CHAPTER 7

49 5 0
                                    

Chapter 7

"I don't want there. Mas gusto ko nga sa Café Tid, Reese!" Kunot-noo kong sabi dahil dinala niya ako sa isang hindi pamilyar na coffee shop. 

Ayaw ko rito. Hindi ko gusto ang paligid at ayoko nang maingay. There's this group of friends here in two connected tables and they're so noisy. Bagong bukas ang café na 'to.

"You need to try new things, Reign." Tinaasan niya ako ng kilay pero inilingan ko pa rin siya. May isang rason pa kasi ako kung bakit ayaw ko r'yan. Baka kasi mamaya nasa Café Tid si Fairy tapos hindi namin makikita. Sayang naman kung ganoon.

"Marami namang next time, Sheldon Reese! Let's go back," I said as I pulled his arm. He sighed at me in defeat. Sorry, maybe next time!

Kaninang umaga pagkababa ko, wala pang breakfast. 'Yun pala, naroon si Reese upang yaya-in ako roon sa café na hindi ko nagustuhan. He told our chef to not cook at siya na raw ang bahala sa umagahan ko. Anong oras na at hindi pa rin kami nakakapagbreakfast. Medyo malayo rin kasi 'yung cafe na pinuntahan namin.

Hinawakan ko ang tyan ko nang makaramdam ng gutom. 

"See? You're hungry. Let's just go back!" Reese was about to make a U-turn when I eyed him warningly. Nang makita ang pagbabanta sa paningin ko ay nagpatuloy siya sa pagmamaneho pabalik.

"What if Fairy's not there?" he asked.

"And what if Fairy's there?" I asked back. He shot me a death glare. Humalakhak ako nang dahil sa inasta niya. Malapit na akong mag-18 and I am very excited! Posibleng naroon ulit si Fairy.

"What are your plans for your birthday?" he asked like it's a big deal for me to plan it. Celebration na rin pala ang debut ko for their successful project na hindi ko naman alam kung ano.

"Nothing special. I'm just excited to see Fairy again," sabi ko na para bang siguradong-sigurado akong makikita ko nga roon ang babaeng pinakahihintay kong makita.

"Ilang beses na kaya nadapa si Fairy nang dahil sa 'yo? You kept on mentioning her name every minute and every day," he pointed out. 

Oo nga 'no? Baka mamaya hindi na 'yon nakakalakad nang dahil sa 'kin! I gave Reese a worried face. Muntik na 'kong tumilapon mula sa kinauup-an ko nang bigla siyang prumeno.

"Ano ba! Nababaliw ka na ba?!" I yelled at him while holding my chest to chase my breathing.

 Parang baliw lang! Ano ba'ng problema niya?

"I'm sorry but are you okay?" Natawa ako nang nakakaloko sakaniya. Totoo ba? Tinatanong niya kung okay lang ako? E, siya nga itong parang baliw na biglang pe-preno.

"I'm okay, Reese. Ikaw, okay ka lang ba? Ba't bigla kang na-preno?"

"I got worried because you look worried." Nasapo ko ang noo ko sa sinagot niya. Talaga lang, ha?

Reese continued driving at nagmamasid lamang ako sa labas. Medyo nahihilo nga ako sa sobrang bilis ng pagtakbo. Hindi nalang ako nanood sa labas at nag-concentrate na lamang sa dinadaanan. Nilingon ko si Reese saka sinulyapan ang wrist watch ko. 10 am na at hindi pa kami nakakapag-umagahan.

"Sorry, gutom ka na yata?" I said when I suddenly felt guilty for being maarte. Masyado ko yatang isina-buhay at isina-puso ang kagustuhang makita ulit si Fairy at nadadamay ko na ang ibang tao. Hinintay kong magsalita siya pero walang dumating. Parang hangin lang ang tanong ko sakaniya "Gutom ka na ba?" ulit ko. His brows shot up and then he shook his head. Tumango ako at saka binuksan ang cellphone. Nag-scroll lang ako nang nag-scroll sa Instagram hanggang sa makarating kami sa Café Tid.

Reese opened the door for me at nginitian ko siya kaagad pagkababa ko. His jaw clenched and then he held my elbow to guide me inside. We ordered our usual breakfast. Medyo hindi lang ako sanay ngayon dahil walang imik ang lalaking nasa harapan ko. He's sipping on his coffee when he caught me staring at him. Nagtaas siya ng kilay.

Waiting Until Dawn (Bittersweet Series #1)Where stories live. Discover now