CHAPTER 34

40 5 0
                                    

Chapter 34

"This is crazy..."

Sabay-sabay tumingin sa 'kin ang apat nang sabihin ko 'yon. Bumuntong-hinga ako at tumayo sa harapan nila. Nasa airport kami ngayon at naghihintay nalang. Kanina ko pa sila tinatanong sa kung paano sila nag-come up sa ganitong idea.

"I told you, we're just going to bond!" natatawang sabi ni Thalee.

Kinunot ko ang noo ko at umiling. Tumingin naman ako kay Fairy, pero nakakagulat na mabilis itong nag-iwas ng tingin sa 'kin. Umiling akong muli. Hindi ako sasama. Hindi ako aalis.

"This isn't the time for me to leave the country, girls, I'm sorry..." sabi ko at tatakbo na sana palayo nang hawakan ni Alena ang braso ko. Pinigilan niya ako at pilit na pinapaharap sakaniya. "What is it, Alena?" I asked.

"We... We don't want you hurt, Beige. Alam kong ganito ang magiging reaksyon mo... we just tried." She caressed my arm. "I don't have any friends except you and the girls... and you, being hurt? Hindi ko kaya 'yon. But I trust you, I know you can handle this. We just tried to stop you because we were worried of you." Hinigit niya ako para sa isang yakap. I hugged her back without saying anything.

Nang kumalas siya sa yakap ay may ngiti pa ring naka-ukit sa kaniyang labi, pero nangniningning ang kaniyang mga mata. Tumango ako sakaniya. Tinapik niya ang balikat ko.

 "Go now... Run, Beige."

My gaze darted to the three girls who's watching at the back. Sabay-sabay silang tumango. Nanatili ang paningin ko kay Thalee. She flashed me a sweet smile.

"Go..." she mouthed.

And so I ran. I ran back to my home.

Hindi ko alam kung paano, pero natagpuan ko nalang ang sarili sa lumang condo namin ni Reese. I stopped at the doorway. Pinasadahan ko ng tingin ang kabuuan ng condo at hindi maiwasan ang pagdagsa ng mga memorya sa aking isipan.

Mahigpit akong napakapit sa bag habang naglalakad palapit. Hinaplos ko ang couch nang madaanan ko 'yon. This living room... is where we spend most of our time together. Huminga ako nang malalim bago nagpatuloy sa kusina. Nang natapos ay tumigil ako sa harapan ng pinto ng kwarto ko at pumikit. Naglakad ako papalapit doon at hinawakan ang doorknob.

Bubuksan ko na sana... pero hindi ko magawa. Opening it means letting every memories enter again. Tinalikuran ko ang pinto at inayos na ang bag ko para makaalis na. I'm on the doorway when I glanced inside for the last time.

Walang nagbago sa gamit... but the atmosphere is no longer the same. This used to be my home and comfort.

Pumasok na rin ako sa trabaho kinabukasan. Wala si Steph ngayon dahil nilalagnat siya. I'm actually planning to visit her later after work. May problema pa ang kumpanya ngayon pero alam kong maaayos ko rin 'yon. Hindi ko na dapat pang patagalin 'yon para magawan ko na ng paraan ang iba pang problema.

I busied myself with the problem of the company. Nang oras na para kumain ng lunch, sakto namang dumating si Reese na may dalang pagkain. Muntik ko pang makalimutan ang sinabi niya. I was about to grab some outside.

"Don't you have work?" Pagbaba ko sa lobby, naroon siya at nakaupo. Lalagpasan ko na sana dahil baka may ibang sadya, pero lumapit na sa 'kin nang makita ako.

"Uuwi ka na ba o may pupuntahan ka pa?" he asked. I sighed as I looked at my watch.

"Wala na 'kong pupuntahan," sagot ko.

"Then let's go?"

My brows shot up. "To where?"

"Uuwi?" Nakakaloko siyang ngumisi sa 'kin. Inirapan ko siya at tinalikuran na.

Waiting Until Dawn (Bittersweet Series #1)Where stories live. Discover now