Kabanata 35

126 23 1
                                    

Kabanata 35

Pull The Trigger

Bumalik sa dati ang takbo ng paligid. Nagpatuloy ako sa paglalakad palapit kay Thaddaeus. Kanina'y milya pa ang agwat ng mundo naming dalawa pero ngayon... narito na siya sa harap ko at sa isang iglap ay puwede ko na siyang mahawakang muli.

"Y-you're here..." wala sa sariling sambit ko.

Bumuga siya nang marahas, as if restraining himself for something. Tumiim ang bagang niya. God! He's perfectly looked like Apollo. Ngayon ay napapantastikuhan pa rin ako sa kaharap ko. Iniisip ko kung totoo nga talagang may kapatid si Apollo at siya 'yun o bumangon lang siya mula sa hukay ngayon.

"I'm here for someone,"

My mood became sour. 'Di ko alam kung sasaya ba ako dahil nakikita ko siya ngayon o maiinis dahil nakita ko naman siya dahil kanino man.

Muli kaming nagtitigan ng ilang segundo. Para bang sa mga panahong iyon ay may pumipigil na sa'king hagkan siya't sa mga tingin na lang mapupuna ang mga oras na pinagkait sa'min. And my heart goes confusingly wild... does it flutters because of him? Or baka naaalala ko lang siya sa katauhan ni Apollo?

"Nangangayayat ka, ah? Pinapakain ka ba nang maayos ng asawa mo?" his voice became serious yet sarcasm. My heart shattered as he claimed that I already have a husband.

"A-ah..."

"Sa bagay, mayaman naman 'yung asawa mo." Naupo siya at sumandal sa punong-kahoy ng Malabulak. Dahan-dahan din akong umupo at sabay naming pinagmasdan ang kahel na kalangitan na nababalutan ng kulay asul bungsod nang pagdadapit-hapon. I didn't dared to speak. I was too overwhelmed to think that I had my freedom for the meantime at kasama ko sa unang kalayaan ko si Thaddaeus.

"Kamusta ka? Inaalagaan ka ba niya? Minamahal ka rin ba niya kagaya nang pagmamahal mo sa kaniya?" I heard a pang of pain in his voice. "Nga pala, bakit ka naman pakakasalan kundi ka mahal? Nagbabaka-sakali lang naman ako..."

"H-huh?" hindi ko narinig ang huling sinabi niya. 

"Wala!" umangat ang nguso niya na parang batang nagmamaktol. Napakamot siya sa batok at bumusangot ang mukha.

"Masaya ka naman?"

Sapol sa dibdib ko ang huling katanungan niya. Kaya ko bang sabihin sa kaniya na hindi naman talaga ako masaya? Na hindi naman talaga pagmamahal ang nag-udyok sa kasalan naming dalawa ni Ettiene? 

"O-oo naman. Masayang... masaya... ako," inangat ko ang ulo ko sa kalangitan upang pigilan ang nagbabadyang luha ko. Not him, will  gonna see my weakness. Ayaw ko na siyang idamay sa problema ko. Kung maari'y ayaw ko na siyang papasukin sa buhay ko dahil kung ano pa'ng magawa ni Ettiene sa kaniya.

Suminga ako. 

"Are you cryin---"

"Ang anghang talaga nang kinain ko kanina haha..." 

Napatigil siya sa pagtatanong. He nodded as if he has been convinced on my excuse. 

"I was asking you earlier how's the life of being a wife?"

Akala ko ay natakasan ko na ang tanong na iyon. I think he's way too smart para mauto ko. I was a conversationalist at kaya kong paikutin ang paksa ng kuwento sa mga salita ko but he's an exception.

"How should I say this... happy? Ewan. Nami-miss ko na nga siya dahil nasa business trip siya ngayon," pagrarason ko. Ilang karayom na ba ang tumusok sa dibdib ko sa bawat pagsisinungaling kong 'yon? Gusto kong palabasin na maayos lang ang naging buhay ko kahit kabaligtaran iyon sa nangyayari ngayon.

Her Karmic FateWhere stories live. Discover now