Panimula

1.4K 166 73
                                    

Prologo

Sa relihiyon ng Buddismo at Hinduismo, ang Karma ay ang kabuuang pagtataya sa mabuti at masamang ginawa ng tao sa pamumuhay nito. Kalakip ng bawat pagkakamali at kabutihan ay may resultang kahahantungan.

Ito ay siklo ng sanhi at bunga. Nag-uuri sa kung paanong ang pangyayari ay siyang naging kinalabasan. Tayo ang responsable sa lahat ng kinikilos natin. Kung ang isang tao ay nakagawa ng maliit man o malaking pagkakamali ay siyang pagbabayaran ng katumbas na bigat na pagkakasala. Pagkakamaling labag sa utos ni Bathala.

Maging ang ibang relihiyon katulad ng Kristiyano ay binigyang-pansin ang paniniwala ng Buddismo at Hinduismo na naging batayan nila sa pangaraw-araw na buhay. Lumipas ang panahon sa modernisasyong sibilisasyon, lahat ay kumapit na sa makapangyarihang Karma at utos ni Bathala.

Karma. Mabigat na parusa para sa mabigat na salita.

In every reaction, there's a corresponding opposite and equal reaction.

--- Isaac Newton [Third Laws of Motion]

Simula

Ang Pagtatagpo

Pilipinas, 2020

"Pugay!" anito sa malalim at baritonong boses.

Sabay-sabay na yapak ang nalikhang tunog sa hangin matapos ang pangwakas na tuntunin ng pinuno. Samu't saring ingay na ang namayani habang ang iba ay patuloy pa'ring nagre-recover sa matinding drills at training kanina.

Habang ako ay patuloy lamang sa pagpinta sa loob ng aking silid.

Ganyan sila palagi. Palibhasa nasa likod lamang ng bahay namin ang headquarters na pinagsasanayan ng mga estudyanteng nagt-training para sa pagganap na sundalo. Mula sa unang daloy ng pagsasanay hanggang sa pagtatapos, maging sa mga command ay naging pamilyar na ako.

Nasanay na'rin ako sa gano'ng set-up limang beses sa isang linggo.

Ipinagpatuloy ko na lang ang pagtaas-baba ng brush upang bigyang kulay ang mga espasyo't hugis.

"Tina, patapos na ba 'yan?" ani Elen.

Si Eleonora ang matalik kong kaibigan at mas madalas ko pa kasama kaysa sa pamilya ko. Siya kasi ang dealer ng mga ipinagbibili kong obra. Marami at mabilis siyang humanap ng kliyente at art galleries upang maibenta ang pinta ko.

"Binigyan na'ko ng ultimatum ng Art Director ng Avellana Art Gallery. Hanggang bukas ng umaga na lang daw."

Patuloy pa'rin ako sa pags-stroke ng brush, ipinaghalo ko ang sepia at light brown upang bigyang-diin ang classical ambiance ng nasa canvas ko. Isinapuso ko lang 'yon na para bang doon naka-depende ang buhay ko, na parang 'yon ang nagpapatakbo ng tibok ng puso ko.

"Huwag mo na artehan yan, maganda na 'yan. Ipasa mo'na."

Ironically, broker ko siya sa mga pinipinta ko pero walang kasining-sining na dumadaloy sa dugo niya. Basta ba naibabahagi niya sa iba ang obra ko at naipapagbili 'yon sa sapat na presyo, ayos na sa'kin yun. Mahalaga lang ay matutusan ko na ang sarili ko na hindi na dumedepende sa magulang ko.

Magandang simula na rin ito sa career ko para maging bihasa pa'ko sa larangan 'to. Para sa pasukan, hindi ako kulelat, kaya kong sabayan ang mga magagaling na pintor.

Matapos ang oras na nagdaan, nabigyang-wakas ko na ang gawa ko. Naisalarawan ko na ang damdamin ko. Gano'n naman 'yon di ba, nagsusulat ang isang may-akda base sa pahayag ng damdamin nito, lumilikha ng mga kanta ang mga song writer dahil gusto nilang bigyang-tinig ang nararamdaman nila.

Her Karmic FateWhere stories live. Discover now