CHAPTER 4

72 5 0
                                    

Chapter 4

"Talaga, Reign? Kasama ka?" Ate Maris asked while helping me pack my things. 

Hindi siya makapaniwala na kasama ako. Well, hindi rin naman ako makapaniwala! Come to think of it... isang beses lang kami nagkasama-sama nina Yna pero parang super close na kami.

 'Di ba? Oh em Gee. I can't believe this!

"Oo naman, Ate Maris. I'm shocked nga rin, e." Tumayo ako at lumapit sa aking walk-in-closet. Doon ko kasi nilagay ang regalo sa 'kin ni Reese na hindi ko pa nabubuksan. Hindi ko nga alam kung may plano pa akong buksan 'yon. Balak kong dalhin sa resort 'yon... gusto ko kasing kahit nasa ibang lugar ako, kasama ko siya. 

Kahit 'yon lang, ayos na.

"Oh, Reign, bababa lang ako saglit," Ate Maris said and then she went out of my room. Mabilis ko namang inilagay ang paper bag sa loob ng small luggage na dala ko. Thalee messaged me. We'll stay there for three days. Hindi kami pwedeng magtagal dahil malapit na ang pasukan. Kailangan ko na mag-enroll.

"What? I mean, nabuksan mo na lahat pero 'yung kay Reese, hindi pa?" hindi makapaniwalang sabi ni Thalee. Nagpunta siya rito sa bahay dala-dala ang kaniyang gamit. Sabay na kaming pupunta doon sa resort na sinasabi ni Yna. Actually, nahiya pa ako kanina. Parang ayaw ko na lang tumuloy... maybe because I'm scared? Ewan ko.

"Echosera ka pa! Open it!" Thalee urged me pero buo na ang desisyon ko. I won't open it unless Reese asked me to. Umiling ako kay Thalee, she gave me a smile.

Nang makarinig ng sasakyan ay lumabas na kami ng bahay. Nakapagpaalam na rin pala ako kay Mommy at Daddy about dito. As usual, my father warned me about alcoholic drinks. Alam ko naman 'yon, bawal pa sa 'kin. I'm only 17 and it's not good for me to drink. Saka na kapag legal age na.

Tabi kami ni Thalee sa sasakyan at ang alam ko, sasabay rin si Fairy. Thalee suggested it to me. Yayain ko na rin daw si Fairy at sabay-sabay na kami magtungo roon. I called Tita Vanessa earlier and I told her to tell Fairy na dadaan kami sa Café Tid. Tita was so happy for me. Aniya'y sa wakas nagkaroon ako ng mga kaibigan kahit na hindi ko naman talaga sure kung kaibigan ang turing nila sa 'kin o in-aya lang ako dahil kakilala ako. 

Wow, that thought hurts.

"Hi!" I greeted Fairy when the driver opened the door of the SUV for her. Tipid niya lang akong nginitian saka ibinigay ang small luggage niya sa driver para ilagay sa likuran. Nang makapasok na si Fairy sa sasakyan ay biglang tumahimik si Thalee.

"Drive-thru?" Thalee asked me. Tumango ako saka bumaling kay Fairy na upang tanungin siya. Hindi ko alam kung aware ba siya na nakatingin kami sakaniya, naka earphones kasi siya. Good thing, Thalee tapped her shoulder. Tinanggal niya ang earphones saka lumingon sa 'min.

"What's your order?" tanong ko sakaniya. She looked at the window and her brows shot up when she realized that we're in a drive-thru.

Matapos naming makuha ang mga order na binayaran ni Thalee ay nagpatuloy na kaming muli sa byahe. Hindi ko alam kung ilang oras ang naging byahe namin dahil nakatulog ako. Paggising ko ay nagpa-park na ang sasakyan. Tiningnan ko ang tabi ko at nakitang mahimbing na natutulog si Thalee sa balikat ni Fairy. I giggled while waking up the both of them. Muntik nang i-tulak ni Thalee si Fairy nang magising ito. Oh my God!

"We're here," deklara ko sakanila. Thalee looked outside and she took out her phone immediately then she stepped out of the car. Kumuha agad siya ng mga litrato at pustahan tayo, may post na 'yan sa socmed.

Pagkababa ay kinuha na namin ang aming mga gamit. Palinga-linga ako dahil hindi ko alam ang lugar na ito. I expected kasi na sasalubungin kami ni Yna dahil first time lang namin dito.

Waiting Until Dawn (Bittersweet Series #1)Onde histórias criam vida. Descubra agora