Kabanata 18

145 46 2
                                    

Kabanata 18

Unreachable Expectation

Ilang santo na ang dinasal ko sa mga oras na ito. Bago pa nga ako lumabas ng bahay ay humalik muna ako sa litrato ni Hesus.

Ito na ang pinakahinihintay at pinaghandaan ko.

Araw na ng Pasiklaban 2020 for the History Department kaya naman narito ako sa gilid ng bleachers. Dito kasi sa Princeton University gaganapin ang paligsahan.

Kasabay ko ang English Department sa araw na ito at pinapanood ko sila. Kasalukuyang lumalamang si Dianne na kaklase ko.

Natapos rin sila at ang school namin ang nanalo! I knew it, Dianne has the potential. Magaling talaga siya, nao-obserbahan ko pa lang siya sa klase ay alam kong malaki ang tyansang mananalo siya.

This is my moment this time. Nakaupo na ako sa respective seat. We have 22 contestants, meaning to say 21 ang kalaban ko. This week gave me a lot of pressure, lahat ng pambato sa lahat ng subject ay nanalo! At ang History/Filipino Quiz Bee ang inaantay.

They are expecting na mananalo na rin ako kahit hindi pa nga nalalapit ang araw. Ayaw ko silang ma-disappoint pero paano kung hindi pala para sa'kin ito.

"Celestina,"

Napalingon ako at naroon si Apollo, Elena, Sir Albert at Kylie na todo ang pagsuporta sa'kin. Napangiti ako kahit may halong kaba sa binibigay nilang energy sa'kin.

Si Kylie pala ay kaklase ko sa Algebra. Hindi niya kasi na-take ito last year dahil naubusan ng slot kaya ngayon niya kinuha kahit 2nd year na siya. Naging malapit kami sa isa't isa. Maputi ang balat, mas matangkad ng kaunti sa'kin at malalim ang biloy pero balingkinitan iyan. Natutuwa ako dahil nagkaroon ako ng ka-close sa school na'to. Kuntento na rin ako sa isang kaibigan lang, aanhin ko naman ang marami kung maaasahan mo lang pala sila sa kasiyahan, 'pag downfall mo na, kani-kaniyang iwasan 'yan na parang hindi kayo magkakilala.

Huminga akong malalim nang magsalita na ang Queen Bee Master na siyang magtatanong sa'min. Ine-explain na niya ang mechanics at bawat puntos sa stages ng round.

"For the easy round, ito ang unang katanungan,"

This is really is it, is it PANCIT! Hindi na nga talaga mapipigilan.

"Ang salitang 'El Filibusterismo' ay hinango sa salitang espanyol. Kung isasalin sa wikang Filipino ay ano ang katumbas nito:"

Nag-flash sa screen ang mga choice. Ten seconds started as the question stated. Huminga lang ako ng malalim at sinulat ang letrang C--- The Rebel. Nag-flash agad sa screen ang tamang sagot makalipas ang sampung segundo.

"Number 7 got the correct answer..." anunsiyo ng Queen Bee Master habang iniisa-isa ang mga sagot namin tapos tatarahan ang bawat tamang sagot. Kitang-kita pa naman sa malaking board ang sagot at natapos ang easy round, halos lahat kami ay nakakuha ng perfect score with worth 10 points!

Nasa number 7 ang pangalan ko at hindi ko maiwasang hindi tumingin-tingin sa board kada-minuto.

Average round na at dito ay mas naging komplikado ang tanong. Kung minsan, parang pinaikot nila ang salita at ang ine-expect na dapat ang sagot sa tanong, ginawa nilang tanong ang sagot kaya minsan ay parirala ang sagot namin.

Ang gulo!

Ilang beses akong nagbubura, ang dumi na ng white board ko dahil wala na akong oras para linisin ang pagbubura, ang importante ay maintindihan na lang nila ang sagot ko.

"Huling katanungan para sa average round,"

Kung sa easy round ay halos magpantay-pantay ang sagot namin, ngayon ay pumapangalawa na lang ako. Tinignan ko 'yung pang-una at number 8 siya! Tinagilid ko ang tingin ko at tinignan ang katabi ko. Si Fredericko! Ito 'yung kaklase ko nung high school na may mala-photographic memory.

Her Karmic FateWhere stories live. Discover now