Kabanata 1

653 152 53
                                    

Kabanata 1

Kahungkagan

Nagising ako sa magandang paggalak ng sinag ng araw na tumatagos sa kurtinang sumasayaw sa lakas ng hangin.

"Tina, gumising ka na riyan."

Pumupungay-pungay pa ang mga mata ko habang kinikilala kung kanino nanggaling ang tinig na 'yon.

"Tina! C'mon wake up." Si Elen pala.

Sumandal ako sa headboard habang nagme-meditate mula sa mahimbing na pagkakatulog.

"Ano ba, Elen? Dinaig mo pa ang nanay ko sa pagtalak. Ang nanay ko nga 'di ako ginigising ng ganiyan tapos ikaw."

Napa-irap siya habang naghalukipkip ng braso. "Hoy! Alas-nuebe na, babae. Before 12:00pm na lang ang deadline sa Avellana Art Gallery at mag-aayos pa tayo para magmukhang presentable."

Nanlaki ang mata ko. "Ha?!"

Isang oras ang nakalipas nang makapag-ayos na'ko. Sa aming dalawa ni Elen ay ako ang mabagal mag-ayos.

"Isukbit mo na ang painting mo sa canvas bag na dapat sana kahapon mo pa ginawa." Untag niya.

"Pasensya na maaga akong nakatulog." Pagsisinungaling ko.

Hindi talaga ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa bigat ng nararamdaman ko matapos ang hapunan kaya siguro kung hindi ako ginising ni Elen ay tinanghali na ako ng gising. 

Ewan ko kung bakit ako nakakaramdam ng gano'n sa binatang nakatagpo namin kahapon. Matapos ang pangyayari kahapon ay para bang may pamilyar na kirot sa dibdib ko na hindi maipaliwanag.

Simpleng loosed, tucked-in long sleeves and brown linen, fabric striped pants ang suot ko na tinernuhan ng flat sandals. Hindi gano'n ka bongga pero smart-looking and presentable naman tignan. We're all settled and bid our composure.

"Let's go." Ani ko.

Nakaupo kami sa lobby ng art gallery. Amoy na amoy ang pinaghalong makalumang bagay at pintura, binibigyang-pansin ang classical vintage ng lugar. Ang kabuuan ng lugar ay halos kakulay ng mocha at kape. Naroon din ang statue ni Lapu-Lapu na may hawak na sandata. Pansin ko rin ang paglabas-pasok ng mga tao. 

Mukhang dayuhin nga ito nga mga tao-- Pilipino man o banyaga. Naipasa na namin ang obra ko at inaantay na lang namin ang resulta.

Mahigit isang oras na rin ang nakakalipas at nakapaskil na sa mukha ko ang kaba habang inip na inip na ang estilo ni Elen na walang humpay sa pagii-scroll sa cellphone nito.

"Tina, mamaya pala daan tayo sa bahay namin. Magpapakita lang ako kay Lolo at Lola dahil mukhang nag-alala 'yun kasi doon na'ko nakatulog sa inyo kagabi."

Tumango-tango na lang ako.

Ilang sandali pa ay nagbukas ang pintuan ng pinasukan ng staff kanina na pinagpasahan ko ng painting ko. Naroon siya't papalapit na rito. Tumayo ako at masikap na nag-abang ng resulta.

"Si Miss-- Celestina Concepcion, tama ba?" paninigurado ng staff.

"Yes po." 

"Alright, the Director and curators are responsible for the judging and masiyadong marami ang nagpasa. Your work was submitted almost in the due of the date so we cannot guarantee na ngayong araw makukuha ang resulta. Tawagan na lang namin kayo based on the number you have put in your bio data." 

Lumuwag ang hininga ko. "Sure, salamat."

Umalis na ito sa harapan namin at lumabas na kami ng gallery.

Her Karmic FateOnde as histórias ganham vida. Descobre agora