Kabanata 21

137 37 5
                                    

Kabanata 21

Claimed

Paulit-ulit kong nire-refresh ang page ng school dahil ngayong oras na ito malalaman ang grades namin via online.

Namamawis na ang mga palad ko dala ng kaba. Tinawag ko na ang lahat ng santo na sana... sana hindi ako mag-fail. Sana tumatapat sa langit ang taas ng mga grades ko. Hindi ko na kakayanin pa ang pagbubunganga ni papa sa pagbabato niya ng mga masasakit na salita sa'kin kung sakaling may mababa ako.

This is just my last resort to hold dad's trust and recognition. Hindi pa rin ako natitinag kahit pa hindi siya natuwa sa naging kapanalunan ko sa Quiz Bee noong nakaraang buwan.

Kaninang umaga pa lang ay aligaga na ako sa pag-refresh dito. Umalis ako sandali at binalikan din ang laptop ko to see what's update.

There it was... after millions of refreshing, lumabas na ang grades ko. Umawang ang bibig ko sa resulta.

"Celestina, sumabay na raw ho kayo sa hapag bilin ng mama ninyo," sabad ni manang mula sa bukana ng pinto.

I composed myself going downstairs. Nasalubong ko sila na nasa hapag na at nagsasandukan na ng mga pagkain. Umupo na ako sa nakaugaliang puwesto sa tabi ni kuya Jake. Tahimik lamang ang lahat at walang umiimik. I was hoping na hindi ako ngayon tanungin ni dad with regards to my grade. I just can't handle him now... just can't.

"Pa, the merging relationship within the daughter of Santiago family and I are having a great progression. Mas lumalaki ang connection ng kompanya," basag ni kuya Jake sa katahimikan.

Dad hummed in satisfaction. "That's great! Sinunod mo nga ang sinabi ko sa'yo. I don't know how to express my gratitude on you, hijo. Hindi ako nagkamali nang pagbigay ng tiwala sa'yo sa kompanya."

"Thanks, pa."

Muli na namang namayani ang katahimikan at sa bawat paglipas ng oras ay gusto ko na lang tapusin nang mabilisan ang kinakain ko at umakyat na sa taas.

"Becca, about the embroidery company in Laguna? How was it?" wika ni papa.

Napahinto si mama sa pagkain. "Kinausap ko na si Danilo, kinulang lang daw sa mga kagamitan kaya tinawagan ko si Engr. Cruz para padalhan ang mga tauhan doon ng mga gagamitin para sa bagong ipapatayong branch. You don't have to worry about, Rico."

Mas kumapal pa lalo ang tensyon nang mukhang mababatid kong ako na ang susunod sa pilang tatanungin niya. I'm still on my halfway nang pagkain and I have to quicken my pace. Sinunod-sunod ko na ang pagsandok ng kanin sa bibig ko kahit may laman pa iyon nang magsalita ang baritonong boses ni papa.

"Celestina,"

Nasamid ako sa gulat kaya naman kinuha ko ang basong may lamang tubig at dinahan-dahan ang paglagok no'n.

"Okay ka lang ba, Celestina?" asks mama.

Nang malunok ko na lahat ang nabarang pagkain sa lalamunan ko ay sinabi kong 'Okay' naman na ako at nakumbinse ko si mama

"Now is the releasing of your grades if I'm not mistaken," tuloy ni papa.

I sighed exasperatedly. "Yes, pa."

He dranked his wine before he spoke for the nth time. "How's your grade in Physical Science?"

Oh, is he asking me in just particular subject? Mataas ako ro'n kaya taas-noong hinarap ko si papa.

"97 po." I answered

"Creative Industries?"

Teka, iniisa-isa niya ba? Shocks! Don't tell me kabisado niya ang mga subjects ko?

Her Karmic FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon