CHAPTER 39

43 5 0
                                    

Chapter 39

"Come in." 

Malawak na binuksan ni Kuya ang pinto ng kaniyang bahay. He's not living in a condo anymore. Ewan ko ba at biglang nagpatayo na ng bahay. Pumasok ako at dumeretso sa couch. Sumunod din naman siya kalaunan para tanungin ako. 

"Water or juice?" he asked.

"Water lang, please..." sabi ko habang pinagmamasdan ang kabuuan ng bahay. Umalis din siya para kumuha ng tubig. 

Hindi nagtagal ay bumalik din siya. Naabutan niya akong pinagmamasdan ang kabuuan ng bahay. Kung hindi siya tumikhim ay hindi ko siya papansinin. Inabot niya sa 'kin ang tubig at tinanggap ko na rin. Umupo siya sa sofa sa harapan ko at humalukipkip. 

"How's L.A?" he started. Binaba ko ang baso sa center table bago sumagot. 

"It was good." Tumango-tango pa ako. Nagtagal ang tingin niya sa 'kin at ganoon din ako. Nanahimik kaming dalawa pero alam ko ang natakbo sa isipan niya. May gusto rin akong itanong sakaniya pero pakiramdam ko hindi ito ang tamang oras para roon.

"You and Reese got back together, huh?" He smirked at me and I smiled while nodding my head. 

"Yes, Kuya..." nakangiti kong sagot. Tinitigan ko siya at inobserbahan. Should I ask?

"I'm planning to settle down, Beige." Inunahan niya ako. I gave him a questioning look. He let out a sigh. "I'm starting to think of building a family of my own," he added. Talagang natigilan ako sa nalaman at hindi nakapagsalita. 

"Do you have..." I licked my lower lip. "... a girlfriend?" 

Pati siya ay natigilan sa tanong ko pagkatapos ay napangiti siya. "Yes, I have one." 

Tumango nalang ako sakaniya at hindi na nagtanong pa dahil parang hindi ako naging kumportable. Naisip ko kasi bigla ang kaibigan. Nag-usap nalang kami tungkol kila Mommy at Daddy. Nabanggit ko na rin sakaniya na parang gusto na nila Mommy manirahan doon. 

"Ganoon din ang pakiramdam ko nang pumunta ako roon. They seemed so happy," he said at agree naman ako roon. 

"We should discuss it with them," I suggested. 

"Ikaw? Ano na plano mo ngayon?" tanong niya. Napaisip naman ako at parang may kung ano akong excitement na naramdaman nang maalala ang nursery room sa condo. Wala sa sarili akong napangiti. 

"I'm planning to build a family with Reese," buong-puso kong sagot. 

"When's the wedding, then?" My eyes widened a fraction when I heard what he said. I m-mean, hindi pa namin napag-uusapan ni Reese ang tungkol sa kasal. We still want to spend time together as boyfriend and girlfriend. 

Napa-isip tuloy ako. Wedding? Am I ready to be a wife? The thought of it made me smile. 

"I'll discuss that with Reese, Kuya." 

Hindi na rin naman ako nagtagal doon dahil may pupuntahan pa akong ibang lugar. He sent me off after having a catch up. Tinext ko na rin si Reese na papunta na ako sa bahay ngayon. Sumakay na ako ng taxi dahil wala naman akong dalang sasakyan. Pagkasakay ko ay saktong tumunog ang cellphone ko. 

"Love..." I answered the call as I slid inside.

[I will go with you to the grocery.] Natawa ako nang marinig na pinal na ang sinabi niya at hindi na ako makakatanggi pa. 

"What about your work?" hamon ko. 

[I'm already done with my work, love. I can go to you right now.] aniya na siyang nagpatawa sa 'kin.

"Stop and do your work, love. We'll see each other later, can't you wait?" Tumingin ako sa labas at matamis na ngumiti. Ah, I feel so in love.

[I can't wait to see you. I wanna hug and kiss you so badly.] I pursed my lips. Hindi na rin ako makapaghintay, Reese. I can't wait anymore.

Waiting Until Dawn (Bittersweet Series #1)Where stories live. Discover now