CHAPTER 17

41 4 0
                                    

Chapter 17

After our breakfast, umalis na rin kagad kami ni Reese sa Café Tid. Hindi ko alam kung ano ang plano niya sa araw na 'to. Basta ako, settled na.

"Don't you have any plans for today?" tanong ko habang naghihintay kami ng Jeep. 

Nakatingin lang ako sa phone ko at naghahanap ng magagandang shop na pwedeng bilhan ng paintings na sakto lang for my condo. I want my condo full of nude colors. It's kind of relaxing kasi kapag ganoon.

"My plans for today is to be with you, Reign." Doon na talaga ako napatingin sakaniya nang dahil sa sinabi niyang 'yon. He must be crazy.

Napabuntong-hininga ako saka napa-iling. Hindi ko na rin siya maintindihan minsan. Kahit na anong tulak ko, lapit siya nang lapit na para bang walang ibang babae na naghihintay sakaniya.

 Ano ba talagang mayroon at kailangan niya laging bumuntot sa 'kin? Who is he and why does it feel like he's someone close to me kahit na hindi pa naman kami masyadong ganoon ka-close.

"Let's get this straight, Reese. I don't want this kind of set-up. Where I always push you but you keep on coming back as if my words didn't matter to you. What's up? What's the thing with you and Olivia? You are in a relationship with her and I... I want to be out of your world. Ayoko sa mundo mo, Reese. I'm not that kind of person so please, sa tuwing bumibitaw ako, hayaan mo na. 'Wag mo 'ko idamay sa mundo niyong dalawa. I don't want to disappoint my parents and most especially myself. So please, be honest with me. What's up with you and why do you keep coming back to me?"

This has been bugging me since the day I met him. Hindi ako mapakali at pakiramdam ko ay may mabigat akong buhat sa aking mga balikat. Gusto kong sabihin pero hindi ako makahanap ng magandang tiempo... pero ito na 'yon. I finally told him everything I was feeling because it's overwhelming me. Nalulunod na ako sa sakit. I don't want the pain to grow, kaya hangga't maaga pa, susubukan kong agapan ang lahat.

"This is not the right time and place to talk about this, Reign..." I laughed mockingly of what he said.

"Kung ganoon, kailan pala at saan?"

Ano ang gusto niyang gawin ko? Hintayin kong tuluyan akong mahulog sakaniya. Hinihintay niya ba 'yon mangyari? And then what? Ako ang talo sa dulo dahil simula palang naman, hindi na ako. He has Olivia and I am the villain. Ayoko. Hindi ko matatanggap. I'm not that kind of person and I will never be.

"If you don't want to talk about this right now, stop bugging me. I already told you what I was feeling about you and Olivia. 'Wag mo na akong pilitin pang pumasok sa mundo niyong dalawa dahil hindi ko gagawin. Hangga't hindi ka nagpapakatotoo sa 'kin, we'll never be okay. So from now on, you and I... are completely strangers." Tinalikuran ko siya matapos no'n at binulungan ang sarili na ipagpatuloy ang paglalakad. There's no turning back. 

You already said everything you're feeling and what you did was right, Reign.

Katulad ng nasa plano ko para sa araw na 'yon, ganoon nga ang ginawa ko. I visited shops and bought paintings. I even bought some furniture to add more things in my condo because it still has a lot of place to fill in. Everything I bought is on process of delivery kaya hindi hassle ang pag-uwi ko. Dumaan na rin ako sa grocery para mamili ng stocks ng pagkain. I don't want to starve. I also bought a cooking book for a guide kahit na pwede ko namang tawagan si Ate Maris anytime I want.

I booked a grab dahil marami akong bitbit. Hassle pa kasi if mag jeep tapos may dala akong boxes and paper bags. One of the staffs helped me bring my groceries hanggang sa tapat ng condo ko. I thanked him and then he left. I opened my unit and pushed my boxes inside. Bago ko ayusin ay naglinis muna ako ng sarili.

Waiting Until Dawn (Bittersweet Series #1)Where stories live. Discover now