Kabanata 22

149 39 0
                                    

Kabanata 22

Kahulugan ng Pag-ibig

Pilipinas, 1893

Dahan-dahan na akong napapikit at nasasabik sa paglalapat ng mga labi namin nang makarinig kami ng dagundong ng isang karwaheng papalapit sa pinaroroonan namin. Napadilat ako bagay na nagpabanaag sa mukha ni Dominador ang pagka-gulat. Mukhang napagtanto na niya ang kapusukang ginagawa namin sa lilim ng malakas na ulan.

"Señor, sumakay na ho kayo ng karwahe. Paumanhin kung nahuli kami nang dating dahil hinanap pa ho namin kung nasa'n kayo," sabad ng kutsero. Mukhang siya rin ang nakita kong sumundo kay Dominador noong una naming pagkikita sa lupain ng Diego de San Jose.

Tumango si Dominador bilang pagsang-ayon. Iminuwestra niya ang palad niya sa harapan ko. "Sumabay ka na sa'min. Mukhang hindi pa titila ang ulan sa mga oras na ito."

Wala naman akong nagawa kundi magpa-ubaya na lang. Sumampa na'ko sa karwahe at pumirmi ng puwesto. Naging maayos naman ang usad ng karwahe sa kabila nang walang habas na pagbuhos ng ulan. 

Umihip ang hanging may dalang nakakapanindig-balahibong lamig kaya naman napayakap ako sa sarili ko at namaluktot. Napansin iyon ni Dominador at tumingin sa gawi ko. 

"Nilalamig ka ba?" tanong ng binata.

Sasagot pa lang sana ako na hindi nang pagsalikupin niya sa maiinit niyang palad ang dalawa kong kamay. Nilapit niya ito sa bibig niya at hinipan. Kakaibang init ang nadarama ko sa oras na iyon kasabay nang pagbulusok ng puso ko sa paghuhuramentadong tibok.

Mahabaging Diyos, mahina ang panlaban ko sa mga ganito!

Umakyat lahat ng dugo ko bagay na pagkamula ng mukha ko.

"Mukhang hindi ka na nilalamig. Maging ang iyong mukha ay namumula na rin. Epektibo ba, binibini?" saad niya nang may panunuyang tono. Tumawa siyang marahan na rason kung bakit nasilayan kong muli ang mapuputing ngipin niya at sumilip ang biloy niya sa dalawang pisngi.

"Hindi mo dapat ginawa 'yon," banta ko.

"Kung 'yon ang magsasagip sa'yo sa gitna ng lamig ay handa akong lumampas sa linya,"

Napayuko ako lalo sa pagkahiya. Ilang sandali lang gano'n ang estilo namin. 

Sinubukan kong alisin na ang kamay ko sa palad niya nang bawiin niya iyon muli. Mas mahigpit at nang-aangkin ng teritoryo--- para bang ayaw na akong pakawalan.

"Narito na ho tayo, Señor." Nabaling ang atensiyon ni Dominador sa tapat ng kanilang mansiyon. Ilang sandali pa ay nakapasok na kami dala-dala pa rin ang mga tulo dahil sa nabasang damit namin.

Suot ko pa rin ang gabardino niya. Batid kong nilalamig na rin siya ngunit tinitiis niya lang iyon para sa kapakanan ko. Nakikita ko kasi ang mga labi niyang nangangatal na. Kung nilalamig na siya, bakit inuuna niya pa rin ako?

Nang tumapat kami sa isang silid dito sa pangalawang palapag, binuksan niya iyon.

"Dito ka muna manatili at magpahinga. Nagpadala ako kay manang ng iyong pansamatalang masusuot. Maligo ka para hindi ka matuyuan ng pawis. Uminom ka ng maraming tubig pagkatapos---"

"Kaya ko na... Wag ka na mag-abala pa," putol ko. "Magpahinga ka na rin sa iyong silid." Ngumiti pa ako para makumbinseng ayos na ang kalagayan ko. Siya naman kasi itong halos mamuti na ang mukha sa putla pero ako pa rin ang iniisip niya.

Nang dumating ang damit na ibinilin sa'kin ni Dominador, naligo ako at nagbihis. Wala naman akong magawa dito kaya naisipan kong lumabas ng kuwarto at maglibot. Aantayin ko na lamang tumila ang ulan bago ko lakarin ang mansiyon namin mula rito. Malapit lang naman ang pagitan no'n dito.

Her Karmic FateWhere stories live. Discover now