EPILOGUE

69 5 0
                                    

Epilogue

"Hindi ko gagawin," I said to my mother without looking at her. Hindi ko kayang tumingin sa mga mata niya. Purong sakit ang nakikita ko roon at pinupunit no'n ang puso ko lalo na't hinding-hindi ko magagawa ang gusto niya.

"Please, anak... Please..." Hinawakan niya ang braso ko at hinigit ako para sa isang yakap. I didn't move and just let her hug me. I didn't speak when I heard her sobbing. This is really breaking my heart.

Hindi ko magagawa 'yon. Hindi ko kayang gawin 'yon sakaniya. I won't sacrifice Beige... At mas lalong hindi ako magpapakasal sa ibang babae.

"Try for me, anak, hm? Try, please..." Pinilit niya akong hinarap sakaniya pero hindi ko siya hinayaan. Natatakot akong bumigay. Natatakot akong papayag ako sa gusto niya.

That night was so painful that I couldn't go to sleep without my mother's words bugging me. Kasunod no'n ay si Beige, siya rin 'yung nakikita ko... 'yung maamo niyang mukha... 'yung matamis na ngiti niya. Kaya hindi ko alam kung ano ang dapat na gawin sa sitwasyon na 'to. I don't wanna choose between my mother and Beige.

"Ikaw lang din ang mahihirapan..." Binigyan ko ng matalim na tingin si Olivia matapos niyang sabihin 'yon. "You're actually doing Marianne Beige a favor." Nagkibit-balikat pa siya. I clenched my jaw as I tried to look away. Naiirita ako.

"Leave," sabi ko habang nakatanaw sa labas. Narinig ko ang pagtawa niya kaya mas lalo lamang nadagdagan ang iritasyon ko. This woman is really pushing my buttons.

"Pinapadali ko na ang lahat sa 'yo. Iwanan mo si Marianne ngayon din nang hindi na kayo magkasakitan," aniya bago lumabas ng opisina. Napabuntong-hininga ako at pagod na sumandal, hindi na alam ang gagawin.

My girlfriend is waiting for me to come home and here I am, thinking if I should leave her. She's in college right now, she's still studying but she's always waiting for me to come home to her. She's supposed to be studying. Binibigyan ko pa siya ng problema.

Hinilot ko ang sentido ko at kinuha ang cellphone. Pagkabukas ko no'n, mensahe niya kagad ang bumungad sa 'kin. I opened her message and my heart hurt after seeing her sweet message for me. Napapikit nalang ako dahil nasasaktan akong hinihintay niya akong umuwi... at ako... anong ginagawa ko?


From: My love

Hello, babe! What time are you going home? I'll cook dinner.


I smiled bitterly as I stood up. I typed a reply but I didn't send it.


To: My love

Hi, love. I miss you so much.


I erased it and just called Kaizer, my friend. I told him to go with me to a club to drink. Gustong kong umuwi sakaniya... Gustong-gusto ko. But I know that there's too many eyes watching my every move. Hindi pwedeng basta-basta nalang ako gumalaw. They are watching me and even Beige.

Halos lunurin ko ang sarili sa alak. Normally, Kaizer wouldn't let me drink too much, pero mukhang alam niya yata na may pinagdadaanan ako kaya pinapanood niya lang ako. Hindi ko naman masabi sakaniya dahil ayaw kong madamay pa siya.

"Grabe, dude..." Umiling siya nang marinig na umorder pa ako. "Gusto mo na bang mamatay?"

"Everything is a fucking mess, Kai," I said drunkenly, wala na sa tamang pag-iisip.

My girlfriend cooked for me and she's waiting... pero 'eto ako, nilulunod ang sarili sa alak, gusto nalang mawala na nang tuluyan. But I know I can't do that to her. I must hold on and wait for everything to calm down.

Waiting Until Dawn (Bittersweet Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon