Kabanata 25

125 33 0
                                    

Kabanata 25

Plan

"I have a plan," saad ni Elen matapos dumistansiya mula sa pagkakayakap sa'kin.

Nangunot ang noo ko. "Ano bang sinasabi mo? A-ano'ng plano? Elen, hindi ka na dapat madamay dito---"

"Hahayaan ko na lang bang mapunta ang kaibigan ko sa isang kriminal?" she reiterated.

Mas lalong nagsalubong ang mga kilay ko. "W-what?"

Napabuntong-hininga siya. "You heard me right. Nang dapat may sabihin ako sa'yo at pinigilan tayo ng papa mo, hindi ako tumulala lang at base sa research ko, pamilya iyon ng mga halang ang bituka," sunod-sunod niyang imporma sa'kin. "Your life is at risk any moment."

In-analisa ko ang lahat bago nagwikang muli. "Elen, hindi ko kakayanin kapag nadawit ka pa rito---"

"Tina! I was already involved. Hindi ignorante ang papa mo at alam kong alam niyang may nalalaman na ako dahil sa narinig kong pagtatalo nina tita Rebecca."

Napansin kong napalakas ang boses niya kaya napalingon ako sa loob. Ganoon na lang ang pagbuga ko ng marahas nang makitang nakaakyat na pala sila.

Itinayo ako ni Elen gamit ang dalawa niyang braso habang may pundasyon pa rin ng pader sa likod ko. "Tumakas ka, Tina."

"No!"

"Iyon ang plano! I already informed Apollo about this."

I felt numbed for a while. Tinakasan ako ng dugo sa mukha. "What? Pati si Apollo ay nadamay na rin?"

Kumislap ang mga mata ni Elen. Nagbadya ang mga luha sa mata niya at nang maglandas iyon ay tinarak na ang dibdib ko ng libu-libong punyal.

Pinalis ko ang mga luha sa pisngi niya.

"Tina, I just can't watch you from afar, slowly dying. Kung kamatayan man ang naghihintay sa'kin, then I'm willing to risk. Gano'n kita ka-mahal, Tina."

Walang sabi-sabi ay niyakap ko siya ng mahigpit. "Thank... you," sambit ko sa gitna ng hikbi at takot.

She gently pushed me. "We don't have time for drama. For now, act like you still don't know anything saka tayo aaksyon. Okay, Tina? We'll make it quicker and as soon as possible."

Tumango ako na parang masunuring bata sa magulang. Matapos ng insidenteng iyon ay hindi ako dinalaw ng antok. Pabaling-baling ako sa kama pero hindi talaga ako makatulog. Naisip kong i-search ang pangalan na narinig ko kanina. 

'Mr. Rev criminal cases'

Hindi ako nahirapang hanapin siya dahil trend sa top list ang pangalan niya. Naroon ang mukha niyang naka-posas sa harap habang pinapalibutan ng mga pulisya. Bakit hindi pinabura ito kung makakasira ng image niya? Ayon sa article:

'Former Tycoon Billionaire, Drew Peterson Rev made national headlines in October 2017 when his wife Stacy Rev disappeared. She wasn't the first of Rev's spouses to die. Kathleen Savio-Rev, his third wife, was found dead in her bathtub in 2014. While police and friends searched for Stacy Rev, investigators reopened the Savio-Rev case and charged Drew Peterson Rev in 2019 with two counts of first-degree murder. He was found guilty of Savio's death in 2013 and sentenced to 38 years in prison. He hired a hitman to kill the Will Erum, the prosecutor who had served in his 2012 murder trial.'

May ka-edaran na na ang itsura nito. May takas na puting balbas na pumapalibot sa panga nito, kulubot ang noo ngunit mababakas ang matikas na pangangatawan nito. Ang mas nakakagulat pa ay ang nahanap kong article kamakailan lang tungkol sa ka-apelyido nito. I wonder kung anak niya ba itong nasangkot sa kaso.

Her Karmic FateWhere stories live. Discover now