PROLOGUE

260 14 12
                                    

Prologue

MARIANNE BEIGE ARELLANO

"Reign, gumising ka na. Kapag ikaw na-late sa opening ng gym mo, 'wag mo 'kong pagagalitan." Tinakpan ko ng comforter ang mukha ko nang marinig ko ang secretary ko. I groaned when I felt someone pulling my comforter. Hinigit ko ulit 'yon pataas pero may humigit na naman pababa.

"What the heck, Stephanie?! Don't pull my damn comforter and let me sleep more!" I shouted while my eyes are still closed. Alam kong binuksan na ni Stephanie ang kurtina at ayoko munang makakita ng araw.

I'm very exhausted because of my naughty best friend! She brought me to a club and I don't know what happened next. Basta ang alam ko, may naghatid sa 'kin dito sa Hotel ni Thalee. Buti naman at hindi ako sa condo ini-uwi dahil talagang masasapak ko ang Thalee na 'yon. 

I've been hating my condo for about years, kaya hindi na ako na-uwi roon. Kung may kailangan man ako na nasa condo, si Stephanie na ang inuutusan ko dahil ayokong umapak do'n dahil iniiwasan kong maalala ang mga ala-alang pilit kong tinatanggal sa aking isipan. 

"Gising na ba siya? Opening ng gym niya ngayon, ah?" I heard someone said. I let out a sigh and then I opened my eyes. Kumunot ang noo ko nang makakita ng araw. Tumayo ako at naglakad patungo sa bintana. I pouted when my gaze drifted to the clouds. Nang makarinig ng tikhim sa likuran ay agad kong sinarado ang mga kurtina. 

"Buti naman at gising ka na, Miss Beige," Thalee mocked. 

"Tigilan mo 'ko! Ikaw ang may kasalanan kung bakit ako late nagising ngayon!" Inirapan ko si Thalee na ngayon ay tinatawanan ako. Dumeretso ako sa banyo upang maligo. Nang matapos ako ay agad akong nagbihis. Thalee walked towards my bed then she sat there while watching me wear my sandals. 

"Steph... Schedule, please," I said to my secretary. Pumunta ako sa vanity upang maglagay ng kung ano-ano sa mukha. Nagsimula nang magsalita si Stephanie nang damputin ko ang primer. 

"You need to attend the opening of your gym this morning. You have a lunch date with your parents. And by 4 pm, you have a meeting with Ms. Olivia Trevoz." 

"4 pm? Are you serious, Steph? Move it after the opening of my gym. I want the meeting done early."

"Yes, Reign," she said and then she started to write something on her notebook. Lumabas na rin siya para siguro tumawag sa kabila na pina-aga ko ang meeting.

Kung nagtataka kayo kung bakit Reign lang ang tawag sa 'kin ng secretary ko at hindi Madam o ano pa man, 'yon ay dahil gusto kong ituring niya ako bilang isa niyang kaibigan. Hindi ko kailangan ng mga formal na 'yan. Magkasing-edad lang din naman kami kaya wala nang kaso sa 'kin kung ganoon niya ako tatawagin. 

Nang matapos ako ay agad akong humigop sa kape na tinimpla ni Stephanie. Saka na ako kakain ng umagahan kapag natapos na ang opening. Hindi rin naman ako magtatagal dahil may pupuntahan pa 'ko. Naroon naman si Ivan na siyang kapareha ko sa negosyo na 'yon. Anak si Ivan ng kaibigan ni Daddy at matagal niya na akong nililigawan. Hindi ko siya pinatigil dahil alam kong 'yon ang magpapasaya sakaniya. Ang gusto ko lang ay 'wag siyang umasa na agad kong mabibigay ang kagustuhan niya dahil hindi ganoon kadali 'yon. 

"Good morning, Reign," bungad ni Ivan pagkababa ko ng sasakyan. He lend his arm on me at walang pagdadalawang-isip kong isinakbit ang aking braso sakaniya. My brows shot up when Thalee eyed me warningly. Tinanguan ko lang siya at tuluyan na siyang nawala sa dagat ng mga tao. 

"How's your morning?" Ivan asked while he's escorting me towards the main entrance of the gym. 

"Not good, Ivan. May hang over pa ata ako," I said while massaging my forehead. I looked up on him when he suddenly stopped walking. 

Waiting Until Dawn (Bittersweet Series #1)Where stories live. Discover now