Kabanata 15

168 53 5
                                    

Kabanata 15

Caught in the Act

"Ano ang buong pangalan ni Jose Rizal?"

Huminga akong malalim bago sumagot. "Jose Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda,"

Tumangu-tango si Sir Albert na parang nakuntento na sa sagot ko. Kasalukuyan akong nag-aaral for the upcoming Quiz Bee inter-school competition. By next week, each day will be scheduled for the respective subjects na ilalaban. Dahil buwan ng wika, isasabay sa culminating activity ang History Department kaya sa friday pa ang schedule ko.

Si Sir Albert ang aking naging mentor. Sobrang dami kong natututunan sa kaniya. Minsan, 'yung akala kong alam ko na tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas, mas may malalim pa siyang alam do'n! Para bang naroon siya mismo sa panahon na iyon at detalyadong-detalyado ako bigyan ng kuwento at impormasyon.

Fortunately, hindi na rin ako nababagabag ng kaniyang eye patch na may burdadong suspicious symbol. Kung ano man iyan, wala na akong epekto roon.

Puspusan na ang pag-aaral namin dahil nabalitaan kong yearly, palaging champion ang Princeton University pagdating sa mga ganitong patimpalak. They are really into academics kaya naman matatalino talaga ang mga estudyante rito.

Na-pressure naman ako, so much overthinking na paano kapag hindi ako nanalo? Paano kapag nag-aral naman ako pero may mas magaling pala talaga sa'kin? Ugh! This is not time for that. Nawawala ako sa focus ng pagre-review namin.

"Para kanino inialay ni Francisco 'Balagtas' Baltazar ang Florante at Laura?"

Wait! Alam ko 'yan!

"Para kay Maria Asuncion Rivera o mas kilala sa palayaw na 'Selya,'" taas-noong sagot ko.

"Siya ay isang mandarambong na instik at panginoong pandigma na sumalakay sa hilagang kapuluan ng Pilipinas noong 1574."

"Limahong"

Napatitig ako sandali kay Sir Albert na matamang nag-iisip sa paksang itatanong niya sa'kin. Hindi na niya halos kailangan magbuklat ng libro para maghanap ng mga katanungan at parang kabisado na niya ito.

"Ipaliwanag mo sa'kin ang konsepto ng Industrial/Intellectual Revolution."

I knew it! I knew it! Pumikit ako at inalala ang puwesto no'n. Left down page, may color pink na highlighter.

"Ang Industrial Revolution (IR) ay bahagi ng proseso ng modernisasyon. Dito umusbong ang makabagong makinarya at makabagong teknolohiya na nagpabago ng husto sa rebolusyon ng Pilipinas. Mas maraming nagagawang produktong bagay ang isang manggagawa."

"At kailan nagsimula ang rebolusyong industriyal sa Pilipinas?"

"Noong ika-18 hanggang ika-19 siglo." manghang sagot ko. I was keenly confident with my answers. Bukod sa pagpinta, mahal ko ang pagkakabisa! Despite na hate ko ang numbers, mahal ko naman ang mga words and the feeling is mutual. Nagkakasundo kami.

Tumingin ako kay Sir Albert na biglang napatahimik. Malalim na ang titig niya sa'kin at iba ang hatid na kilabot. Wait, mali ba ako ng sagot? But I'm certain! Dapat dito palang na sinasanay ako ay hindi na ako nagkakamali, paano na kapag mismong competition.

Failure is not my option!

"Sir? Mali po ba ang sagot ko?" unti-unting umuusbong ang kaba sa dibdib ko. Hindi dahil baka mali ako, I know there's more I'm nervous of. Hindi ko lang matukoy.

"Naisulat sa kasaysayan ng Pilipinas na ang pag-usbong ng Rebolusyong Industriyal ay nakabuti sa pamumuhay ng tao. Ngunit lingid sa kaalaman ng lahat, nagdanak ito ng maraming luha at dugo sa libu-libong pamilya."

Her Karmic FateWhere stories live. Discover now