Kabanata 26

126 34 0
                                    

Kabanata 26

Chase

"Celestina, what happened?" 

Hindi pa rin naiimik si Apollo kahit ilang beses niya akong tapikin. Hindi ko maigalaw ang mga binti kong parang naging bato. 

Apollo cupped my cheeks. Hinarap niya ako sa direksyon niya. "Celestina, tell me what happened?"

Nang mapagtanto niyang hindi talaga ako makakasagot sa mga tanong niya ay kinuha niyang muli ang cellphone kong nahulog sa sahig. Hindi ko pa pala nabababa ang tawag sa labis na pagkabigla. Ni-loudspeaker niya iyon.

"Boss, number po ni Celestina," sabad sa kabilang linya.

"Ingratang babae! Celestina nasa'n ka?!" Nanatili pa ring awang ang bibig ko. Gusto ko siyang kamuhian sa mga oras na 'to. Gusto ko siyang sigawan at saktan sa maaaring ginawa niya kay Elen nang marinig ko ang isang putok ng baril ngunit tinakasan ako ng tapang. Patuloy pa ring hawak ni Apollo ang cellphone sa ere at pinapakaabangan ang mga sasabihin ni papa.

"You cannot run from me, Celestina," giit niya na nakapagpanindig-balahibo sa pagkatao ko. Parang hindi si papa ang kausap ko ng mga oras na ito. Para bang nilamon na siya ng pera, ganid at pagka-gahaman. Nagmistulang isang demonyo na siya.

"Track the GPS," matapos no'n ay binaba na niya ang linya. Mas lalong nanlaki ang mga mata ko nang magkatitigan kami ni Apollo.

"Tatakas tayo," saad ni Apollo.

Nawawalan na ako sa tamang pag-iisip kaya naman sinunod ko na lang ang pasya niya. Naisip kong ako na lang ang tatakas ngunit condo ni Apollo ang location na tinitirikan ng cellphone ko kaya malamang ay hindi magdadalawang-isip na tutukan din ng baril si Apollo. Knowing him, hindi rin siya magdadalawang-isip na ibuwis ang buhay niya para sa'kin katulad ng pagbuwis ng buhay ni Elen. Dalawa na lang kaming lumalaban  and I cannot bear anymore kapag may nangyari pa sa kaniya. Hindi pa man umaabot sa kalagitnaan ang laban ngunit may isa nang kinitil. I was really hoping that nothing happens to her. Kahit pa ang pag-asang pinanghuhugutan ko ay malapit sa imposible pero umaasa pa rin ako.

"Wait me here," pumasok siya sa kuwarto niya habang sinusukbit ko na sa backpack ang mga kagamitan ko na nailabas ko kanina.

Ilang minuto pa ang nakalipas nang makalabas siya at may dalang magaan na backpack. Nagbihis rin siya ng dark jeans at white chucks. Hindi na lang niya napalitan ang t-shirt niya.

Pinangunahan na niya ang pagbukas ng pinto. Huminga muna ako ng malalim upang mapawi kahit papaano ang kabang lumulukob na sa sistema ko saka ako sumunod sa kaniya. He held my hand as he precedes the way, squeezing it intently making me showered with comfort. Sa mga oras na iyon habang magkahawak ang mga kamay namin ay bumuhay ang pag-asa kong muli. Nadarama kong magiging maayos na rin ang lahat at matatakasan namin ito sa paraan ng paghawak niya sa'kin. May diin na para bang sa gitna ng hidwaan ay hinding-hindi niya ako papabayaan.

Nasa harap na kami ng pinto ng elevator at inaantay ang pagbukas nito. Sa bawat sandaling dumaraan ay mas lalong nagpapadagdag sa kaba ko sa isiping pagbukas ng pinto ay baka naabutan na kami ni papa. Hindi malabong mangyari iyon dahil. It's just a matter of time. A matter of luck.

Nang tumunog ang elevator ay parang bumagal ang takbo ng oras. Dahan-dahang nasilayan namin ang tao mula sa loob ng elevator. Dumadagundong ang puso ko sa kaba ngunit gano'n na lang ang pagbitaw ko ng marahas na hinga nang walang tao roon.

Pinindot na niya ang ground floor habang magkasalikop pa rin ang aming mga kamay. Sa mga oras na ito ay hindi pa rin maiwasan ng puso kong maghuramentado hindi dahil sa kaba at pangamba kundi sa epektong dulot ng lalaking nasa harapan ko ngayon. 

Her Karmic FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon