CHAPTER 25

44 4 0
                                    

Chapter 25

'Yung kaba at takot sa puso ko, kakaiba. Hindi ko alam kung anong dapat gawin para pakalmahin ang sarili dahil ang tanging naiisip ko lang ngayon ay sila Mommy at Daddy at ang posibleng maramdaman nila ngayon.

Sinabi ko kay Ate Maris na 'wag iiwanan sila Mommy sa kung nasaan man sila ngayon sa bahay at hintayin lang na makarating ako. I also tried to contact Kuya Mavi but he's out of reach. Nagpaalam na ako kagad kila Fairy at naintindihan naman nila ako. Nag-offer pa sila na ihahatid ako pero sinabi kong ayos lang naman ako at kaya ko na.

Pumara ako ng taxi at kagad sinabi ang address ng bahay namin. Habang nasa byahe ay nagsend ako ng text kay Reese. Nanginginig ang mga kamay ko habang nakatanaw sa labas. Sa sobrang dami nang natakbo sa isip ko, hindi ko na alam kung ano ang dapat unahin. I'm having unnamed emotions and it's slowly eating me up.

"Nandito na ho tayo." Napatingin ako sa driver nang magsalita ito. Kumalabog ang dibdib ko nang matanaw ko ang bahay namin. Inabot ko na kagad ang bayad at dali-dali nang bumaba.

With heavy footsteps and heavy heart, I entered my house. My heart clenched when I saw Ate Maris running towards me. Kinuha niya ang mga gamit ko sa 'kin habang patuloy na bumubuhos ang luha mula sa kaniyang mga mata. Tumingin ako sakaniyang mga mata at hindi ko maipaliwanag ang biglang naramdaman nang kitaan ko iyon ng takot. She nodded her head as she held my arm.

"Ayaw kong madamay ka pa, Reign. Ayaw kong magiging magulo ang buhay mo dahil sobrang tagal kong inalagaan ka at ang buong pagkatao mo. Gusto kong sabihin na takbuhan mo ang n-nakaraan ng mga magulang mo pero kailangan... kailangan ka nila." A lone tear escaped my eyes when she smiled at me sadly. "Ayokong maging makasarili pero kailangan ka ng pamilya mo, Reign..."

Mabilis akong tumakbo papasok ng bahay. Natigilan ako nang bumungad sa 'kin ang isang babaeng halos ka-edad lang ni Mommy na sumisigaw habang pinipigilan ng isang lalaki. Kagad hinanap ng mga mata ko ang aking mga magulang. My heart hurt for them when I saw Daddy trying his best to block Mommy. My mother... my mother's crying so hard that it pains me so much...

"Wala kayong karapatan sa anak ko! Hinding-hindi niyo siya makukuha sa amin! A-Ako... ako ang nagpalaki sakaniya! Ako ang magulang niya... ako ang nanay niya, Divina!" sigaw ng babae kay Mommy.

I ran to my parents and pulled Mommy for a tight hug. Parang gusto ko lalong maiyak nang maramdaman ang yakap ni Daddy sa amin na parang pinoprotektahan niya kami. I looked up when my mother started shaking. I caressed her hair. "Shh, no one will hurt you, Mommy..."

Umalis si Mommy sa aking yakap at matapang na hinarap ang babaeng kanina pa nagwawala. "Hindi k-ko ginusto ang lahat ng ito! Hindi n-namin ito ginusto!" nanginginig na sabi ni Mommy. Kumunot ang noo ko nang biglang natawa 'yung babae.

"Boba ka pala, e!"

"Don't you dare say that to my mother again," I said as I took a step forward. Lumipat sa 'kin ang paningin nung babae at umiling ito. I shot her a death glare but she just smirked at me with unshed tears.

"Itong nanay mo, hija? 'Wag na 'wag kang magmamana sakaniya... 'wag na 'wag mo siyang gagayahin—"

"'Wag mong idamay ang anak ko rito!" Mommy cut her off.

"Bakit hindi, Divina? Karapatan niyang malaman ang kagagahan na ginawa mo at ang kadesperadahan mo ngayon! Nahihiya ka? Ano? Hindi niya pa rin alam na masayang-masaya kayo nang ipinanganak siya habang si Mascimo ay... ay hindi ko man lang nakitang ngumiti ni isang beses?! Ano, huh?! Masaya kayong pamilya pero si Mascimo, paano siya?! At ngayong tinanggap niya na rin kami... ngayong nabigyan ako ng pagkakataon na maging ina, kukuhanin mo siya s-sa 'kin?!"

Waiting Until Dawn (Bittersweet Series #1)Where stories live. Discover now