Kabanata 29

140 31 0
                                    

Kabanata 29

Heart's Affliction

The tranquility of the night sky with the millions of stars radiated through the darkness, I see full of it the first thing I opened my eyes. Malamig ang simoy ng hanging pumapagaspas kasabay ng alon dahilan para magsayawan nang marahan ang mga puno ng niyog. Its pliant trunk sways gracefully. Inangat ko ang ulo ko na naka-sandal na pala sa balikat ng isang pamilyar na binata habang siya'y naka-sandal sa paanan ng puno ng niyog.

Sandaling nagkalapit ang mga mukha namin habang wala siyang kamalay-malay na natutulog. Suot pa rin niya ang basang itim na sumbrero at mask na nagpadagdag sa kaniyang pagka-misteryoso. 

Hindi ba 'yon nahulog nang tumalon siya sa tubig?

Or baka tinanggal niya pero wala na ako sa tamang kamalayan para mapansin 'yon.

Namataan kong humihimlay pala kami sa ibabaw ng pinong puting buhangin. The crisp of the sand touching our wet fabric and skin. Ito'y hudyat na kanina pa nga kami naririto. While the serenade waves splashing continuously, I formulated myself to stood up. Pinalis ko ang mga butil ng buhanging dumikit sa braso hanggang sa palad ko. Maging ang ilan sa buhok ko na hindi na matanggal at kailangan nang puspusang ligo.

I realized that I was wearing a jacket. Tinignan ko ang binata na naka-suot na lamang ngayon ng itim na T-shirt. Sa kaniya siguro galing ito. How thoughtful of him. Ngunit nalusaw ang mga ngiti at dagang kumikiliti sa puso ko nang maalala ang kadahilanan kung bakit kami napadpad dito.

Marahas na hininga ang pinakawalan ko nang maka-labas ako ng silid. Tumama ang araw sa pisngi ko kasabay ng marahang pag-ihip ng hangin.

Isa na lang ang natitirang plano ko para maka-laya nang tuluyan.

Nilugay ko ang buhok ko at dahan-dahang sinipat ng hangin ang bawat haligi ng buhok ko.

Nang maratnan nila ako, tumalon na ako sa pusod ng dagat. Nilisan ko ang masalimuot na lugar at tila ibong lumipad sa ere at tuluyang lumaya. Malalim ang inabot ng katawan ko ngunit ilang segundo rin ay lumutang na'ko. Naghihikahos na'ko dahil napagtanto kong hindi pala ako marunong lumangoy!

Sandaling pumagaspas ang tubig sa harap ko. Doon ko napagtantong sumunod sa'kin ang isang tauhan ni papa! Pagka-lutang niya ay doon kong napagtantong hindi pala siya isa sa lalaking humahabol sa'kin kanina.

Before I lost my consciousness, I heard him mumbled.

"Sabi ko sa'yo galingan mong tumakas... Damn you."

Naramdaman ko muli ang pagdilat ng mga mata ko. Maging ang katawan kong sumasayaw sa ibabaw ng pawid ng kahoy. Nakita ko ang pag-aalala sa mga mata ng binatang nasa tubig na patuloy sa pagsagwan sa ilalim ng sikat ng araw. 

Pumungay-pungay pa ang mga mata ko dahil sa katawan kong naka-tapat sa kalangitang may matinding sinag ng ilaw.

Nawala na sa mga mata namin ang barkong lulan ng mga tauhan ni papa na humahabol sa'kin. 

"Who are you?" giit ko sa lalaking patuloy na sumasagwan kung saan man.

"Rest for a while, lady. You're safe now." Para bang mahika ang mga salitang humimig sa tenga ko nang sabihin niya ang mga kataga. Tila ba napasunod niya ako at bago ako mawalan ng kamalayan ulit ay nadama ko ang mainit na bagay na dumampi sa ibabaw ng sentido ko. Its sound was like a smack. I never knew what was it when I already have fallen asleep through the darkness.

Mahimbing pa rin ang tulog niyang humihilik sa paanan ng puno ng niyog. Awang ang bibig na animo'y nangangatal sa lamig. Nang titigan ko siya ay may kung anong kumalabit sa puso ko sa kabutihang ginawa ng lalaking ito. Kahit pa hindi ko naman siya kilala, kahit pa na ang unang pagkikita lang naman namin ay noong nagpanggap akong isang waitress ay hindi siya nagdalawang-isip na tulungan ako. Sa katunayan, pangalawang beses na nga niya akong tinulungan. Ang una, noong hinanap ako ng isang tauhan ni papa sa suite ng lalaki pero hindi niya ako idinawit.

Her Karmic FateWhere stories live. Discover now