Kabanata 14

190 68 2
                                    

Kabanata 14

Payo

"Binibini," 

Kasalukuyan akong naghahagod ng pahid na nababahiran ng kulay pula sa manipis na pawid ng kahoy(brush) upang bigyang-kulay ang espasyo ng bulaklak na pinipinta nang marinig ko sa likod na tinig ang naghihikahos na boses ni Maria sa likuran ko.

"Hinahanap po kayo ni Don Filipe."

Tila nabalutan ng kaba ang aking dibdib. Hindi magiging ganiyan ang hitsura ni Maria kung hindi nag-iinit sa galit ang aking ama.

"Ba.. Bakit daw?"

Yumuko ito ng marahan at umatras. Sinara niya ang pinto at hindi sinagot ang aking katanungan. Huminga akong malalim at kinumpas ang mga paa kong lumilikha ng ingay sa mansiyon sa suot kong bakya.

"ROSA!"

Nang ilapit ko ang mukha ko kay ama upang salubungin sa kaniyang pagdating ay naka-tanggap ako ng isang malakas na sampal na ikinasalampak ko sa sahig. Nagpintig ang mga kalamnan ko at tila namanhid ang buong mukha ko. Nilingon ko si ama na nanlillisik ang mga mata sa galit.

"Eres una desgracia, ingrata!" (You're a disgrace, ingrata!)

"Ano'ng nangyayari rito?" bumaba si ina mula sa taas at hinawakan ang braso ni ama upang pakalmahin. Sumilip din mula sa itaas na bahagi si Lazaro na nakakatandang kapatid ko.

"Ano'ng karapatan mong tanggihan ang alok ni Don Sebastian sa pagpapakasal sa inyo ng kaniyang unico hijo?!"

Muling bumuskad ang alaalang nangyari kagabi...

Kahapon matapos magpunta sa Diego de San Jose sa bahay-ampunan ay nasalubong ko sa salas ng bahay ang pamilya Corpuz. Bumati akong galak sa kanila ng kaniyang asawa. Napuno ako ng pangamba pagka't nauulinagan ko na ang pakay nang pagpunta nila rito, ay para kumbinsihin akong ipakasal sa anak nilang si Dominador Corpuz. 

Kapalit ng habambuhay kong pagkakatali sa taong hindi ko mahal ay ang pagsanib ng dalawang makapangyarihang pamilya na nagpapatakbo ng negosyo. Nagpaka-totoo ako at sinabing tinatanggihan ko ang kasal. Labis ang pagka-disgusto sa mga mukha ng mag-asawang Corpuz ngunit batid pa rin nila ang respeto sa'kin dahil anak ako ng kanilang ka-sosyo sa negosyo.

Batid ko rin ang pag-tiim ng bagang ni Don Sebastian Corpuz habang matamang nakatitig sa'kin na tila nagtitimpi. Bukas-sara ang bibig na animo'y may gustong sabihin ngunit bago pa siya magwika:

"Mauuna na ho ako sa aking silid kung wala na ho kayong ibang pakay rito."

"Lahat ay naaayon na sa plano, Rosa! Nasira pa ang imahe ng pamilya na'tin sa kanila. Kanina, kailangan ko pang magpakumbaba na ikinababa ng dignidad ko. Lahat 'yon ay dahil sa kagagawan mo! KAHIHIYAN KA---!"

"Tama na!" impit na pananalita ko sa gitna ng paghikbi.

"Hinding-hindi ako magpapatali sa isang lalaking hindi ko mahal! Sagrado ang pagpapakasal na ginagawa ng dalawang taong nagmamahalan hindi para sa kapakanan ng negosyo---!"

"Suficiente!" (Enough!)

Nagpabalot sa katahimikan ang umuugong na boses ni ama. Sa sandaling iyon ay lahat ay natulala at tanging kuliglig lamang ng mga alitaptap ang maririnig.

Pinagsalop niya ang palad niya sa panga ko. "Hindi mo gugustuhing kalabanin ang ama mo, Rosa. Si puedo amenazar a Ignacio por obedecerme, no es difícil para mí obedecerte." (If I can threaten Lazaro to obey me, it is not hard for me to comply you.) atsaka hinagis niya sa ere ang mukha ko ng marahas.

Her Karmic Fateحيث تعيش القصص. اكتشف الآن