Kabanata 6

274 110 12
                                    

Kabanata 6

Legend

"Ano bang pangalan ng lalaking iyan?" saad ko.

Mas lalong lumikot ang puwet niya sa upuan. "Puwedeng apelyido na lang muna?"

Nangasim ang mukha ko at hinintay ang lalabas sa bibig niya. I gave her the sasabihin-mo-ba-o-itutumba-kita-sa-upuan look.

"Corpuz." 

Bumagsak ang balikat ko sa narinig. Animo'y tinusok ng daan-daang punyal ang puso ko sa hindi mapaliwanag na dahilan. Bakit parang pamilyar ang sakit nang marinig ko ang pangalang Corpuz? Bakit parang napaka-pamilyar ng pangalang iyon sa'kin?

Pilit may bumubulong na ang pangalang iyon ay dapat kong alalahanin dahil parte ito ng naging buhay ko at isang malaking kawalan.

"Corpuz? Puwede mo bang i-elaborate?" Nagugulumihanang tanong ko.

Patuloy lang ang pagtitig ni Elena sa harap ng salamin habang blanko ang ekspresyon. "Although, hindi mo pa siya kilala. Hayaan mo't kukuwentuhan kita."

Nakatingin lang ako sa kaniya habang naghihintay ng susunod na sasabihin. Her eyes was gleaming radiance and luminosity. Para bang punong-puno ng kagalakan na ikuwento ang lalaking nagpabihag ng puso niya. 

"Gabi nang una naming pagkikita iyon. Naalala mo nung mag-text ako sa'yo, ewan ko kung nabasa mo pa 'yon. Pero kinagabihan no'n, may lalaking pumunta rito at hinahanap ka pero nang makita niya ko, ewan ko kung nagsisinungaling ang mga mata ko pero noong mga oras na iyon nang magtagpo ang mga mata namin ay nakuntento na siya sa nakikita niya. Hindi na siya naghanap pa ng iba dahil ako na lang ang nakikita niya. Kumabog ang puso ko, inaya niya akong lumabas at hindi ko alam bakit parang napaka-pamilyar ng nangyayari sa amin. Ang malaking katanungan sa isip ko ngayon ay bakit parang matagal na kaming magkakilala. Flow comes naturally, parang ang lahat ng kaniya ay alam ko na."

Kaya ba ang sabi ng kasamahan ni Apollo ay may nagdala siya ng babae sa headquarters nila? Hindi malabong nangyari.

Kung ganoon, nagkita na pala sila. Kahit pala pilitin kong mahulog siya sa'kin, gagawa at gagawa ng paraan ang tadhana para mangyari ang gusto niyang mangyari. Dito na ba magtatapos ang laban? Dito, mula sa oras na ito, tatanggapin ko na ba na talo na ako?

"Huy, tulala ka na diyan. Nakikinig ka pa ba sa'kin?"

Napabalikwas naman ako ng bahagya. "A-ah, oo naman. Sige ituloy mo lang." Ituloy mo lang, gusto kong marinig ang masasakit na salita para matuhan na ang puso ko at tuluyan na ngang sumuko.

"Nalaman ko na hindi sila purong Pilipino. Ang tatay niyang taga-Spain ang nagpahalo sa kanila ng dugong banyaga. Ang nanay niya naman ay purong Pilipino. Hiwalay na ngayon sila at nasa puder sila ng tatay nila kasama ang isa pa niyang kapatid sa ibang ina. Habang nasa puder naman ng nanay niya ang panganay niyang kapatid na hindi na niya nabigyan ng pagkakataong masilayan. Bago sila maghiwalay, nagpasiya ang dalawang mag-asawa na hatiin ang kanilang kustodiya sa dalawang anak, kaya napunta siya sa ama niya at ang panganay naman ay nasa ina niya. Kinuwento lamang iyon ng ama niya sa kaniya nang magwastong gulang na ito."

Ganoon na pala kalalim ang nalaman nila sa isa't isa. Samantalang ako, ni-hindi ko nga alam ang buong pangalan niya. Ang alam ko lang ay kaya siya nagsundalo ay dahil sa kagustuhan ng ama niya kahit pagpipinta ang gusto niya.

"Ano daw ba ang pangalan ng kapatid niya?"

Napaisip naman si Elen. "Hmm... Theos? Daeus? Hindi ko na naalala. Masiyadong makabuluhan ang mga ipinangalan sa kanila. Bukod pa roon, masuri lang akong nakatitig sa kaniya habang nagkukuwento--- sa mata, tapos sa malambot niyang labi."

Her Karmic FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon