Kabanata 2

471 143 36
                                    

Kabanata 2

Date

Araw ngayon ng paghahanda ko para sa pagsabak sa unang taon ng kolehiyo. College is really tough but I can do it, right? Walang makakatibag sa taong may matibay na parangarap na gustong matupad.

Plano kong mamili ng mga art materials such as acrylics, varieties of new brushes, and canvas. Suot ang casual polo and jeans na pinares ko sa white chucks--- I'm all ready. Bumaba na'ko para makapagpaalam na aalis ako.

Nasalubong ko si mama na abalang naggagantsilyo sa sala. Nabaling ang atensiyon niya sa'kin.

"Sa'n ang lakad mo, anak?"

"Ngayon ko po sana balak mamili ng mga gagamitin ko para sa pagpasok sa eskwela," sambit ko habang ina-adjust ko ang likod ng sapatos ko na pumaloob sa paa ko.

Naratnan ko naman si papa sa bukana ng kusina. "Pa, alis lang ako."

Tumangu-tango siya. "Alam mo na ba ang kukunin mo sa kolehiyo?"

May takas na ngiti sa labi ko. "Alam niyo naman 'yun pa, diba? Fine Arts Major in Painting po, pa."

Bakas sa mukha ni papa ang pagka-disgusto sa sinabi ko. Bago pa siya maka-salita ay umalis na'ko ngunit 'di pa rin nakatakas sa pandinig ko ang huling sinambit niya. "Wala kang mararating diyan. Tumulad ka sa kuya mong matagumpay na negosyante na ngayon."

Tuluyan na'kong lumisan ng bahay.

'Yan. Iyan palagi ang madalas pagtalunan namin ng magulang ko. Pinipilit nila ako sa kurso kung sa'n wala naman do'n ang puso ko. Kumpara rito, kumpara riyan. Kung hindi kay kuya, sa mga kasamahan nilang may matagumpay na anak.

Pero wala naman akong hinanakit kay kuya. It's just sometimes their words are unbearable and degrading. Para na ring inapakan nila ang kakayahan at pagkatao ko pagka't ang mismong kursong minamaliit nila ay halos buhay ko na.

Kung puwede nga lang magpakasal na'ko sa brush at poster paints ay ginawa ko na.

Ipinagsawalang-bahala ko na lang at naglakad palayo ng bahay.

"Celestina," boses ng pamilyar na baritonong boses.

Lumingon ako sa pinanggalingan no'n. Tumatakbo siya palapit habang ang maningning na pangangatawan sa pawis na nasisinagan ng araw ay nakakapanghina.

Nagtapatan kami na may iilang pulgada na lang ang layo kaya naaamoy ko ang kabanguhan niya na nanunuot sa ilong ko.

"Saan ka pupunta?"

Ugh! His wide shoulder down to firm chest and V-line. May kaunting putik ito pero mas lalong nagpahuramentado pa sa puso ko ang dirty look niya imbis na mandiri. Jeans lang ang pambaba nito na nakatupi hanggang tuhod at tsinelas.

Nangunot ang noo niya at unti-unting inangat ang palad nito. Napagtanto kong may takas na luha pala sa mukha ko dahil pinunasan 'yon ni Apollo.

"Did you cry?"

Napaisip agad ako ng rason. "A-Ah, napuwing lang ako."

Inalis ko ang palad niya at pinalitan ko ng kamay ko upang palisan ang mga natirang luha gawa ng masasakit na salita ni papa kanina.

"Who made you cry?"

Napaangat ako at kitang-kita ang pag-aalala sa mukha nito. "W-wala nga ang kulit mo. Bakit ka nga pala nandito? Wala ka bang training? Baka tumatakas ka lang ha." Pag-iiba ko sa usapan.

"Wala naman. Nag-voluntary community service lang ako pero tapos na'rin at naabutan kitang lumabas. Can I join you?"

Napatingin naman ako sa estilo ng pananamit niya. Although, gwapo naman siya sa kahit anong suot, but he cannot go with that style inside the mall. His body is tempting and illegal.

Her Karmic FateWhere stories live. Discover now