[MPG2>3-Shelosh?]

Magsimula sa umpisa
                                    

"eeehh...yung ano??"

Tinignan ko yung mga kamay ni Uno.

May hawak siyang alcohol at pamunas.

Teka.

"tsk. ano bang iniisip mong babae ka? Pinupunasan ko lang yung natapon na alak sayo kanina."

"aaaaahh...hihihi..."

Napakamot ako sa batok.

Andumi naman kasi ng isip mo Eri.

"pero maganda yung iniisip mo Eri. Gusto mong..." binitawan niya yung mga hawak niya at bigla siyang

pumatong sa akin. Nakahiga na kaming dalawa sa kama. "try natin yang idea mo?"

Napalunok ako bigla.

Waaaaahhhh....

>,<

============================


Si John:

"Kimmy!!!!"

Kung bakit naman ang bilis maglakad ng babaeng to!?!?

Nung mahabol ko siya agad kong hinawakan ang balikat niya.

Kaya naman pala hindi niya ako naririnig.

Nakaheadset!!

>_____>

"ay sir John. Bakit po?"

"bakit agad kang umalis?"

"aaah hehe..kasi po maaga naman po tayong nagsara. Wala narin pong gagawin."

"hmmm...uuwi ka na?"

"ang totoo hindi pa. kakain po sana ako ng balot."

"ganun? Sige tara."

"huh? Saan po?"

"edi kakain tayo ng balot."

"kumakain ka nun sir?"

"ay hindi! Kaya nga sabing lika na diba?"

Hinawakan ko ang kamay niya at hinila siya papunta dun sa nagtitinda ng balot.

Matagal tagal narin akong hindi nakakakain nito aaah.

Bumili kami ng tigdalawa namin at naupo kami sa malapit na bench.

Aaaayy...sarap talaga ng balot.

"so Kimmy, kumusta ka naman?"

"aaahh..okay naman po ako sir. Kayo po?"

"uhm..okay din."

"aaaahh.."

katahimikan

Katahimikan

Katahimikan.

"so Kimmy ba talaga ang pangalan mo???"

"Kimberly po."

"teka nga bakit mo ba ako pinopo? Just call me John okay? Wala naman tayo sa bar."

"hehe..sige po sir este John pala hehe."

======================


Si Kimmy

Waaaaahhhhh...

Si sir John naman!!!

Binilisan ko na nga yung lakad ko at kunwaring hindi siya naririnig nahabol pa ako.

Kasi naman eehh..

Dumadagundong ang puso ko tuwing kasama ko siya.

Eto pa ngayon nakaupo kami sa bench at kumakain ng balot.

Di ko akalaing kumakain ng balot ang mayaman na ito.

May sakit kaya to at kumakain ng ganito?

Bakit ba siya biglang bumabait sa akin?

Hindi kaya may taning na ang buhay niya??? O//\\O

Mamamatay ka na ba sir John??

Kaya ba ang bait bait mo???

Naramdaman kong nagvibrate yung phone ko kaya naman agad ko itong linabas at sinagot.

Medyo lumayo muna ako ng konti.

Si kuya bar tender lang pala.


"Kimmy! Nakita ko kayo ni sir John. Ayyiiieee...kayo na! kayo na bagay! Lumalablyp ka na!!

wahahahahahaa.."

Agad kong kinancel yung tawag pagkatapos niyang sabihin yan.

=______________=+

Patayin ko kaya si kuya bartender bukas?

Pagbalik ko sa may bench.

Nakatayo na si sir este John pala.

Nakayuko siya at hindi ko makita ang mukha niya.

"aaahh..okay lang po kayo si..este John?"

"uwi na ako."

"huh? Bakit po? "

"shelosh ako."

Huh? Ano daw yun? Hindi ko narinig ang hina!!!!!

Shell?

Shell what daw??

After nun bigla na lang siyang tumakbo palayo.

Ano bang nangyari dun?

May taning na nga ata talaga ang buhay niya.

Naku!

Lord, wag niyo po sana siyang kunin ng maaga.

Baka may sumasakit sa kanya,,

Halla!

Dahil kaya sa balot?

Sorry John..TT^TT

==============================


Si Uno:

Hinalikan ko ang noo ni Eri at umalis na ako sa ibabaw niya.

"tumayo ka na dyan. Ihahatid na kita!!"

Nakapikit parin siya sa may kama.

"Eri!! Bangon na dyan."

Ayun sa wakas dumilat din siya.

Umupo siya sa kama at tumitig sa akin.

"Uy ano bang arte yan? Lika na"

Nakatitig lang siya sa akin.

"Eri??"

Agad akong tumakbo palapit sa kanya at hinawakan ang mukha niya.

"Eri ayos ka lang ba?"

"naalala ko lang nung mga bata pa tayo....."

"anong ibig mong sabihin Eri?"

"nangako kang hahanapin mo ako Uno kapag nagkahiwalay tayo. You never did..bakit??"

Ako naman ngayon ang napatitig kay Eri..

Ano ba yung bigla niyang naalala??

=======================

Leave comments po.

Tanchu

:D

Mr. Perfect Gangster: The Return (Editing) completeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon