Kabanata 9

264 99 11
                                    

Kabanata 9

Simbolo

Pilipinas, 2020

Hawak-hawak ko ang dibdib ko pagsapit ng madaling araw nang magising ako. Madalas na akong binabagabag ng kakaibang panaginip na hindi lamang isang ordinaryo. Inalala ko ang huling kamalayan ko sa harap ni Apollo habang namimitas ako ng bulaklak ng rosas sa hardin. 

He offered me a bunch of rose unknowing where did he picked those. Matapos nang makadamdaming pangyayari ay sinakop na ako ng kadiliman at bigla na lang akong nahimatay. Binalak kong magpinta sana at ang rosas ang napili kong subject. Now, narito akong galing lang sa mahimlay na pagkakatulog na dapat ay nagpipinta.

Nakaamoy ako ng mabangong halimuyak at sinundan ng paningin ko iyon. Galing pala iyon sa bedside table ko, ganoon na ganoon ang punpon na bulaklak ang binigay sa'kin ni Apollo sa hardin. Napangiti akong pinulot ang bulaklak at inamuy-amoy ito.

Tinungo ko ang walang kulay na ginuhit sa canvas painting. Sketch pa lang iyon ngunit may dating na panimula na. Ngunit para bang may nakadagan pa rin sa puso ko at hindi ko magawang tapusin iyon. Para bang 'pag tumititig ako sa bulaklak na iyon ay may kung anong larawan ang nakikita ko na pamilyar na pamilyar mula sa panaginip ko.

I tried so hard to remember everything I had dreamed yet it left me dumbfounded by those scattered memories faded in the wind. I sighed over exaggeratedly while looking intently to the image. Wala na, tuluyan na akong nawalan ng ganang tapusin.

Napabalikwas ako nang mag-vibrate ang phone ko. It was from Elena.

'Hindi mo na sinagot 'yung recent message ko.'

Nag-back read ako at nakita ang dati niya ngang message na hindi ko na-replyan. Kasabayan niya kasing nag-message si Apollo no'n kaya hindi ko na nasagot. 

'I'm sorry. Nakapag-enroll na pala ako sa Princeton University that's why I already bought my stuffs' 

Kung ako ay Fine Arts Major in Painting, kinuha naman niya'y Business Management. Ang ina niya ay namatay sa  sakit na Pneumonia at ang ama niyang malapit nang mag-retiro ay hindi na niya na rin nakikita. Ang huling pag-uusap lang nila noon ay ang tungkol sa pagmamana kay Elen ng negosyong naiwan ng ama niya--- ito ang kilala ngayong Hermano Embroidery. Ang haka-haka'y bumukod na ito't may sariling pamilya ngunit walang nakapagsasabi ng katotohanan sa tunay na kalagayan ng ama niya.

Naiwan siya sa lolo't lola niya at nag-alaga sa kaniya.

Noon pa man ay kakikitaan na ng galing si Elen sa pananahi, lalong-lalo sa pagbuburda. Mano-mano man o sa paggamit ng makina. Walang dudang namana niya ito sa mga magulang niya. Ika-apat na taon na niya sa kolehiyo habang ako ay magsisimula pa lamang. Malamang, sa huling taong din ito ay mamumulat na ang isip ni Elen sa mundo ng negosyo. Kung sa edad, tatlong taon ang layo niya sa'kin, 19 years old pa lang ako habang 22 years old na siya.

Bata pa lang mag-kaibigan na kami. Madalas kaming napapagkamalang mag-kapatid dahil magkamukhang-magkamukha kami. Mas matangkad siya ng kaunti sa akin at iyon lang ang kinalakihan ng agwat namin. Parehas maputi ang balat namin at may pagka-tsinita ng kaunting-kaunti ang aming mga mata.

Sumagi tuloy ang unang alaala ng aming pagsasama.

Makulay, masaya, at masarap balik-balikan ang madalas naming alaala. Dahil bata pa kami noon ay wala pa kaming masyadong kamuwang-muwang sa mundo, takbo rito, takbo roon, away rito at away roon. Idagdag pa ang mga kalokohang nagagawa namin sa aming mga kalaro na minsan ay napapaiyak namin at kami naman ay tuwang-tuwa pa. Ang saya lang balikan ang nakaraan at napapangiti ka na lang doon. 'Di tulad ng iba, sa aking mga alaala wala akong masyadong naging kaibigan dahil hindi naman ako mahilig lumabas ng bahay kapag hindi siya ang kasama ko.

Her Karmic FateWhere stories live. Discover now