Wakas

287 28 10
                                    

Ano ba'ng mahalagang makamit ng isang tao bago siya mamatay?

Iyon ay ang makuha niya ang minimithing tunay na kaligayahan na hindi masusuklian ninuman. Ito 'yung binubulong ng puso mo sa matagal na panahon at sa paglisan mo sa sansinukob ay kayakap ng puso mo ang bagay na magpapaligaya sa'yo; hindi ang materyal na bagay kundi ang madadala ng alaala't kaluluwa mo. Ito 'yung pag-ibig— pag-ibig sa pamilya, sa kaibigan o sa minamahal.

Love is the greatest foundation of this world. It ables to awaken your soul. Loving is a way of teaching. Tuturuan ka sa mga bagay na hindi mo pa magagawa at tanging magagawa mo lamang kapag nagmamahal ka.

Loving is selfless. Pagmamahal na hindi nagdadamot. Pagmamahal na kayang magsakripisyo. Sakripisyong may mabuting kahihinatnan. Sakripisyong mas pipiliin mo ang tama at nakabubuti para sa taong minamahal mo kahit pa ang iwan ito ang solusyon. Sabi nga sa kanta; when you love someone, you open up your heart, and you gave something to lose. That 'something to lose' that you'll give a hundred percent. There's no fifty percent or twenty-five percent. Mawawalan ka ng isa sa pagkatao mo na magiging bukal sa loob mo.

Because sometimes loving someone means falling apart.

Isa na roon ay ang isuko ang mahal mo kung alam mong ang pagmamahal niyo ay isa ng mali.

It wasn't perfect but make it the best. There's no love tainted with selfishness, greed and mistaken.

Epilogo [Third Person Point of View]

Childhood

Pilipinas, 2006

"Sabi ng lolo ko, ang balat (birthmark) ng isang tao ay ang panatandaan kung paano ka namatay sa nakaraang buhay mo," ani Elen.

Nangunot ang noo ni Celestina habang pinagmamasdan ang hubad-barong katawan ni Thaddaeus na masayang nagtatampisaw sa ulan. "Naniniwala ka ro'n? Totoo ba iyon?"

Ngumuso si Elen at marahas na napa-oo bilang pangungumbinse. Sa kanilang tatlo, si Elen ang maraming alam sa mga bagay-bagay patungkol sa mga ganoong paksa. Madalas kasi siyang kuwentuhan ni Lolo Albert niya at ibinabahagi niya sa kaniyang mga kaibigan.

"Ibig sabihin namatay si Thaddaeus sa dati niyang buhay dahil sa birthmark niya sa kanang dibdib?" makahulugang sabi ni Celestina kay Elen.

Nakatingala si Elen sa madilim na kalangitan habang nagbabagsakan ang mga patak ng ulan. Nakapikit at ang dalawang kamay ay nakaangat na animo'y ninanamnam ang lamig ng luha.

"Mhmm..." tugon ni Elen bilang pagsang-ayon sa katanungan ni Celestina. 'Di pa rin siya natitinag sa kaniyang estilo.

Samantala, pinagmamasdan ni Celestina si Thaddaeus habang inaalintana ang mabilis na tibok ng puso niya sa hindi mapangalanang damdamin. Tinititigan niya rin ang walang hugis na kulay kayumangging balat ni Thaddaeus sa kanang dibdib. Mas na-depina lang ang kulay nito kumpara sa tunay na kulay ng kutis niya. Nakikisalamuha si Thaddaeus sa iba pang kalalakihan na kababata rin niya. Ngunit sa huli ay silang tatlo pa rin ang madalas magkasama— si Celestina, Elen at Thaddaeus.

Naramdaman ni Celestina ang presensiya ni Elen sa gilid niya. "Tignan mo ang balat mo sa kanang sentido," sabay dinuro-duro ni Elen iyon.

"Aray ko, ano ba! Kainis ka!"

Napahagikhik si Elen. "Matigas siguro ang ulo mo sa nakaraang buhay mo kaya sa ulo ka mismo tinamaan."

Lingid sa kaalaman ng lahat na isang trahedya ang naganap.

"Hindi ako naniniwala sa mga pinagsasabi mo! Kuwento mo sa lolo mo!" singhal ni Celestina sabay balik ang atensyon kay Thaddaeus.

Nagtama ang mga mata nila kaya pinamulahan si Celestina sa mukha. Tinago niya ang mukha niya sa upang 'di makita ni Elen ang pangangamatis niya.

Her Karmic FateWhere stories live. Discover now