CHAPTER 32

37 4 0
                                    

Chapter 32

Napahawak ako sa ulo ko nang bumangon ako, bigla kasi akong nakaramdam ng hilo. Naramdaman kong gumalaw si Reese kaya nag-angat ako ng tingin sakaniya.

Kahit wala siyang sinasabi, ramdam ko 'yung galit niya. I didn't dare to talk because I don't know how and where to start. Paano ako napunta rito? 'Yon ang gusto kong itanong pero wala akong lakas ng loob na itanong 'yon.

"Get up," he said that made me panic. Tumayo ako kagad ngunit muntik nang matumba nang dahil sa hilo. Buti nalang at medyo nabalanse ko pa ang sarili ko. Narinig ko nga lang ang malutong niyang mura na nagpangiwi sa 'kin. Ako ba minumura nito?

I glared at him as I stood up. Inayos ko ang damit ko, huli na nang natanto kong iba ang suot ko. Nanlaki ang mga mata ko habang pinapasadahan ang buong kwarto. Para akong nabuhusan ng malamig na tubin nang makita ang mga damit ko na maayos na nakatiklop sa may couch. Napalunok ako saka napatingin kay Reese na matalim akong pinapanood.

"Did... did you change my clothes?" tanong ko.

His jaw clenched as he looked at my clothes. "My mother changed your clothes."

"What?!" Tumaas ang boses ko nang marinig ang sinabi niya. Mrs. Cavallero changed my clothes?! Oh my god! Tell me this isn't happening! "You're joking, Reese," natatawa kong sabi.

"You were so wasted last night..." Humakbang siya palapit sa 'kin, natahimik ako. "I saw Landrick at a gas station. He told me that you're inside his car..." I swallowed hard when I felt the warmth of his body. "Lasing na lasing ka, Reign. Landrick told me you weren't with someone when you went to that club and you let yourself get wasted." He tilted his head as he stared at me with so much intensity.

Nilabanan ko ang tingin niya. "Bakit mo pa ako kinuha kay Landrick?"

The sides of his lips rose as if something's amusing him. My brows furrowed.

"Do you think I'd let you just like that? You were drunk, Reign. Landrick's a busy man," he said and then he licked his lower lip. I got distracted because of that, but I tried my best to look away.

Lumayo ako sakaniya at pinulot ang mga damit ko. Hindi ko pa rin makalimutan na si Mrs. Cavallero ang nagpalit ng damit ko. Paanong ganoon? That was embarrassing!

Pumasok ako ng banyo nang walang sinasabi sakaniya kahit na aware ako sa tingin niya sa 'kin. Hindi ko siya pinansin, pero nang makapasok ako sa banyo ay parang biglang nanghina ang tuhod ko sa hindi malamang dahilan.

Sinandal ko ang noo sa pinto at napapikit. "Stupid, stupid, stupid!" bulong ko sa sarili. Pagkatapos no'n ay naligo na rin ako. Hindi sinasadyang naamoy ko ang damit ko. I bit my lower lip when I realized that he washed it! Ang bango!

Sinuot ko na muli ang damit ko 'tsaka maayos na tiniklop ang malaking damit ni Reese na kanina'y suot ko. Pinagmasdan ko pa 'yon bago lumabas ng banyo. Kaya nagmamadali akong magpalit ng damit ay dahil naaamoy ko siya sa damit ko!

Akala ko, lumabas na siya ng kwarto dahil wala naman na akong balak kausapin pa siya. Pero natigilan ako nang makita siyang nakaupo sa kama habang nakahalukipkip at tila inaabangan pa ang paglabas ko sa banyo.

My heartbeat suddenly became fast. Nakakainis! Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Hindi ko na dapat nararamdaman pa 'to. Matagal ko nang kinalimutan ang pakiramdam na nariyan siya sa paligid ko. Mali na nararamdaman ko pa 'to, mali na bumabalik na naman. Tapos na ako roon at ayaw ko nang dumaan ulit sa sakit na 'yon dahil hindi ko alam kung makakayanan ko pa.

"Thanks for taking care of me. Uuwi na ako," sabi ko nang hindi tumitingin sakaniya. Kinuha ko ang bag ko para kuhanin ang cellphone, pero wala akong nakitang cellphone roon. Nasaan 'yon? Naiwan ko ba sa club?

Waiting Until Dawn (Bittersweet Series #1)Where stories live. Discover now