CHAPTER 9

47 5 0
                                    

Chapter 9

"Congratulations po, Mr. Cavallero!" nakangiting sabi ko sa Daddy ni Reese. 

Mr. Cavallero thanked me and then his eyes darted on the box I'm holding. Napatingin din tuloy ako roon. Dala ko ang mga cupcake na binake ko at balak kong ibigay ito mismo kay Mr. Cavallero.

"Salamat dito, hija..." The old man said while looking at the cupcakes. 

Inilapag niya ang box sa lamesa at saka ito binuksan. I swallowed hard when I realized that he's going to taste one in front of so many eyes. Halos lahat ng atensyon ay nasa amin. My mom and dad were not beside me because they're busy negotiating with the other families.

Kinurot ko ang daliri ko nang ngumiti muna si Mr. Cavallero sa lahat bago kainin ang binigay kong cupcake. Yumuko ako dahil natatakot ako sa magiging reaksyon niya. Matagal-tagal na rin nung huling bake ko kaya siguradong palpak 'yan pero tinikman ko naman siya nung binake ko na, sa 'kin ayos lang ang lasa, ewan ko lang sa iba.

Nag-angat ako ng tingin at nakitang parang ninanamnam pa ni Mr. Cavallero. Nagtaas siya ng kamay at kaagad may lumapit na waiter sakaniya upang bigyan ng tubig. Kinabahan ako bigla nang dahil doon. When Mr. Cavallero turned to me, there's a smile plastered on his lips. 

"It's delicious, hija. Thanks for this again..." he said. Para akong nabunutan ng tinik.

I was about to say my 'you're welcome', when someone caught Mr. Cavallero's attention. He politely dismissed me to go to Olivia. Nanatili ako roon upang panoorin ang mga kaganapan. The girl kissed Mr. Cavallero's cheek. Lumapit naman si Tita Eleanor at ganoon din ang ginawa ni Olivia. Hinihintay ko nalang na si Reese ang lumapit sakanila para kumpleto na.

"Naku, Tito! Here, I brought your favorite cake!" Olivia gave Tita Eleanor a box of cake. Napatingin ako roon. Nakita ko ang magandang box at halatang mahal iyon. Nang inilabas ang cake ay napalunok ako. My eyes darted to my cupcakes na naiwan lamang sa ibabaw ng lamesa.

 My box is plain pink and nothing special. I sighed heavily before closing it.

Lumapit sa 'kin si Mommy at tinanong ako kung kamusta naman daw ang naging reaksyon ni Mr. Cavallero sa aking pinagpuyatan na cupcake. I smiled at her and told her everything except the pity party I just had a few moments ago.

Mom and I went to our designated seats. Naroon na si Daddy at umiinom ng wine. He smiled at me and I did the same. Pagkaupo ko ay nagsimula na ang program. Mr. Cavallero did a mini speech and everyone's just so proud of him. Ang lahat ay pumalakpak nang makababa na ang matandang lalaki. Sumabay rin ako sa pagpalakpak at umayos na ulit nang humupa na ang ingay.

Ang tanging maririnig nalang ay ang classical music at ang mga mumunting usapan ng mga businessmen and women. Wala akong magawa kundi ang kumain nalang doon sa lamesa habang ang mga magulang ay umalis na muli upang makipag-usap sa ibang tao. Kanina ko pa gustong umalis but then I don't want to embarrass my family. My presence is the only thing they need here.

Napapikit ako matapos sumimsim sa wine na kinuha ko sa waiter. Ngayon palang ako nakatikim nito at hindi ko gusto ang lasa. Inilayo ko 'yon sa 'kin at kaagad na uminom ng tubig na nasa harapan ko. Sumandal ako matapos no'n at nagpalinga-linga. My eyes widened when I remembered na imbitado rin ang pamilya nila Thalee so baka nandito siya!

Minanipula ko kaagad ang cellphone ko upang tawagan siya. One ring and she picked up the call. "Hi! Where are you, Thalee?"

[I'm on my bed, Beige. Hindi ako sumama dahil masama ang pakiramdam ko.] Halata nga sa boses niya na may sakit siya. Medyo na-disappoint ako pero wala naman akong magagawa kung may sakit siya.

Waiting Until Dawn (Bittersweet Series #1)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt