CHAPTER 6

43 5 0
                                    

Chapter 6

Today is the day that we will go back to Manila. It was fun staying here with my new found friends and... him. Sayang nga at bilang lang ang araw namin. Pagbalik ko, aasikasuhin ko ang enrollment at ang mga gamit na ka-kailanganin ko. Hindi rin ako sigurado kung magkakaroon pa kami ng interaction nina Yna pagbalik roon. Sana ay mag-stay kami sa ganito.

"Baka may nakalimutan pa kayong gamit sa loob. Check everything, ha?" I reminded them.

 Kasabay ulit namin si Fairy. Si Yna at Alena naman ay nasa sasakyan nila Yna. Naroon nga rin ang ibang gamit ni Thalee. Napagkasunduan naming na mag-stop over sa Jollibee para kumain ng lunch.

Wala akong ideya kung ilang oras ang tulog ko. Nagising lamang ako nang marinig ko ang boses ni Fairy. She was shaking my shoulder. Pagmulat ko ay siya lamang ang bumungad sa 'kin at walang Thalee. Aniya'y pumasok na raw sa loob para humanap ng table.

Fairy waited for me outside the SUV. Nag-ayos pa kasi ako ng mukha at kung ano-ano pa. Pagkalabas ko ng SUV ay bumungad sa 'kin ang isang lalaking hindi ko in-expect na nandito rin. Sa likod niya ay ang kaniyang girlfriend na confident na naglalakad palapit sa 'min. I gritted my teeth and then sighed heavily. Nilingon ko si Fairy at kunot-noo itong nakatingin kay Olivia... or should I call her Ate Olivia? E, kung tatawagin ko siya nang ganoon, dapat Kuya rin ang kay Reese. Well... that'd be awkward.

"Sino naman 'yan?" Fairy whispered. 

I prayed na sana ako lang ang nakarinig pero ang paglingon ni Reese sa 'ming dalawa ang nagsabi sa 'kin na narinig niya rin ang tanong. Nakagat ko tuloy ang pang-ibabang labi ko.

Bakit ang lakas bumulong ni Fairy? Kaya nga bulong so dapat mahina!

"Hi, kiddos," Olivia greeted with a confident smile plastered on her lips.

Nag-init ang ulo ko at parang gusto ko siyang sugurin. Naramdaman kong gumalaw si Fairy saaking gilid kaya roon ko napagtanto na kahit anong pigil ko sa nararamdaman ko nang tawagin akong kiddo niyang babae na 'yan, mas matindi pala ang katabi ko dahil hindi niya kayang pigilan ang sarili niya. Buti nalang at dumating si Yna.

"Hoy, anong meron?" Hinila ni Yna sa Fairy pagkasabi niya no'n. Fairy's gaze was so intense na maging ako ay natakot sakaniya bigla. 

I heaved a deep sigh saka lumapit kay Fairy. Hinawakan ko ang kaniyang braso at pilit siyang hinihila papasok sa loob. Akala ko'y 'di siya papapigil, buti nalang at kusa niya na siyang pumasok. I eyed Reese warningly. Hindi ko rin nagustuhan ang sinabi ng girlfriend niya. Hindi niya ba kayang patahimikin 'yon? She's madaldal. Hindi nga kami magkakilala at kung makatawag siya sa akin na kiddo ay akala mo naman we knew each other since the day I was born.

Busangot ang mukha ni Fairy, maging si Alena ay ganoon din at hindi ko maintindihan kung bakit. Ano naman ang problema ng isang 'to? Dapat ay hinahayaan ko nalang sila dahil buhay naman nila 'yan pero sadyang hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko pagdating sa kanila.

"Are you okay, Alena? U-Uh, do you have a problem?"

I don't know why I'm like this towards these girls. Ang alam ko lang ay hindi ko kayang makita silang ganoon... I mean, that's uncomfortable. Hindi ko ata kaya na makita silang mukhang problemado. I'm the eldest here and I think it's my responsibility to ask them kung may problem sila.

"Hayaan mo siya, Reign. That's her usual expression," Yna chuckled at me. I shrugged it off at first, but I asked again when I felt it bothering. 

"Uh... you know, Alena, you can always count on me—"

"I'm sorry, Reign. I'm just sleepy," putol ni Alena saka humigop sakaniyang softdrink. Tumango ako saka pinagpatuloy ang pag-kain. 

The girls are eating silently and I can't help but to smile at the sight of them. Super busy nila sa food nila at ako'y narito at pinapanuod sila. Hindi nagtagal ay in-iwas ko rin ang paningin ko sakanila nang sulyapan ako ni Fairy na para bang hindi siya natutuwa sa ginagawa ko.

Waiting Until Dawn (Bittersweet Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon