Kabanata 24

136 36 0
                                    

Kabanata 24

Revelation

"Why do we love?"

Sinentro ko ang camera sa harap ng interviewee namin. In-adjust ko ang focus nito at inangat ng kaunti sa stand. I captured her photo once as a photo witness. Kalagitnaan na kami ng aming research paper at narito na kaming mga ka-grupo ko para kumuha ng mga opinyon ng mga tao rito sa Princeton.

Our research paper talks about Love.

Tumangu-tango kami sa bawat sagot na ibinibigay niya sa'min. She's good at answering, was it her forte or talagang may pinagdaanan lang siya sa pag-ibig at hinugot niya 'yon para masagot ang katanungan namin.

"Why are some people able to stay together, while other relationships fall apart?" sunod kong katanungan. Wala naman na akong follow-up question sa tanong kanina dahil detalyado na ang pagkakasagot niya.

"It's a cycle of life. People come and go. Some stays forever, 'yung tipong makakasama natin habang-buhay. 'Yung tipong wala nang hahanapin dahil ikaw lang sapat na sa kaniya. Pero para masagot ang katanungan niyong 'why other relationships fall apart?' ay dahil may mga taong nagbibigay sa atin ng mahalagang lesson. 'Yung pain na ibinibigay nila sa'tin yung nagiging aral na sa susunod na magmamahal tayo ay hindi lang natin gagamitin ang puso natin kundi pati utak," she answered as if the matter of fact.

"Last question, have you ever been in love?" tanong ni Alyssa na leader ng grupo namin. Si Alyssa nga pala ang nanalo sa English Department noon Quiz Bee last month.

"Philosophically speaking, I feel love towards my family, pero kung hindi blood-related... yeah, I've been in love. Nagmahal at... nasaktan na rin," she stated the last statement with pain, grief and sorrow. 

Hindi siguro napansin ng mga ka-members ko iyon. Maging si Alyssa ay neutral lang din ang ipinapakitang emosyon sa mukha.

We packed our things. Isinukbit ko na ang DSLR sa bag ko dahil hiniram ko pa iyon kay papa. 

I've been in extra care these days dahil madalas kong dala ang camera para sa pag-iinterview. Nauna na sa'min ang last interviewee for today pagkatapos naming magpasalamat. 

"Saang bahay tayo ngayon?" tanong ni Hannah. Maputi siya at chubby cheeks. Mahilig mag-tiktok pero matalino rin naman siya at may nagagawa rin sa grupo. Siya ang closest person ko rito sa circle ng group na'to.

"Sa amin na lang tayo mag-edit ng video. Besides, I already texted our maid to prepare merienda for us. So, let's go?" ani Alyssa.

"Iyon naman pala e, may merienda. Tara do'n na tayo!" sabad naman nitong si Gelo na walang inisip kundi pagkain. Dahil sa kaniya ay madalas kaming naaantala sa mga plano namin sa research dahil kailangan pa namin siyang antayin para lang kumain. Maya't-maya kung magutom!

Pinauna ko muna sila sa labas ng Princeton para makapag-ayos ako sa washroom. I raked my hair using my hand to straighten. Binasa ko pa ng kaunti para maging masunurin ang buhok ko. Nag-pulbo ako para matanggal ang oiliness ng mukha ko. 

When I'm satisfied, lumabas na rin ako na ikinagulat ko dahil sa taong bumungad sa bukana ng washroom.

Naka-sandal si Apollo sa gilid ng pintuan. He's with his white long sleeves, which uniform ng boys, na naka-tupi hanggang siko. Those veins constricted every move he makes. He wore his admirable smile as he saw me. Naglabasan ang dalawang biloy sa magkabilang pisngi niya.

"You're done doing your research? Hatid na kita," bungad niya nang makalabas ako.

"Huwag na. Hindi pa kami uuwi dahil i-eedit pa namin 'yung mga videos sa bahay ng kaklase ko. You can go first."

Her Karmic FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon