Ay ewan! Nahihirapan ako magdecide..
Hanggang nga sa pagtulog ko, yun ang nasa isip ko. -_- or do i have to seek a sign para pumayag ako sa suhestyon nya?
Di ko alam..
Kinabukasan, maaga akong pumasok. Lagi naman eh. Gusto kong maaga para di ko makita si Enzo o makasalubong.. Hmm, until now nasasaktan pa din ako. Namimiss ko na sya.. ung tawanan namin at yung mga pinaggagawa nya sa tuwing magkasama kami. Haist. Bat ko pa ba iniisip yun eh pawang mga kasinungalingan lang lahat ng mga yun.. Kaya ako nahihirapan makalimot dahil inaalala ko pa rin mga masasayang memories naming dalawa eh.. Haist. na alam ko namang peke lang naman. Nakakainis pero di mawala sa isip ko.
Ang hirap hirap magmove on kasi may mga bagay na nagpapaalala sa kanya sa akin kahit saan ako magpunta dito sa Westbridge.. Mahirap kasi paglabas mo ng room o pumunta ka sa ibang sulok ng univ. baka nandun si Enzo. Kung may tanging paraan para mawala tong nararamdaman ko, ginawa ko na kung alam ko lang..
" Oh? Nandito pala ang LOSER nerd! " sarkastikong sabi ni Ayu nung naabutan ko sila sa loob ng CR. Di ko alam na nandun sila, kung alam ko lang, di na ako papasok. Alam ko namang iinsultuhin lang nila ako at kukutyain. Wala na akong choice kundi dumiretso na lang sa pagpasok.
Di ko na lang sila pinansin at nagtungo na ako sa isang cubicle pero isang pagkakamali ang ginawa ko dahil walang pakundangan akong pinatid ni Ayu na naging dahilan para madapa ako at masubsob sa sahig. Ang sakit ng ginawa nya! Kasi biglaan ang lahat.. Di ko inaasahan. Bat di ko naisip yun? Ang tanga ko talaga.. Pag magkita kami, sigurado may mangyayari sa aking di maganda. Di na ako nagtanda at nasanay.
" Bagay sayo yan! Sa sahig ka nararapat.. Panglinis! Haha. Kahit anong gawin mo, di magkakagusto sayo si Enzo. Ilusyonada kasi kaya yan napala mo.. HAHAHA. Pinagpustahan lang pala nina Enzo.. Ang saklap! Masakit ba? *evil laugh* " nakita kong yumuko sya ng konti at hinila ang buhok ko. " Matuto ka kasi kung saan ka lulugar. Wag ka ng mag-ambisyon na may magkakagusto sayong lalaki.. Tingnan mo kasi muna ang mukha mo! Pwe! Nung una palang duda na ako sa pinaggagawa ni Enzo, yun pala part lang yun ng arte nya. Tsk. Tsk. Tama ang kutob ko. Hay naku! Illusyonada! " dagdag pa nyang sabi tapos pabalya nya akong binitawan. Binuhusan naman ako ng tubig galing sa mineral bottle na hawak ni Mavil at yung isa namang kasama nila ay smoothy ang binuhos sa akin.
Umalis sila pagkatapos nun na tatawa tawa. Naiyak na lang ako sa ginawa nila.. Nasasaktan ako ng sobra sa mga pinagagawa nila pero wala akong magawa para ipagtanggol man lang ang sarili ko dahil sa takot.
Di ko na naituloy ang pagpasok ko sa cubicle dahil sa nangyari. Lumabas na lang ako dun pero di ko inaasahang paglabas ko ay nandun si Enzo sa tapat ng pinto ng CR ng mga babae.Di ko alam ang ginagawa nya dun. Nagkatinginan kaming dalawa pero ako ang unang nagbawi ng tingin. Wala akong nakitang emotion sa mga mata nya nang magtitigan kami. Di ako handang makita sya matapos ng isang linggong pag-iwas ko sa kanya. Walang nagbago sa kanya.. Gwapo pa din. Haist. Nakakainis. Apektado pa rin ako.. Kahit anong gawin ko, mahal ko pa rin sya.
Di na ako nagtagal dun at umalis na ako. Nahihiya ako sa itsura ko.. Madumi ang damit ko at magulo ang buhok ko.. Para akong nirape at nadaanan ng bagyo. Naalala ko nung ganito ang din ang itsura ko, tinulungan ako ni Enzo. Psh! Bat ko pa ba iniisip ang mga ganun? Kahit naman maayos ang mukha ko, panget pa rin ako sa paningin nila.. sa paningin ni Enzo kaya di sya nagkagusto sa akin e. Hayyy!
Pinunasan ko ang mga luha ko nung nakalayo na ako sa CR.. Bat kelangang makita ko pa sya? Lalo lang tuloy akong nahihirapan..
" Courtney?? Anong nangyari sayo? Bat basang basa ka? " umangat ang tingin ko at nakita si Blue. Di ako sumagot, sa halip niyakap ko sya. Tumagal kami sa ganung ayos ng ilang minuto. Wala rin syang tinanong sa akin nung ginawa ko yun.. Sa mga oras na yun, gusto ko ng may makakapitan at makakaintindi sa akin.. ang samahan ako sa sandaling hirap na hirap ako.. Di ko nga namalayan na nakatulog ako sa mga bisig nya at nagising na lang ako na nasa clinic kami.
" A-Anong nangyari? Bat nandito tayo? " tanong ko sa kanya. Tumayo naman sya sa pagkakaupo at lumapit sa akin saka hinaplos ang noo ko. Medyo nailang ako sa ginawa nya kaya pasimple akong umiwas.
" Nahimatay ka kanina habang nakayakap sa akin. Nag-alala ako kaya dinala kita rito. " nahimatay pala ako? Akala ko nakatulog ako. Tsss. " Sabi ni Nurse Jane, dahil sa stress at overfatigue kaya nahimatay ka.. Courtney, wag mo sarilinin ang problema mo.. Nandito ako, handang makinig sa mga problema mo. Wala man akong maitulong pero ang pagshare nun sa akin ay makakatulong para mabawasan ang nararamdaman mong hirap at sakit. Nakakagaan yun ng loob. " hinawakan nya ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. " Nandito lang ako.. Sige magpahinga ka na muna. Kelangan mo yan. "
**
" So, ano na ang desisyon mo Ney? Pinag-isipan mo naman siguro yan nung nakalipas na isang linggo.. " nagulat ako sa sinabi ni Ate Sophie. Di ko alam na kelangan ko yun pag-isipan pa dahil sinabi ko namang ayaw ko. *sighed*
" Sinabi ko naman -- "
" Bat ka ba natatakot? Ayaw mo ba ng may maiba? Di habang buhay, nerd ka! Wala kang mararating. Saka hindi lang ikaw ang tutulungan ko.. " napatingin ako sa may pinto. Nasa registrar office kami. Di ko alam kung bakit nakapasok kami rito na di napapagalitan.
Nagulat ako sa nakita kong pumasok. Dalawang babae na puro nerd.. Akala ko, kami lang ni Blue at Lourenz, ang mga nerd dito. Madami din pala.
" Okey.. Meet Nicole and Khim. " lumapit ang dalawa sa amin. " Khim, Nicole, si Courtney. Courtney, sina Khim at Nicole. Tulad mo, binubully din sila dito. Di ka lang nag-iisa. Khim ay isang 2nd year college, dean lister at fashion designer ang kinukuha nyang kurso. Si Nicole, ireggular student. 2nd year na din sana sya kaso dahil laging pinagtritripan, napilitang huminto kaya ngayon first year ulit pero may 2nd year subject syang kinukuha. Binalikan nya lang ang mga subject sa 1st year na di nya natapos. Matalino din yan. Kahit iba't iba ang kurso nyo at katangian, pareho lang kayo ng pinagdaanan. Prove to them na mali silang inaapi ang mga gaya nyo. Mali silang mahihina ang mga nerd. " tumayo sya at inikutan kami. Di ko alam kung bat pinakilala pa nya ang dalawang to. Di na magbabago ang desisyon ko..
" Late na ba ako? " napatingin kaming lahat sa nagsalita. Napatayo na lang ako ng di inaasahan sa pumasok.
" Di pa naman Lourenz.. " narinig kong sagot ni ate Sophie.
Uh? What's going on?
* pasenxa na sa matagal na update.. Di kasi ako sanay sa touch screen. Di ko rin alam kung mahaba tong update ko kasi nagiging KB ang size ng text msg sa cp imbes numbers.
Itutuloy..
YOU ARE READING
Mr. NERD meets Ms. NERD - are they compatible?(COMPLETED)
RomanceIsang nerd na nainlove sa lalaki na pinaglaruan lamang sya.. Pinagpustahan. Masakit di ba? FACEBOOK ACCOUNT: ENZO: https://facebook.com/enzo.perez.50767 COURTNEY: https://facebook.com/courtney.torres.794
chapter 28
Start from the beginning
