CHAPTER 38

45 6 0
                                    

Chapter 38

"Uhm, hi..." I smiled awkwardly at him. Hinigpitan ko ang hawak sa maleta at nanatiling nakatayo roon, hindi alam ang gagawin. 

Kinuha niya ang maleta ko. "You're going to stay here for the mean time, right?" Tumigil siya at tinuro ang kwarto ko. Lumunok ako nang mariin bago tumango sakaniya. I-I didn't know he's here... Sabihin ko ba sakaniya o hayaan ko nalang? 

"You're staying here pala," mahina kong sabi dahil hindi ko sigurado kung dapat ko ba 'yon sabihin sakaniya. Napangiti siya sa sinabi ko at tumango. 

"When you left for Los Angeles, dito na ako tumira ulit." 

"Oh..." Naglakad ako palapit sa dati kong kwarto at pumasok sa loob. Binuksan ko ang ilaw at pinasadahan ng tingin ang kabuuan ng silid. I was expecting for some emotional reaction but it didn't come. I just... I feel better. 

"Wala akong ginalaw sa kwarto mo..." Nagsalita si Reese mula sa likuran ko. Nilingon ko siya at tinitigan. "But this is my room now," he added that made my brows furrowed. 

"What do you mean? Saan pala ako matutulog?" 

"No! I mean... I sleep here." 

"W-What about your room?" Lumabas ako ng kwarto ko pagkatanong ko no'n. Naglakad ako papunta sa kwarto niya at binuksan 'yon. I opened the lights and I was surprised when I saw what was inside. 

My jaw dropped as I looked at Reese who's now scratching his nape. Nakabuka ang bibig ko pero hindi ko alam ang dapat sabihin. It... it shocked me! Did he really...

"W-Why is there a nursery room here? There's a crib inside!" I freaked out. Pumasok ako sa loob at manghang pinasadahan ng tingin ang kabuuan. It's complete! It's perfect for a baby... but... Oh my god. Don't tell me... "Y-You have a baby now?" 

"No!" he answered right away. 

"E, bakit may ganito kagad? Are you planning to have a baby with someone now?" Pinanliitan ko siya ng mata. This is too shocking. Kakauwi ko lang! Ni hindi ko pa nga napapalitan ang damit ko!

He bit his lower lip as he looked at me with nervous eyes. "I'm just preparing..." 

My jaw completely dropped. Napalunok nalang ako at mabilis na lumabas ng kwarto. Sumunod siya sa 'kin pero pinigilan ko siya dahil magpapalit ako ng damit. Nagmamadali akong pumasok sa loob ng kwarto ko at nang masara ang pinto ay kagad akong napasandal doon. 

I just got home.

"Oh my..." Nasapo ko ang noo ko dahil hindi pa rin ako makapaniwala. Tumingin ako sa kama ko at natawa nalang ako nang makitang may damit siya roon. Lumapit ako sa kama at pinulot ang damit ni Reese. I sat on my bed but then I smelled something. Kumunot ang noo ko bago ko inamoy ang bedsheet. 

Wow, he's really sleeping here in my room and he didn't change his body wash. It smells the same. Tumayo na ako at pumunta sa banyo. My brows shot up when I saw his things. So he's really using my room because he made his room a nursery one! For a baby! I can't believe it!

Nang natapos ako ay lumabas na rin ako ng kwarto. Naabutan ko siyang naghahain ng mga plato. I pouted as I walked towards him. Tinulungan ko siya sa paghahain nang walang sinasabi. I don't want to open the baby topic but I can't help it!

"You're planning to have a baby now?" kaswal kong tanong habang naglalagay ng mga kutsara. Talagang hindi ako tumingin sa mga mata niya dahil tumataas ang mga balahibo ko. 

"Y-You can say that," he stammered.

"Congrats?" I smirked at him. I heard him sighed heavily. 

"I'm not planning to have a baby with someone else. I'm going to have a baby with you when you're ready," medyo napipikon niya nang sabi. Nabitawan ko ang hawak na kutsara. Parang na-choke ata ako sa sarili kong laway! Inabutan niya ako ng tubig at mabilis kong kinuha 'yon at ininom. 

Waiting Until Dawn (Bittersweet Series #1)Where stories live. Discover now