CHAPTER 23

37 4 0
                                    

Chapter 23

"You should try this. Come on!"

Yna's handing me a shot glass. Hindi ko alam kung anong drink 'yon pero kanina pa nila 'yon iniinom. Hard drink yata 'yon dahil passed out na si Alena sa gilid.

"One lang!" I said to her as I accepted the shot. She cheered me up and I immediately did a face after drinking. Sobrang sakit sa lalamunan!

"Yehey!" Yna said with a drunk voice.

Umalis siya kanina at nang makabalik ay uminom nang uminom. Si Reese ay naroon pa rin, kasama ang mga kaibigan niya. Binalikan niya naman ako rito kanina para tanungin kung inaantok na ba raw ako. Sinabi kong hindi pa because he seems to be enjoying with his friends.

"Hi, Yna!" Napalingon kami ni Fairy sa lalaking lumapit kay Yna na mukhang hindi niya yata napansin. "Yna..." Hinawakan niya ang balikat ni Yna at hinaplos 'yon. Saktong paglingon ni Yna ay ang pagtayo ni Fairy na siyang sinundan ko.

"Sino ka ba at hinahawakan mo ang kaibigan ko?" She asked the guy. Kinabahan naman ako nang lingunin kami ng lalaki at nginisian nang nakakaloko.

"I'm her boyfriend," aniya saka inalalayan patayo si Yna. Sa kalasingan ay hindi na umapila pa ang aking kaibigan at hinayaan na lamang ang kaniyang sarili.

"Kapal naman ng mukha mo. Bitiwan mo ang kaibigan ko," malamig na sabi ni Fairy. Hinawakan ko ang kaniyang braso para pakalmahin siya. "Hindi mo siya bibitawan?" Fairy asked with her sharp stares.

"Sino ba kayo? Miss, pagsabihan mo nga 'yang kasama mo. Nangingialam!" sabi sa 'kin nung lalaki at akmang hihilahin si Yna nang hinawakan ko ang braso niya at pilit na tinanggal ang pagkakahawak niya sa kaibigan ko.

"What did you say?!" Inilayo ko si Yna sakaniya at binigay kay Fairy. Hinarangan ko naman silang dalawa at buong tapang na hinarap ang lalaki. Wala namang nakakapansin sa 'min dahil busy sa pagsasaya ang lahat.

"Pati ba naman ikaw, mangingialam?! I told you I'm her boyfriend. And look, she's drunk. Ihahatid ko na siya sa kwarto namin." Tinulak niya ako palayo at muntik na akong matumba sakaniyang ginawa. Inayos ko ang sarili ko at pinigilan siya sa paglapit kay Yna na ngayon ay hinaharangan ni Fairy. Si Alena naman ay unti-unting bumabangon at tiningnan kami ng may pagtataka sa mata. Thalee went out to talk to someone kaya kami lang ang natira rito.

"What's happening here?" I heard her. Sinapo niya ang kaniyang noo at yumuko nang muli. Binalik ko ang tingin sa lalaki na nakikipag-agawan kay Fairy.

I don't know why but I feel so angry. Hindi ko alam kung dahil na rin ba sa marami na akong nainom at nag-iinit ang ulo ko. He's claiming himself as Yna's boyfriend?!

"Kung hindi ka pa aalis dito, magtatawag ako ng gwardiya!" sabi ko sa lalaki.

Nilingon niya ako. "Try me, then."

Tuluyan nang nawalan ng malay si Yna at mas lalong nagpumilit ang lalaki na lapitan siya at kuhanin. Mabuti nalang at medyo matino pa ako para protektahan ang mga kaibigan. Nakuha na rin namin ang atensyon ng iba nang dahil sa pagsigaw ng lalaki sa akin.

"Ano ba! Sinabi nang bitawan niyo siya!" He pushed me on the ground hardly. At dahil sa kalasingan ay hindi ko kagad natukod ang kamay ko at nauntog pa ako sa kung saan. Mas nadagdagan pa no'n ang sakit ng ulo ko.

Tatayo na sana akong muli nang may humawak sa braso ko at inalalayan akong tumayo. Naamoy ko kagad ang pabango ni Reese. Nang dahil doon ay nabuhayan ako ng loob, pwede niya kaming tulungan na mapalayas ang lalaking 'yon!

I was about to tell Reese everything when someone punched the man. Nanlalaking mga mata kong pinanood ang lalaki na hawakan ang kaniyang panga. I, then, looked at Alena who grabbed the man's collar.

Waiting Until Dawn (Bittersweet Series #1)Where stories live. Discover now