CHAPTER 2

107 8 2
                                    

Chapter 2

"Nakahanda na ang umagahan mo, Reign," salubong sa 'kin ni Ate Maris. Tinanguan ko lang siya saka umakyat para makapagpalit ng damit.

Hindi ko mapigilan ang mapa-isip habang naliligo. He has a girlfriend, huh? How old is he? Same kami ng age or he's older than me? Baka naman mas matanda ako sakaniya? Ah, I doubt that. Mas mature siya tignan kaysa sa akin. Ako, halatang sixteen years old. He's probably 17? or 18?

"Ay, Reign! Bakit ba pinroproblema mo pa 'yon?!" I said to myself annoyingly. Oo nga naman, Reign. Bakit nangengealam ako sa buhay ng ibang tao? Kung may girlfriend siya, wala na ako roon!

"Reign, bilisan mo r'yan at may bisita ka!" Muntik na 'ko mapatalon sa gulat dahil kay Ate Maris. Paano ba naman, ang lalim ng iniisip ko tapos bigla siyang kakatok nang malakas.

"Who?!" I shouted so she'd hear me.

"Ano eh... Ano nga ang pangalan ng batang 'yon? Ah, Sheldon! Oo! Si Sheldon!" Ate Maris yelled. Excitement was evident in her voice. 

Teka nga, bakit narito sa pamamahay ko ang lalaking 'yon?

Kahit na nagtataka ako kung bakit nandito ang lalaking 'yon, binilisan ko pa rin ang pagligo upang makababa na agad ako at maharap na siya.

Walang emosyon akong bumaba sa hagdanan. My heart thumped when I saw him at the edge of the stairs. Talaga lang, ha? Hindi ba siya makapag-intay sa living room at talagang inabangan pa 'kong makababa?!

"What are you doing here?" I asked as I stared at his so gorgeous face. Oh, stupid! Anong gorgeous! Gorgeous, my foot!

"My mother ordered me to be with you today," he simply answered. Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya.

Naglakad ako patungo sa aming dining area, I could feel him following me. I sat on my usual spot then I motioned him to sit, too. He shook his head at me. Anong problema nito? Uupo lang!

"I asked you to sit," iritado kong sabi.

"You didn't ask me," he fired back. 

Alam mo, he's so annoying. Lagi nalang siyang may say sa mga ginagawa at sinasabi ko. Lahat ng malapit sa 'kin sinasabihan akong super friendly ko raw. Now, I doubt that. Hindi ko ata masikmurang maging friendly sa harapan ng lalaking ito. Nag-iinit ang ulo ko at parang gusto ko siyang tadyakan.

"So, why did Tita Eleanor ordered you to be with me?" I asked when I remembered what he said earlier. 

Hindi naman na ako bata para mangailangan ng kalaro. I have a lot of things to do at hindi naman ako mabo-bored doon. So why bother to be with me kung puwede namang 'yung girlfriend niya na lang ang samahan niya. Besides, we're not that close. Nung isang araw ko nga lang siya nakilala and I thought he's nice, but he is not. He's so rude! Siya 'yung tipo ng tao na hindi magpapatalo kahit saan!

"Ask her," he coldly said then he turned his back at me. 

See? He's so freaking rude! I think he forgot that he's stepping and he's here inside my house, so how dare he act rude towards me?! He's pushing my damn buttons!

"Hey! I'm being nice here!" I stood up and left the dining area just to follow him and make him apologize.

I grabbed his arm, my eyes widened when I felt his veins on my bare hands. He looked at my hand holding his arm, then his brows shot up teasingly. I let go of him immediately. Ang walang-hiyang ito!

"You're what? You're being nice?" he mocked.

"I'm asking you a question tapos pi-pilosopohin mo lang ako at tatalikuran! How dare you—"

Waiting Until Dawn (Bittersweet Series #1)Where stories live. Discover now