CHAPTER 5

62 5 0
                                    

Chapter 5

"Expecting someone, huh?" Reese said in a dangerous tone. Hinawakan niya ang aking hita saka muling nagsalita na siyang tuluyang nagpatahimik sa 'kin. "After this, we're going to talk. I need to tell you something."

Nagsimula ang laro at hindi ko alam kung paano ako nanalo. Ang sumunod na sumabak sa laro ay si Thalee. Naroon lamang ako sa likod kasama si Reese at Alena. Si Yna naman ay umahon dahil may natawag sakaniyang cellphone. Emergency yata 'yon dahil nagmamadali siyang bumalik sa loob.

Nakahalukipkip lamang ako roon habang pinapanood namin si Fairy. Mabilis niyang natalo ang kalaban kaya agad din natapos ang laro. Umalis na ang mga babae para raw magvolleyball do'n sa may tabing-dagat. Tinanong pa nga kami kung gusto naming sumali pero si Alena na mismo ang nagsabing hindi dahil pagod na. Tama naman siya, pagod na nga ako at gusto ko munang magpahinga saglit.

Lumangoy kami hanggang sa makarating sa hagdan. Nasa likuran ko si Reese at ramdam na ramdam ko ang presensya niya kaya nagmadali akong umahon. Paghakbang ko sa isang baitang ay isang malamig na kamay ang naramdaman ko sa aking bewang. Expecting that it was Reese, I looked back just to see him giving Mateo his sharp stare. Nang tuluyang naka-ahon ay nagpasalamat ako kay Mateo. Sabay-sabay kaming lumapit sa sun lounger kung saan namin pinatong ang aming mga kagamitan.

"Here." Reese gave me a white towel. I accepted it without looking at him. 

Bakit ba kasi siya nandito? Hindi ba't narito siya para kay Olivia? Ano 'tong ginagawa niya ngayon?

Umupo ako sa sun lounger saka pinunasan ang aking binti. Nagpaalam si Alena at Fairy na babalik na muna sa kani-kanilang kwarto para makapag-ayos. Nanatili ako sa sun lounger dahil hinihintay ko si Thalee na gumamit pa ng banyo. Reese stood beside me while drying his hair. I took a glance of him but I looked away immediately when I saw him staring at me directly. 

Kumunot ang noo ko saka nagpatuloy sa pagpapatuyo ng katawan. The towel wasn't enough for me to cover my body. I tried to search for an extra tee shirt or robe of Thalee pero wala akong nakita ni isa.

Sinubukan kong pagkasyahin ang sarili sa towel pero ayaw talaga kaya sumuko na ako. "Wear this, Beige." Someone handed me a black oversized t-shirt. Inangat ko ang tingin ko at nang makitang si Reese ang nag-aabot sa 'kin ng t-shirt ay hindi ko napigilan ang pag-irap. Kahit na medyo iritado ay kinuha ko pa rin ang damit na kaniyang inaalok.

Super awkward dahil habang sinusuot ko ang t-shirt niya, nakatingin siya sa 'kin na para bang mawawala ako rito kung kumurap siya. Nakabalik na si Thalee nang matapos ako. Thalee was eyeing me with suspicious eyes. Gusto ko siyang pagsabihan pero hindi sa harapan ni Reese, 'no! Ano nalang ang iisipin niya sa 'kin?

"Bye, Ate Beige!" Thalee said teasingly as she entered her room. Sa 'kin kasi ang nasa pinakadulo at malayo kaya ako ang huling papasok. Ang iniisip ko sa ngayon ay kung bakit nakasunod pa rin sa 'kin ang lalaking ito? Maliban nalang kung dito rin pala ang kwarto niya.

"Dito ka rin ba?" tanong ko nang makita ko na ang pintuan ng aking kwarto. I stopped walking dahil baka sundan niya pa ako at malaman niya kung saan ang aking kwarto.

Nagtataka niya akong nilingon. "My room is just in front of yours," sagot niya na siyang nagpatigil sa aking pag-iisip. 

Does that mean na kaharap ko lang ang kwarto nila ni Olivia?!

"Y-Your what?" I asked again just to make sure. Baka na-bingi lang ako at hindi ko napakinggan nang maayos ang sinabi niya. Tama, baka ganoon nga, Reign. That's a very good excuse for me.

"My room is in front of yours," he repeated. I bit my tongue and was about to speak again when we both heard a voice behind us. 

Hindi ko nilingon kung sino 'yon pero nasisigurado kong si Olivia 'yon. Lumingon si Reese kaya naalis ang tingin niya sa 'kin. I took that chance to go inside my room. I don't have time to burn kaya kung kailangan ko nang umalis, aalis talaga ako. Narinig ko pa ang boses ni Reese na tinatawag ang pangalan ko saktong pagkasara ko ng pinto. I gritted my teeth when I heard a closing door.

Waiting Until Dawn (Bittersweet Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon