Kabanata 30

140 30 0
                                    

Kabanata 30

Taksil

Ang Rebolusyong Pang-industriya ay minarkahan ng isang panahon ng pag-unlad sa huling kalahati ng ika-18 siglo na nagbago sa kalakhan ng mga nayon, agraryo na mga lipunan sa Europa at Amerika bilang industriyalisado, mga lunsod o bayan. Ang mga kalakal na minsan ay napakahirap na ginawa ng kamay ay nagsimulang magawa sa dami ng mga makina sa pabrika, salamat sa pagpapakilala ng mga bagong makina at pamamaraan sa mga tela, paggawa ng bakal at iba pang mga industriya. Ang mga saligan ng gobyerno ang unang naka-tuklas nito nang ipalawig ng mga Amerikano ay nagkaroon ng impluwensiya sa Pilipinas. Lahat ay gustong makinabang sa magandang dulot ng Rebolusyong Pang-industriya, lahat ay naging ganid at nilabas ang kani-kanilang kulay. Mistulang nabalutan ng balat nilang tupa ang mga buwayang nagsipag-aklas makuha lang ang mga makabagong teknolohiya at makinarya dulot nang nasabing Rebolusyon. Maging ang mga mayayamang pamilya lalo na sa Maynila kung saan matatagpuan ang populasyon ng mga makakapangyarihan ay nakisali rin bagay na nagpalaki sa malaking bula ng hidwaan... lumaki nang lumaki hanggang sa marami na ang naapektuhan at nang sumabog ay maraming nadamay. Ang mga inosenteng buhay sa taong 1800s ay maagang nalisan ang madugong kagubatanag puno ng buwaya, leon at ahas.

"Nais kong ipakilala sa'yo, Rosa, si Señor Celeste Villavivencio, anak ni Gobernador-Heneral Don Amadeo Villivivencio. Ang binatang iyong pakakasalan."

Kung saan naging saksi ang bituin at buwan sa katagang sinabi ni ama, uminog ang mundo ko.

Napansin ni Don Amadeo ang pagka-balisa ko. "Mukhang nabigla yata ang munting prinsesa, Filipe?"

"Batid kong pinagbigay-alam mo na 'to sa kaniya, Silvia?" mahinang bulong ni ama kay ina mula sa gilid ko. Napayuko na lamang si ina.

Sa namutawing katahimikan kung saan habang matamang nakatitig ang pamilya Villavivencio sa bawat kilos namin ay humalakhak si ama bagay na ikinagulat ng lahat. "Pinalaki kong isang mabuti at masunuring anak si Rosa. Maikling diskusyon lamang ito maya-maya ay makukumbinse ko rin ito, Don Amadeo."

"Bueno, no podemos cenar contigo don Filipe y dona silvia, solo venimos a informarte de nuestro acuerdo," (Well, we cannot able to have a dinner with you, Filipe and Silvia, we just came to inform you of our agreement) tugon ni Don Amadeo kay ama at ina.

Nang makaalis sila ay gano'n na lang ang pagkabagsak ng balikat ko. Ang lahat ng pilit na pagpapanggap at malaking maskara na sinuot ko ay nalusaw na sa hangin. "Ama, ano'ng ibig sabihin nito?"

"Nagkaroon ng malaking alitan sa pagitan natin at Corpuz,"

Taas-noo ko siyang tinapat. Kawalan man ng moralidad ngunit dignidad ko na ang inaalipusta nila rito. "Ano sa tingin niyo ang ginagawa niyo sa'kin? Isang damit na puwedeng ipamigay kung kani-kanino niyo na lamang gusto? Una pa lang ay pinahalagahan ko na ang pagkakasal ngunit binali ko ang prinsipyo ko para sa inyo tapos ganito ang---"

"Wala kang karapatang pagsalitaan ang ama mo, Rosa," pigil ni ina sa tabi ni ama. Mas lalo akong nadismaya sa sarili kong ina na siyang babae rin na dapat nakakaintindi sa'kin ngunit nagkampihan pa sila ni ama.

"Sa ginagawa niyong 'to, tinanggalan niyo na ako ng karapatan. Wala nang mawawala sa'kin kung matagpas man ang katiting na respetong nilalaan ko sa inyo." Akmang papanhik na ako sa ikalawang silid para tunguhin ang silid ko at tapusin ang naudlot na pagpipinta nang magsalita si ama.

"Hanggang ngayon, Rosa. Hindi mo pa rin ba naiitindihan na ginagawa lang namin ito para sa'yo." Mas lalo namang nagpintig ang mga tenga ko sa kabalbalan na punto nila.

"Kaya ang naisip niyong paraan ay ipangalandakan ang pangalan at katawan ko kung kani-kaninong mayamang pamilya..." naputol ang pagwiwika ko nang magbagsakan ang mga luha ko.

Her Karmic FateWhere stories live. Discover now