CHAPTER 21

30 4 0
                                    

Chapter 21

"Hindi pa po siya umuuwi, Tita," sabi ko kay Tita Eleanor.

I waited for Reese all night yesterday pero hindi siya dumating hanggang sa nakatulog na ako. Inaasahan kong makikita ko siya paggising ko pero wala pa rin. Nag-aalala na ako sakaniya dahil hindi man lang siya nag-text o tumawag na hindi pala siya uuwi. Dumating pa si Tita Eleanor ngayon at nalaman kong wala sa bahay nila si Reese.

"He didn't text you?" Tita asked as she sipped on her coffee.

Umiling ako. Binuksan ko ulit ang phone ko para tingnan kung may message ba galing sakaniya pero wala talaga.

"May alam po ba kayong lugar na pwede niyang puntahan?" tanong ko kay Tita. 

Tita's eyes became uneasy but it faded immediately. My brows furrowed a bit when she coughed. "Okay lang po ba kayo?" Tumayo ako at pumunta sa kusina para kumuha ng baso ng tubig.

"Thank you, hija..." Tinanggap niya ang baso. Nagulat pa ako nang inumin niya 'yon nang diretso. "Don't worry about him. He's probably with his friends."

Tita Eleanor stayed with me for like an hour. Umalis na siya nang tawagan siya ng kaniyang secretary. Nagmamadali siya sa pag-alis at feeling ko'y urgent 'yon.

Pupunta ako sa school ngayon dahil may naiwan akong gamit sa locker. Wala naman akong klase ngayon. Balak kong puntahan ulit si Kuya Thiago sakaniyang unit pagkatapos ko pumunta sa school. I want to talk to him again.

"Para po!" Bumaba ako ng Jeep at naglakad nalang dahil pwede na namang lakarin kaysa mag-tricycle pa ako. Mabuti na ang magtipid. I asked Mommy to give me just enough allowance and I'm glad that she granted my wish.

"Ang init, grabe!" Napalingon ako sa dalawang babae na kasabay ko sa paglalakad. Ginamit nila ang folder pang-sangga sa sikat ng araw. Mainit naman kasi talaga ngayon.

Tumigil na ako sa harapan ng main gate ng university. Sinarado ko ang payong ko at pumila sa entrance dahil chine-check pa ang I.D ng ibang studyante. Napalingon ulit ako sa dalawang babae na sumilong muna sa may shed para uminom ng tubig. Mukhang hindi sila rito napasok at malayo pa ang lalakarin.

Umalis ako sa pila at nilapitan sila. Sabay silang napatingin sa 'kin.

"Hi!" bati ko at nagtinginan silang dalawa. "It's so hot today at parang malayo pa yata ang lalakarin niyo. Here, you can have my umbrella." I showed my umbrella to them and they looked so hesitant. Ngumiti ako sakanila. "Ayos lang, kuhanin niyo na." I smiled when they accepted the umbrella.

"Uh, thank you," sabi ng babaeng nakasalamin.

"You're welcome! Ingat kayo, ah?" I said and then I walked back to the main gate. Nakatatlong hakbang na ako nang tawagin nila ako.

"Paano po namin mababalik 'yung payong?" The other girl asked as she smiled awkwardly. Humarap ako nang maayos sakanila

"Just give it back to me if we ever cross paths again."

Nang natapos ang sadya sa university ay dumeretso na muna ako sa Café Tid. Mabuti nalang at mabilis akong nakarating dahil paalis pala si Fairy. Siya naman kasi ang sadya ko rito dahil may gusto akong itanong sakaniya.

"Bakit, anong meron?" Fairy sat in front of me. Naglapag din siya ng iced-tea sa table. Kinuha ko 'yon at humigop muna bago nag-angat ulit ng tingin sakaniya.

"Kilala mo ang mga Trevoz, 'di ba?" Her brows furrowed when I said that. I massaged my fingers while waiting for her response.

"Why did you ask? May problema ba? Oo, I know their family," Fairy said as she crossed her arms over her chest. Nag-iwas kagad ako ng tingin at yumuko. "Hoy, bakit? Sinaktan ka?!"

Waiting Until Dawn (Bittersweet Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon