(ITHOJM) CHAPTER 1🌺

2.2K 30 2
                                    

INSIDE THAT HEART OF JACK MONTEVERDE (BOOK 1)
by: Inday R. Gumilak💚


CHAPTER 1🌺

"Bakit tayo nandito?" Nagtatakang tanong ni Maureen ng dalhin siya si Jack sa isang napakalaking bahay na sabi neto ay pagmamay-ari nila.


"Basta, may ipapakita ako sa'yo,"  tugon ni Jack habang hawak-hawak ang kamay ni Maureen at madahang hila-hila papasok sa bahay.



"Ano ba yun? At bakit dito pa sa bahay nyo?"  Kunot-noong tanung ni Maureen. 


Kung anuman ang ipapakita ni Jack, bakit sa bahay pa nila?  Bakit hindi na lang neto dalhin sa school at doon na lang neto ipakita sa kanya.


" Basta nga. O 'lika pasok sa kwarto," paanyaya ni Jack habang hila-hila ang kamay ni Maureen na natigilan naman sa narinig.


"H-ha? Sa kwarto mo? A-ayoko!" Takot na saad ni Maureen na agarang binawi ang kamay na hawak-hawak ni Jack.


"O, bakit? 'Wag kang matakot. Wala ka bang tiwala sa 'kin? " Malumanay na tanung ni Jack habang tinitignan ang maamong mukha ni Maureen na tila pilit na pinapakalma sa takot na nadarama neto.


"M-meron. Ano ba kasi yun?" Tanung niya na muli din namang hinila ni Jack papasok sa kwarto.


Kahit na naguguluhan at natatakot siya ay buo naman ang tiwala niya kay Jack at alam niyang wala naman etong gagawing masama sa kanya.


"Ang aking pagmamahal"  Pabulong na sagot ni Jack at agad na sinakmal ng halik ang malakulay rosas na labi ng dalaga.  Na dahil sa labis pagkabigla ay natulak neto si Jack.



"Te-teka"  Naguguluhang saad ni Maureen.


"O, bakit? Akala ko ba mahal mo 'ko," pabulong na tanong naman ni Jack sa kanya.


"Oo, p-pero-"


Bago pa niya matapos ang sasabihin ay pinatahimik na siya ni Jack sa pamamagitan ng pag-angkin muli neto sa mga labi niya.


"S-sandali! Hindi pa 'ko handa.  Tsaka mga bata pa tayo."  Biglang pagtutol ni Maureen na agad din namang napansin ang agarang pagbabago ng expresyon ng mukha ni Jack.


He smirk sarcastically na animo'y hindi inaasahan na marinig ang mga katagang iyon mula kay Maureen. 


"Pinagsasabi mo!? May anak ka na nga tapos hindi ka pa handa? 'Wag mo lang kasi akong artehan!"  Dismayadong tugon ni Jack na pilit na pinapanatiling mababa ang boses.

Tila ba may ibang taong hindi dapat makakarinig sa pinag-uusapan nila. 


Akmang hahalikan na muli neto si Maureen ngunit natigilan si Jack ng  napansin niyang naluluha ang dalaga.


"Tsss.. 'Wag ka ngang magdrama diyan! Handa ka ngang ibigay 'yan sa lalaking iniwan ka lang di 'ba? Sa walang kwentang ama ng anak mo di 'ba?


Tsss!  Anu ba yan!  Bakit parang kay hirap namang ibigay 'yan sa akin. Alam mo namang mahal kita di'ba?
At mahal mo din naman ako. 


Para saan pa ba 'yang arte mo?
Eh alam na naman natin pareho na hindi naman ako ang nauna!" 


Mga salitang hindi inaasahang marinig ni Maureen mula kay Jack.
Mga salitang labis na nakasakit sa damdamin niya.  Mga salitang animo'y matutulis na kukong pumupunit sa puso niya.


Inside That Heart of JACK MONTEVERDE (1) (Completed)Where stories live. Discover now