Kabanata 36

189 21 0
                                    

Kabanata 36

Verdict

"That's where my tangled fate ends... as you can see, this is where I ended up."

Kaharap ko si Sir Albert habang kinukuwento sa kaniya lahat ng nangyari sa'kin. Simula nang magkawatak kami ng pamilya ko at tumakas ako sa kanila maging sa estrangherong binatang tumulong sa'kin hanggang sa kinasal ako at ang dahilan nang pagkakasadlak ko rito sa kulungan.

Mababanaag ang kalungkutan sa mga mata ni Sir Albert. Batid ko rin ang gumugulo sa isipan niya dahilan para maging ganiyan ang resulta ng ekspresyon niya. 

"Bahala na po kayo, Sir, kung ano ang magiging judgment niyo sa'kin. It was just spur of the moment and 'di ko inaakalang..." napayuko ako at banayad na winika ang huling kataga. "Makakalabit ko ang baril."

Mainit ang dalang hangin ng tanghaling araw habang sumusuyod sa bawat kasulok-sulukan ng buhok ko ang hangin. So, the air here is not that polluted, huh? 

"Nang malaman ko ang balita tungkol sa pagkakakulong mo, hindi pa rin nabago ang tingin ko sa'yo, apo," 

Nangilid ang mga luha ko. Inangat ko ang tingin ko at tinangkang 'wag magpapatulo ng kahit isang patak na luha. "D-drama niyo, Sir."

Napatawa siya nang namamaos. "Wala naman tayo sa paaralan. Lolo na lang din ang itawag mo sa'kin."

Gumaan ang pakiramdam ko. Sa mga oras na 'to ay mataman ko na lamang pinapakatitigan ang mukha ni Sir Albert. Kinakabisado para sa huling pagkakataong makikita ko siya. Para bang nakuntento na lang ako sa katahimikan.

"S-si Elen po?"

Tinaga ang puso ko sa enkuwentrong iyon dahil nasilayan ko ang mga luhang dahan-dahang pumapatak mula sa mga mata niya. Nanginang ang tila bituin sa mga mata niya't nagdadalamhati sa kawalan.

"M-masaya na siya ngayon kasama ang mga... m-magulang niya,"

Napapikit ako sa kung anong kumurot sa puso ko. Sabay naming pinagtangisan ang kalungkutan ng isang buhay na nawala. Tahimik at impit na hagulgol lamang habang dinadama ang bawat sandaling dumaraan.

"Kahit gano'n ang ginawa ni papa, nagpapasalamat na lang ako na hindi niya kayo ginalaw. Hindi niya pi-pinakialaman ang buhay niyo. K-kapag nagkataong gano'n nga, 'di ko na m-mapapatawad... ang sarili ko,"

"A-alam mo na?"

Natawa ako sa pagkabigla niya. "Matagal ko na pong alam na apo niyo si Elen. Kahit 'yung lola niya lang ang nakita ko no'n, nakikita ko po kayong madalas na magkasama na parang mag-ama ang turingan sa Princeton. Napatunayan ko na lang pong apo niyo siya dahil napagtanto kong may pagkakahawig nga kayo sa kaniya."

Naantala ang pagluha niya dahil sa tawa. "Matalino ka nga talagang bata ka. Marami kang alam sa mga nasa paligid mo."

Hilaw akong ngumiti. "Alam niyo po, Sir--este lolo, kayo lang po ang pumuri sa'king matalino ako. Kailanma'y hindi ko narinig sa kanila 'yon pero maayos naman na po ang samahan namin ngayon... nitong mga linggo ko lang din natanggap."

Tinutukoy ko 'yung tungkol sa pamilya ko.

Kumapal nang bahagya ang tensyon. Hindi niya rin makuhang mangusap dahil sa nasabi ko. Siguro, akala niya'y hindi pa'ko nakaka-move on don pero ayos na sa'kin iyon. Casual ko na lang ding naibabahagi iyon sa kaniya nang hindi nakaka-dama ng pait.

"May gusto po pala akong linawin sa inyo..."

Tumuwid siya sa pagkaka-upo at sumeryoso ang mukha niya. Nilatag niya ang siko niya sa mesa at binuksan ng buo ang pandinig para sa susunod kong sasabihin. Feeling ko talaga alam na niya ang itatanong ko... might be nag-aantay lang siyang tanungin ko. Letting him opening the topic would seem off so he waited me to initiate it.

Her Karmic FateΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα