Kabanata 27

122 33 0
                                    

Kabanata 27

Seventh

Kanina ko pa napapansin ang panaka-nakang titig ng binatang lalaki sa dibdib ko. The jeepney's still uproaring. Nakakailang oras na rin kami sa pagbiyahe at nagawa ko na ring maidlip. Lingid sa kaalaman niya na kanina ko pa binabantayan ang mga mata niyang naka-pako sa'kin--- particularly, sa dibdib ko.

Gusto kong umalma o sundutin ang makasalanang matang iyan pero ako ang humingi ng pabor sa pamilya ng may-ari ng jeep na sinasakyan ko para makatakas. Batid kong miyembro rin siya ng pamilya dahil sa pagkakalingkis ng mga bisig niya sa babaeng naka-talikod sa kaniya. Ang asawa niya'y may yakap-yakap na sanggol na mahimbing na natutulog. Ang walang hiya 'to na naturingan ng may asawa ngunit wagas mangaliwa.

Tumalim pa lalo ang titig ko hanggang sa kusa na siyang mag-angat ng mata. Kitang-kita ko ang pagdaloy ng laway sa lalamunan niya nang mahuli siya sa akto. 

Napailing na lang ako at pinalis ang kamunduhang namamayani sa utak niya. Bumalik ang tingin ko sa bintana ng jeepney. Tumatama nang marahan ang hangin sa mukha ko bagay na malanghap ko ang pinaghalong singaw ng mainit na araw at panibagong pagbuhos ng ulan.

Petrichor.

Hindi ko na naman maiwasang isipin ang masalimuot na nangyari kanina. Inangat ko ang kamay ko at hinipo-hipo ang kwintas na suot-suot ko. Bumaba ang tingin ko sa kwintas kasabay nang pagdampi ng labi ko roon. Ang namumukod-tanging bagay na natira sa alaala namin ni Elen...

Nagkaroon ng maliit na salu-salo sa bahay namin. Iba't ibang putahe ang naka-hain sa hapag sa tulong nang pagluluto ni manang Esther at mama. 

Ika-pitong kaarawan ko na ngayon.

Nagsasamyo ang maiingay na kalansing ng bote ng alak sa garahe dahil naroon ang mga kliyente ni papa at iba pang ka-sosyo sa negosyo. Naghahari rin ang umaalingawngaw na tawanan at kasiyahan na sinasabayan nang pagkanta sa videoke ng kanilang kasamahan. Napangiti ako kahit pa sintunado ang boses no'n ay hindi makuhang mapintig ng puso ko dahil sama-sama kaming nagdaraos ng kaarawan ko.

Narito naman sa loob si mama habang kausap ang iba pang kababaihan na kakilala rin ni papa. 

"Happy birthday, Celestina!" bati ni tita Agatha na siyang matalik na kaibigan ni mama. "Thank you po, tita!" Sandali niya akong niyakap at nakisali na rin siya sa usapan ng mga kababaihan kung saan naroon din si mama.

May isang bulto ang sumalubong sa'kin sa bukana ng pintuan. "Happy birthday, bunso!" si kuya Jake iyon na kakauwi lang galing sa eskwelahan. Suot pa niya ang backpack sa likod na hindi pa niya nabababa dahil mas inuna niya akong batiin.

"Iyahh!" Gamit ang dalawang malalaking braso ni kuya Jake ay binuhat niya ako sa ere. Labis-labis naman ang tuwa ko dahil sa closeness naming dalawa. Ganito niya ako kung lambingin. Bubuhatin sabay kunwari'y ilalaglag sa sahig. "Kuya Jake, tama na po! Hahaha..."Minsa'y hindi ko maiwasang mangamba pero alam kung hindi naman ako kayang saktan ni kuya Jake.

He planted a sweet, soft kiss on my temple. "Bihis lang ako sa taas. Pakasaya ka sa birthday mo, ah?"

I nodded enthusiastically. Hingal na hingal pa ako sa ginawang pagbuhat ni kuya sa'kin sa ere. Halos maubusan ako ng hininga kakahiyaw at kakatawa. Hindi naman naging dahilan iyon para marinig nila mama at papa dahil tutok na tutok sila sa pakikipag-kuwentuhan sa kani-kanilang kausap.

Nagdala ako ng monoblock chair sa labas ng gate at umupo roon. Dalawang tao na lang ang hinihintay ko at kumpleto na ang araw ng kaarawan ko. Winasiwas ko ang dalawang paa ko sa ere dahil hindi naman ito naabot ng sahig kapag naka-upo ako. Nakakabawas din ng pagka-inip habang hinihintay ang dalawang iyon.

Her Karmic FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon