for forgiveness. Humingi kayo ng tawad sa lahat ng taong na-agrabyado niyo," seryoso kong sabi.

Mr. Trevoz shook his head. "Hijo..." panimula niya.

"No! Hindi! You're not asking for forgiveness!" pigil sakaniya ng asawa. Tumayo ang ginang at hinampas ang lamesa. Kitang-kita ko ang galit sakaniyang mga mata. "Hindi tayo hihingi ng tawad sakanila! Mga walang-hiya, walang utang na loob! Iharap mo sa 'kin si Eleanor at kaming dalawa ang magtutuos!" aniya kay Reese. Reese clenched his jaw and then he stood up.

"My mother is out of this." Taas-noo siyang humarap kay Mrs. Trevoz. "I am ending everything here. What you did was too much. I'm not letting you near my family again. Kung nagtagumpay kayo noon, hindi na ngayon. Thanks to all the things you did, I realized everything. Simula pa nung una, there's no engagement between me and Olivia. Hinding-hindi ko gugustuhin makasal sa babaeng hindi ko mahal. I'm not sorry to disappoint you... This is the end of all of this." Sa matandang lalaki naman siya humarap. "Your daughter is a nice woman... but she's really not my woman."

Marahan niya akong hinila palapit. Hinapit niya ang beywang ko at dinikit sakaniya. "Reign and I wasted lots of years because of your family. But now, we're going to create lots of good memories... thanks to you. I will not marry your daughter..." Mas lalo niya akong dinikit sakaniya. "Marianne Beige Arellano is the woman I'm going to marry. I hope I cleared out everything."

Tahimik kami nang makasakay sa sasakyan. He didn't start the engine. Nakaupo lang siya roon habang nakahawak sa steering wheel. Pinapanood ko lang siya dahil talagang natigilan ako sa lahat ng sinabi niya kanina.

Waiting Until Dawn (Bittersweet Series #1)Where stories live. Discover now