Kabanata 33

118 20 2
                                    

Kabanata 33

Wedding

December, 2020 [3 months later]

Makaraang buwan ang nakalipas, pinanindigan ko na ang desisyon ko. 

"Huwag kayong kabahan, ma'am," abiso ng baklang nagmemake-up sa'kin.

Nakakailang buntong-hininga na kasi ako. While foreboding the future might come, hindi mawala-wala sa isip ko ang mangamba. Lutang lang talaga ang utak ko habang nakatitig sa vanity mirror. Basang-basa mula sa mga mata ko ang matinding pagtutol sa kaganapang ito ngunit ano'ng magagawa ko?

"Kukuwentuhan ko na lang kayo ma'am para hindi kayo malungkot," 

Napalingon naman ako sa kaniya. Mukha naman siyang mabait based sa friendly smile niya at mukhang gusto niya talagang makipag-kaibigan sa'kin. I think it's also time for me to open-up my mind into social life. Bukod kay Elen at Apollo, wala na talaga akong naging kaibigan.

"Kada ginagawa ko ang ganitong trabaho, 'di ko maiwasang malungkot..."

Then he started to share his life.

"Madalas akong nakaka-witness ng mga taong abot-langit ang saya sa tuwing sila'y ikakasal na. Hindi ko maiwasang mainggit. Ako kasi, parang never kong mararanasan ang ganiyang pagpapakasal," pagak siyang natawa. "Sino ba namang magtatapat ng kasal sa isang bakla, 'di ba? Never ko naman kasing hiniling na maging ganito. Naisip ko rin na magkapamilya pero hindi talaga para sa'kin ang kawangis ni Eba."

Natawa kaming dalawa pero alam namin sa sarili naming sa likod ng tawang iyon ay may lungkot na nagkukubli. Pinatungan na niya ang mukha ko ng moisturizer saka kinulayan ang malungkot kong mukha.

"I realized that we were just the type of person who is just a phase for everyone. Para bang dadaan lang sila sa buhay namin pero walang magiging permanente. 'Yung iba para makapag-tapos ng pag-aaral, 'yung iba naman para ma-fully paid ang downpayment sa motor haha... Kaloka..."

Hilaw na napangiti ako. "Huwag mo namang masiyadong i-down ang sarili mo," I stopped for a while as he put brushed the lipstick on my lips. "Hindi naman batayan ang kasarian sa pagmamahal. Lahat tayo ay may karapatang mahalin at magmahal. Balang-araw mahahanap mo rin ang taong magpapatanto sa'yo na you're not just a phase for everyone. You'll find him or even her soon. Gaya nga nang sinabi ko, walang pinipili ang kasarian. Kahit bakla ka, kung ang sinisigaw ng puso mo ay isang dalaga, mahalin mo siya ng walang pag-aalinlangan."

Nagtaka naman ako dahil bigla siyang napahinto. Nang lingunin ko siya sa reflection ng salamin ay nagpupunas na siya ng luha. "Uy, may nasabi ba akong masama?"

He stilled for a second. "Thank you..." At lumapit siya sa'kin upang yakapin ako. Ilang segundo lang akong natulala sa pagsunggab niya ng yakap sa'kin. Kalauna'y sinuklian ko rin siyan ng yakap at pag-alo.

Bumalik na siya sa pagmemake-up habang hinihintay ko ang final dressing niya sa mukha ko. 

"Masaya akong nahanap mo na ang right guy para sa'yo, ma'am."

Napatigil ako. Maging ang pagtibok ng puso ko'y bumagal. Masaya nga ba talaga ako? Naisip kong wala nga pala siyang alam na isang arranged marriage lang ito. 

Para masalba ang kompanya.

Para maligtas ang buong pamilya.

Her Karmic FateWhere stories live. Discover now