Kabanata 8

275 99 1
                                    

Kabanata 8

Alamat

Pilipinas, 1893

"S-señor," wika ko sa mahinang tinig at may halong kaba.

Napatitig lamang ako sa naka-muwestrang nag-iisang heranyo sa kanang kamay niya habang ang isang kamay ay nasa likod. Inangat kong muli ang aking titig na ngayo'y nasa mga mata na niya.

Hinubad niya ang itim na sumbrerong hawak niya at tinapat sa dibdib.

Mula sa pumupungay-pungay niyang mga mata na singitim ng kaniyang buhok na humahawi bungsod ng hanging dala. Dumadantay iyon sa kaniyang kilay at panaka-nakang humahawi sa tuwing humahangin.

"Tanggapin mo na, binibini." Bumalik lamang ako sa aking wisyo nang magsalita siya. Nagpakawala siya nang mahinang tawa dahil napagtanto niyang nakatitig ako sa kaniya nang matagal. Para bang may kumikiliti sa aking puso nang masilayan ko ang mga ngipin niya at malaman na ako ang dahilan nang pagngiting iyon.

Dahan-dahan kong kinuha ang bulaklak ng heranyo sa mga palad niya. Sa hindi sinasadyang pagkakataon ay dumantay ang aking balat sa kaniya na nagdulot ng napakaraming boltahe ng enerhiya. Para bang nasa gitna ako ng isang malawak na bilog at napapaliputan ng mga linya ng kuryente na sa kaunting kilos ay napapaso ako.

"M-maraming salamat, señor," giit ko habang ninanamnam ang pinaghalong amoy ng rosas at dayap (lemon) ng bulaklak na hawak-hawak ko. Ganoon kasi ang amoy ng heranyo. Napapikit ako sa bangong taglay nito.

Pagdilat ko ay siyang pagtamang muli ng mga mata namin sa isa't isa. Pumupungay-pungay muli ito at tila may ngiti sa labi. Nang mapagtanto ang kapusukang ginagawa namin ay sabay naming iniwas ang aming titig sa isa't isa. Sabay kaming tumingin sa kawalan na para bang walang nangyari.

"Kay gandang bulaklak," sabi ko na lang upang mabawasan ang bigat ng hangin at atmospera. 

"Kung iyong mamarapatin ay ano ang ginagawa ng isang dilag na tulad mo sa lupain ng Diego de San Jose," tugon ng binata. Nabigyang-depina ang kaniyang kalaliman ng boses sa mas mahabang pahayag na binanggit niya. Subalit hindi, sabi ng aking ina na hindi ako makikipag-usap sa kahit sinong estranghero. Kahit pa ang mala-anghel nitong mukha ay unti-unting sumasakop sa sistema ko. Sabi nga ay ang panlabas na anyo ay tuso sapagkat maaari kang malinlang dahil hindi mo nakikita ang tinatagong kulo sa loob nito. Maaaring may kaguwapuhang taglay ito ngunit maaari ring gamitin ang mukha sa panloloko ng ibang tao.

"Kung iyo ring mamarapatin, ginoo, na ang rason nang pagpunta ko rito at ang buhay ko ay pribado at hindi puwedeng ipagkanulo kahit kanino," sambit ko sa pagmamayabang na tono. Dumaan ako sa gilid niya at nilagpasan siya. Akmang aalis na nang magwika siyang muli. Napako ako sa kinatatayuan habang siya'y nanatili sa likuran ko.

"Ano namang ikinakabagabag mo roon?" panimula niya. Naulinagan ko ang unti-unti mga yapak niya hanggang madama ko ang mainit na presensiya niya sa likod ko. May isang pulgada na lamang ang layo. "Banta ba ako sa'yo, binibini?" Umihip ang mainit niyang hininga sa batok ko, nanindig ang buong balahibo ko. Sa pangalawang pagkakataon ay kumabog ang puso ko. Para bang naka-dama ako ng kung anong hindi maipaliwanag na nadarama na hindi ko pa nararamdaman noon at hindi ko nagugustuhan 'yon.

"S-señor, maaari ka bang d-dumistansiya?" pagsusumikap kong magsalita. "Hindi magandang makita ng kahit sino na ang isang binata at dalagang walang kaugnayan sa isa't isa ay magkasama."

Marahan siyang tumawa sa malalim at sensuwal na tono. "Walang ibang tao rito, binibini. Magagawa natin ang gusto nating gawin at walang makakapigil sa'tin."

"S-senor---"

"Magagawa mong pumitas ng kahit anong bulaklak na ibig mo habang magagawa kong tumambay sa magandang tanawin dito hinggil sa nais ko. Tama ba, binibini," putol niya sa'kin. Naroon pa rin ang pagiging sensuwal at panunuya sa boses niya.

Her Karmic FateWhere stories live. Discover now