CHAPTER 20

56 4 0
                                    

Chapter 20

Tumawag ako kay Kuya habang patuloy na nakatok sa labas ng unit niya. Matapos kasi ang usapan namin nila Daddy ay hindi na talaga ako nakatulog. Namalayan ko nalang na umaga na pala. Kahit limang minuto lang na nakapikit ay hindi ko nagawa kagabi. Ang dami-dami kong iniisip ngayon. Dumagdag pa na alam na pala ng mga magulang ko na alam ko na may kapatid nga talaga ako. Akala ko ay itatago nalang nila sa 'kin 'yon at habang buhay na magsisinungaling.

Pero hindi pa rin ako makamove-on sa thought na hindi nila kagad sinabi sa 'kin at hinayaan pang ako mismo ang makaalam.

"Why isn't he answering his phone?!" gigil kong bulong habang patuloy na nagri-ring ang tawag. Kanina pa ako rito sa labas at hindi na ako makapaghintay na pumasok!

Nang walang nagbukas ng pinto at sumagot sa tawag ay umalis na ako sa condo niya. Talagang doon talaga ako unang nagtungo para kausapin siya. Gusto ko kasing mag-set ng dinner kasama siya at ang mga magulang namin. I want confirmation from my parents. Gusto kong manggaling sa bibig nila na magkapatid kami. I'm so tired of lies.

Pagpasok ko sa classroom ay mabilis akong dinumog ni Rachel. She clung her arm on mine and then she leaned on me. "Sama ka na later? You didn't join us last time, e."

Nilingon ko siya at nginitian nalang. I don't think I have time to chill when I have something on my mind na naman. I just want everything to be done first bago ako magpakasaya.

"I'm sorry, Rachel. I'm not available today, marami pa akong gagawin. Maybe next time?" alangan akong ngumiti nang sumimangot siya.

"Totoo bang hindi ka available today?" paninigurado niya. Bahagya akong natawa.

"Really, Rachel."

Mabuti nalang at medyo understanding siyang kaibigan. Hinayaan niya na rin naman ako at hindi na pinilit pa nang sinabi kong about sa pamilya ko ang gagawin ko. Basta raw ay sumama ako next time kapag maayos na raw ang mga problema ko. Sinabihan ko siya na sabihan na rin ang iba naming mga kaibigan na hindi ako makakasama dahil baka mag-expect sila na dadalo ako.

"Kumain ka na?" tanong ko kay Thalee. She called me at sinasabing pupunta raw siya rito. Sinabi kong bawal dahil hindi naman siya estudyante ng school na pinapasukan ko pero matigas ang ulo niya. Hinayaan ko nalang.

[Pa-fall ka naman po.]

Natawa ako sa sinabi niya. "Crazy! Why do you want to see me ba? May klase pa ako. Ikaw ba?" tanong ko habang naglalakad papuntang cafeteria.

[Bawal bang ma-miss ko ang best friend ko?!] Nasapo ko ang noo ko nang medyo tumaas ang boses niya. Malamang ay pinagtitinginan na siya ng mga tao kung nasaan man siya.

"My gosh, lower down your voice, Thalee! I'll wait for you sa entrance."

Katulad nang sinabi ko ay sa entrance ko nga siya hinintay. Sa mismong gate pa ng school, actually. Pinahiram ko kasi sakaniya 'yung isa kong I.D bago kami pumasok sa mismong loob ng school. Ilang beses na rin naman siyang nakapunta rito, siya rin ang kasama ko nang mag-enroll ako kaya halos wala na siyang pake sa mga magagandang building na nadadaanan namin. Samantalang noon ay halos magpatransfer na siya rito dahil mukhang maganda raw ang environment at mas gaganahan siya na mag-aral.

But the truth is she saw a lot of good-looking men noong sinamahan niya akong mag-enroll!

"Ano oras next class mo?" bulong niya sa 'kin. Papunta kami ngayon sa pavilion.

"2 PM pa. What about you? Don't you have class?" balik ko sa tanong niya. Sinabit niya ang braso niya sa 'kin kaya napatingin ako sakaniya. She gave me a small smile.

"Wala na akong klase."

Nang makarating kami sa Pavilion ay kagad niyang hinila ang braso ko. Nang nilingon ko siya ay naka-pout na 'to sa 'kin. Hinarap ko siya nang maayos saka ako humalukipkip. Parang may sadya talaga siya at hindi niya ako na-miss lang.

Waiting Until Dawn (Bittersweet Series #1)Where stories live. Discover now