CHAPTER 31

40 5 0
                                    

Chapter 31

"Steph..." Pinindot ko ang intercom. "Coffee, please."

Sumagot naman kagad siya. Sumandal ako sa upuan habang minamasahe ang noo. Kakabalik ko palang ulit sa trabaho, naiistress na kagad ako. Paanong nagkaroon bigla ng problema sa finance? Kanina ko pa binabasa ang report na ito at hindi ko pa rin maintindihan kung paanong nawalan kami ng malaking halaga sa isang iglap.

I called for a meeting that day. I told Mommy to not think too much about this dahil mai-i-stress lang siya. Ako na ang sumalo dahil nawala rin ako ng ilang araw dito.

"Reign, the usual lunch?" Sumungaw si Steph sa aking pinto. Chineck ko ang relo at nang makitang malapit na pala ang lunch, napapikit nalang ako.

I looked at Steph. "Yes, please..."

She looked so concern when she left the office. Binabad ko na lang muli ang sarili sa trabaho ngunit hindi nagtagal, may kumatok ulit. Bumukas 'yon at bumungad sa 'kin si Steph na nakakunot ang noo na para bang may problema.

"What is it, Steph?" I asked.

Tinitigan niya ako nang mariin bago siya nagsalita. "Someone sent you a lunch, nasa desk ko na. 'Yon na ba ang kakainin mo o o-order pa 'ko?" naguguluhan niyang tanong. Kumunot na rin ang noo ko dahil wala naman akong inaasahan na magpapadala ng lunch sa 'kin.

"Kanino galing? May nakalagay ba?" Tumayo ako para sumama sa kaniya sa labas. Nasa tapat lang naman ng office ko ang desk niya.

Nang makarating kami sa harapan ng desk niya, kinuha niya ang isang paper bag na halatang galing sa isang mamahaling restaurant. May note na nakadikit doon, inabot niya sa 'kin ang paper bag at tinanggap ko naman.

My lips parted when I saw whom it came from. I scratched my nose a bit before looking at Steph who's watching me with curious eyes. I heaved a deep sigh as I raised the paper bag a bit. "I'll eat this. Kumain ka na rin, anong oras na..." Nginitian ko siya at nagsimula nang maglakad pabalik sa opisina ko.

Nilapag ko ang lunch na galing kay Reese sa isang table katabi ng desk ko, may couch at table kasi roon para kapag ayaw kong bumaba para kumain, doon nalang ako. Nilabas ko ang cellphone ko at pumunta sa contacts. Dumeretso ako sa pangalan na 'Sheldon Reese', pinalitan ko na kasi ito.

Hindi ko alam kung nagpalit ba siya ng number o 'di kaya'y blinock niya ako. Nag-iisip ako kung tatanungin ko ba siya tungkol dito sa lunch nang tumunog ang cellphone ko. Nataranta ako nang makita ang pangalan ni Reese na tumatawag sa 'kin. What the hell?!

Sa pagkataranta ay sinagot ko nalang ang tawag. "Yes, hello?" I tried to sound formal.

[Did you receive the food?] Lumipat ang tingin ko sa paper bag na nasa lamesa.

I sighed. "Yes, thank you..."

[Kumain ka na. Tumawag lang ako para masiguradong nakarating sa 'yo ang pagkain.]

"Salamat dito pero hindi naman na kailangan... I can buy my own lunch," sabi ko. Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya sa kabilang linya. Nanaig ang katahimikan sa aming dalawa, tinignan ko pa kung nasa line pa siya. "I'll drop the call. Thanks sa lunch," pagkasabi ko no'n ay pinatay ko na rin ang tawag.

Binuksan ko nalang ang paper bag, 'eto na ang kakainin ko dahil sayang naman ang pagkain kung bibili pa 'ko ng iba. Habang nakain ay patingin-tingin lang ako kung saan-saan, ni hindi ko na namalayan na naubos ko na pala ang lunch ko.

Bumalik na rin ako sa trabaho nang matapos. Marami na ang nakapatong sa desk ko dahil may mga dalang reports si Steph 'pag napasok. There are times talaga na hindi na ako lumalabas ng opisina kapag sobrang busy, maraming ginagawa.

Waiting Until Dawn (Bittersweet Series #1)Where stories live. Discover now