CHAPTER 16

48 4 0
                                    

Chapter 16

The only reason is that I'm scared. I've had enough but I still can't show my true self. Pakiramdam ko kasi ay babalik ako sa dating ako. Pakiramdam ko ako na naman ang magiging talo.

"I hope you're enjoying!" I said to Renz as he gave me a shot. Kanina pa ako umiikot para kamustahin ang mga bisita at lahat sila ay inaabutan ako ng shot kaya medyo nahihilo na ako. Hindi ko na kasi nabibilang, e. Basta tanggap at inom nalang.

"Gagi, s'yempre naman 'no! Gara kaya ng debut mo," aniya at tumawa. Napangiti ako nang dahil sa malakas na tawa niya.

Iniwan ko rin siya nang mahagip ng paningin ko si Kuya Mavi na may kausap na babae na parang pamilyar sa 'kin. Lalapitan ko na sana sila pero natigil ako nang bigla akong higitin ni Thalee para sa isang selfie. Matapos no'n ay lumapit na ako kay Kuya na ngayon ay nakangisi. Nagpalinga-linga ako nang nasa harapan niya na ako.

"Kuya... where is the girl you're with earlier?" I asked while still looking around. Nang nilingon ko si Kuya ay nawala na ang ngisi sa labi niya.

"Oh, just a friend. Umalis na," sagot niya na tinanguan ko lang.

"Paano na 'yan, Kuya? I forgot na may flight pala sila Mommy ngayon kaya baka hindi matuloy ang plano ko..." Nanlumo ako nang maisip na kailangan ko pang maghintay para maayos ang pamilya namin. Oo... kahit walang kasiguraduhan, umaasa pa rin ako na baka pwede pa.

My parents gave me a lot of things I didn't ask for, kaya sana ay mapagbigyan naman ako sa kagustuhan kong ito. Ako naman ang may gusto... ako naman ang hihingi at sana ay sabihin nila ang totoo sa 'kin dahil mas lalo lang madadagdagan ang sakit kung patuloy silang magsisinungaling sa akin.

"Everything has a reason, Reign. Just wait..." He smiled at me meaningfully.

Nanatili sa 'king isipan ang sinabing 'yon ni Kuya Mavi, kaya naman sa dalawang araw kong paghihintay kila Mommy ay mabilis kong sinabi kay Kuya Mavi na pumunta rito sa bahay para magkaalaman na kami dahil pauwi na an gaming mga magulang.

But sadly, Kuya Mavi was out of reach. Hindi siya nagreresponde sa text at tawag ko. Inabot na ako ng gabi sa kakahintay sakaniya pero walang dumating. I was so close to giving up when I accidentally heard my parents.

"I think we should tell Beige. Pakiramdam ko ay may alam na siya dahil paulit-ulit nalang niya sinasabi sa 'kin ang patungkol sa pagkakaroon ng kapatid." Worriedness was laced on my mother's voice as she spoke to Daddy.

"We need to settle everything, Divina. Maaaring maapektuhan si Beige kung hindi pa tayo nakakapagsundo nila Flor. Hindi ko hahayaang madamay dito si Beige. Kung may alam na siya rito, we should just let her." It was Daddy.

Sino si Flor?

That name became a big question to me as I packed my things with Ate Maris. I'm now going to my condo that was given by Daddy. I didn't expect that he'll agree with me because he was so protective of me. Nalaman ko nalang na kinausap pala siya ni Mommy. But as I started to enjoy everything, I learned that Mommy used Reese to make Daddy agree from giving me a condo.

"But, Daddy! Hindi natin pwedeng gawin kay Reese 'to! May sarili siyang buhay!" naiiritang sabi ko nang dumating si Reese sa bahay para kunin ang mga gamit ko at ihatid sa condo pero pinigilan ko siya at hinigit sa library para magkaliwanagan kaming lahat.

"We already talked, Beige. Ayos naman daw sakaniya... Hindi ba, hijo?" Daddy then turned to Reese so I looked at the man who's wearing a plain white tee shirt and black jogger pants. Wala ba siyang pasok ngayon or what?!

I gave Reese a death glare but he looked at Daddy instead to answer. "No problem, Tito..." he answered while smiling. Nasapo ko ang sariling noo nang dahil sa narinig. Is he being serious right now? Gosh, if only I could punch him.

Waiting Until Dawn (Bittersweet Series #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora