Kabanata 28

128 29 0
                                    

Kabanata 28

Disguise

Lumayag na ang barko at kanina pa humiwalay sa kalupaan pero hindi ako mapana-panatag sa isiping kapag nagsama ang koneksyon ni papa at Mr. Rev ay puwedeng may mga tauhan sila rito na maaari akong mahuli at ihinto sa pinakamalapit na isla para ibalik ako sa kanila.

Kasalukuyan akong nasa hindi mahulugang karayom na lugar. Kung saan nabibilang ang mga taong middle-class at mahihirap. Ang iba sa kanila'y naka-hanap na nang matutulugang kama habang ang iba'y nagbabangayan sa kung sino ang nauna.

A mother who's breastfeeding her child. A father carries his son to the air, smiling genuinely full of ecstatic. Bagay na pinangarap kong makuha no'n. Ang kalinga ni mama, ang matamis na ngiti ni papa dahil sa wakas ay nakuntento na sila sa kung ano lang ang kaya kong achievement sa buhay. Bagay na minsan ay hindi ko nakuha. Sa simpleng buhay ay mas mabilis nilang nakakamit iyon, kapag sapat lang kasi ang pera ay mas nagtutulungan kayo, mas nagbubuklod at mas nagkaka-isa.

Habang ang mga buhay na mayroon ako, biniyayaan sa pera, kumpleto ang pamilya pero hindi ako masaya. Kasi hindi ko naman kailangan ang mga iniaalok nila sa'kin. Kung gaano kasi karami ang karangyaan namin, gano'n kaunti ang pagmamahal. Kung gaano kalaki at kalawak ang bahay namin, kulang naman sa pagpupuna ng atensyon at apeksiyon.

Kung gaano ko pinagsusumikapang maabot sila, mas tumatayog at mas hindi ko sila naaabot. Because they have their standards and pride. Nagdulot iyon nang pagkasira ng pangarap ko, ngayon ay palabuy-laboy na lang ako sa gitna ng karagatan, kinalimutan ang ka-Maynilaan. Nadamay ang mga mahal ko sa buhay.

Gano'n ba kalupit ang mundo?

Kulang pa ba ang paghihirap ko?

Can this situation still have the worse? Kasi kung m'eron pa, baka mabaliw na lang ako. Baka 'di ko kayanin at kusa ko na lang lisanin ang mundo.

Masuwerte pa ako't sa gitna ng habulan kanina ay naka-hanap ako ng puwesto dito sa kasulok-sulukan. Medyo umuuga na kapag ginagalaw ng kaunti pero ayos na rin. Hindi rin naman ako nagbayad papasok dito. 

Double-deck na kama at wala pa akong kasama sa itaas. Inilabas ko ang ibang mga kagamitan ko. Sinilip ko ang laman ng wallet ko--- mukhang tatagal pa ako ng isang buwan. I know papa will freeze my account kaya kinuha ko na ang lahat ng laman kong pera.

Ngunit saan ako pupulutin matapos ang isang buwan?

Napabuntong-hininga na lamang ako. Napansin ko ang panyo na binigay ng misteryosong lalaki nang mahimatay ako sa ikatlong palapag ng Princeton. Kung saan matapos kong marining ang taong nagpi-piyano ay nawalan na ako ng malay. Hubog ng katawan lang talaga ang nakita ko.

Mapapansin na ang panyo ay medyo luma na... hindi, luma na talaga. Parang ilang daang taon na. Kupas na at nababahiran ng mga brown sa puting tela. Naroon sa gitna ang burdadong simbolo.

Ibinulsa ko na lang iyon. Wala na pala akong cellphone. Naihagis ko na.

Ilang sandali pa ay naagaw ng atensyon ko ang tatlong lalaking may itim na kasuotan. Pumanhik sila sa palapag na ito. Agaw-pansin ang mga iyon dahil sa black tuxedo na suot nito. May ear piece sa kanang tenga at naka-suot ng salamin.

Matikas ang pangangatawan at mukhang armado. Minasid nila ang kabuuan ng unang palapag, nahirapan silang matunton ako sa magulo at nakakalat na tao sa bawat paligid.

Taimtim akong humahakbang habang naka-yukod. Kagat-labing nakalabas ako ng silid.

"Iyon siya!"

Nanlaki ang mga mata ko nang masumpungan nila ako. Pumaripas ako ng takbo patungo sa ibaba pang palapag ng barko. Hiningal ako sa maraming palapag bago ako nakababa.

Her Karmic FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon