CHAPTER 8

47 5 0
                                    

Chapter 8

"Simon!" I greeted when he's finally in front of me. Nginitian niya ako at niyakap. I hugged back because I missed him so much! 'Tsaka lang ako napabitaw nang marinig ang tikhim ni Reese. Simon looked at me from head to toe. 

"You've changed, Reign," mangha niyang sabi. I chuckled because I know that he was just teasing me!

"By the way, this is Reese. Reese, this is Simon," pagpapakilala ko. 

Akalain mo nga naman! Kanina'y pinag-uusapan lang namin, ngayon ay narito na sa aking harapan. I should tell Thalee! For sure, matutuwa iyon.

"Kamusta ka naman na wala na kami ngayon sa school?" Simon asked. 

Nasa loob kami ngayon ng isang restaurant. We're just waiting for our order. Katabi ko si Reese at kaharap ko naman si Simon. Ramdam ko ang paglingon sa 'kin ni Reese nang tanungin iyon ni Simon.

"Malapit na ang pasukan at hindi pa ako sigurado kung ano ang mangyayari. Well, let's see..." I said as I sipped my water. Sakto namang dumating na rin ang aming order kaya nagawa kong kausapin si Reese. "Are you okay?" Napansin ko kasing tahimik siya.

"What do you think?" Pinag-taasan niya ako ng kilay na para bang alam ko nga ang sagot, e, hindi ko alam. 

Kaya ko nga tinatanong, 'di ba? 

"I see, fish fillet is still your favorite." Bumaling ako kay Simon nang magsalita ito. Napatingin ako sa aking plato at nakitang may nakalagay na fish fillet doon. Hindi ko nga lang alam kung paano 'yon napunta roon gayong medyo malayo naman sa 'kin si Simon at sa harap ni Reese nilapag ang plato ng fish fillet.

Simon and Reese talked about their family and businesses. Hindi ko alam na magkakilala pala ang pamilya nila. I even introduced them to each other sa pag-aakalang hindi nila kilala ang isa't isa but it turns out that they're great buddies. Napahiya ako roon, ah!

Simon bid his goodbyes when someone called him. Naiwan kaming muli ni Reese at nagpatuloy sa paglalakad. 

"Ano pa ang mga bibilhin?" I asked him as I looked at my phone. Nasa notes ng cellphone ko ang mga pinapabili ni Mommy. Bulaklak at mga ingredients para sa pagb-bake ko ng cupcake nalang ang kulang.

Ayaw ko naman talaga mag-bake dahil natatakot akong pumalpak lalo na't dadalhin ito sa resort para sa celebration ng mga Cavallero. Hindi na ako nakatanggi pa dahil sinabi na ni Mommy mismo kay Tita Eleanor na magb-bake ako para sakanila! I was caught off guard so I said yes to my mom.

"Let's buy your ingredients first," Reese answered my question while looking at his phone.

 Tumigil ako sa paglalakad kaya tumigil din siya. Kumunot ang noo ko at saka ko hinablot ang cellphone ni Reese. I checked his notes and saw the list of things he still needs to buy. My jaw dropped when I saw na wala pa sa kalahati ang nabibili niya samantalang ako'y patapos na at ready nang umuwi.

I suddenly felt guilty for entertaining Simon while running some errands. I should have controlled myself for being too excited! 

"No! We'll buy yours first. Look, you have a lot. Come on." I pulled his arm but he just won't move. Tumigil ako at nilingon ko siya. Bakit ayaw niya?

"This is basic. Let's buy yours first, Reign." Kinuha niya sa 'kin ang cellphone niya saka inilagay sakaniyang bulsa. Umiling ako dahil hindi pwede! Marami pa siyang bibilhin at madali lang naman ang akin dahil nasa iisang store lang naman. Ang kaniya'y kailangan pang magpalipat-lipat ng store para makumpleto ang lahat.

"Unahin na natin ang sa 'yo, Reese. Marami pa 'yan kaya 'wag ka nang makulit." I tried pulling him again and this time, he gave up and let me pull him. Magkahawak-kamay kaming pumasok ng Department Store. He needs to buy a small swimming pool for his 8 years old cousin.

Waiting Until Dawn (Bittersweet Series #1)Where stories live. Discover now